Chapter Nine

202 5 1
                                    

Sky's POV

After that hug we shared, 'di ko na alam kung anong hiya pa ang kaya kong ilabas. Kulang na lang ay umuwi na ako ng Pinas para 'di na ako mamula kapag nagkakatinginan kami.

Paano ba naman kasi, kapag magkakatinginan kami, palagi siyang ngumingiti sa akin. Ako naman na hindi makangiti kaya namumula na lang. Hays!

It's been hours since that hug and I still can't get over it. I feel his warmth up until now.

Kumuha ako ng unan at itinakip iyon sa aking mukha para maibaling ang aking iniisip sa iba. Ngunit nang aking maibaba ang unan ay bigla na lang nahagip ng aking mga mata ang katawan ni Gab na walang ibang suot ngayon kun'di twalya lang sa kaniyang baywang.

Naramdaman ko na lang ang pag-init ng aking mga pisngi.

Palagi na lang ako namumula baka akalain ni Gab na may sakit ako.

Our eyes connected and I was the first one to look away. I hid my face with the pillow I used a while ago.

I heard him chuckle. When I lowered the pillow from my face, he was facing the closet while picking out clothes. He went back to the bathroom and I removed the pillow from my face.

Isa nanamang kahihiyan.

Humiga na lang ako at unti-unti nang nilamon ng antok.

"I love you.." Narinig kong bulong sa akin pero hindi ko na ito masyadong mapansin dahil sa antok.

~*~

Narinig kong tumunog ang aking cellphone mula sa nightstand na katabi nitong kama. Pinatay ko ito at bumangon.

Kinusot ko ang aking mga mata at lumingon ako sa aking tabi pero hindi ko nakita si Gab.

Lumakad ako papunta sa sofa at doon ko siya nakita.

He was sleeping so peacefully.

Nakita kong nakababa 'yung kumot sa kaniyang baywang kaya itinaas ko ito. Nagulat ako nang bigla siyang tumalikod buti na lang ay hindi ko siya nagising.

Nagpatuloy akong maglakad hanggang sa makarating sa kusina. I opened the shelves but they were empty, even the fridge was empty.

Habang naghahanap ng pwedeng iluto ay nahagip ng aking mata iyung paperbag sa countertop. Binuksan ko ito at may nakitang cup noodles.

Hindi ko alam kung anong flavor 'yon pero agad kong nilagyan ng mainit na tubig ang dalawang cup.

Pumunta ulit sa sofa para sana gisingin si Gab pero sobrang sarap ng tulog nito kaya minabuti ko na lang na huwag muna itong gisingin.

Bumalik ako sa dininga area at kinain 'yong noodles.

Unti-unti kong naramdaman na umiinit at humahapdi ang aking mga labi at bibig.

Napaka anghang!

Tinignan ko 'yung packet at nakitang spicy flavor ito.

I rushed to get some water but it wasn't enough.

I've got no choice.

Binuksan ko 'yung freezer at isinubo ang isang ice cube.

Nakahinga na ako nang maluwag, pagkatalikod ko ay nakita ko si Gab na nakatayo at lumalakad papunta sa akin.

"Anong ginagawa mo?"

Sasagot na sana ako nang maalala kong may yelo pala sa loob ng aking bibig kaya umiling na lang ako.

"Anong kinakain mo?" Tanong ulit nito at napapikit na lang ako.

Ayokong sumagot nakakahiya! Ano naman kayang itsura kong nagsasalita habang may yelo sa bibig.

Ibinukas ko na aking mga mata at sumagot.

"Yuhlo." Sagot ko dito pero kumunot na lang kaniyang noo. Malamang sa malamang kinekwestyon kung bakit ako kumakain ng yelo nang ganito kaaga.

Napatango na lang ito na ikinalaki ng aking mga mata.

Baka isipin niyang weird ako! Omy!

Hindi pa rin siya umaalis sa harapan ko kaya tinuro ko 'yung cup noodles na kaninang kinakain ko.

"Ahh! Maanghang?" Tanong nito sa akin na ikinatango ko na lang

I sighed in relief nang mapagtanto niya kung ano ang aking sinasabi.

"Sorry. 'Di ka pala mahilig sa maanghang. I should've asked you no'ng bumili tayo." Paghingi nito ng tawad na ikinagulat ko naman. Agad akong umiling iling para ipakita na ok lang.

Nakita ko ang ngiti nito at hinaplos niya ang aking buhok.

"You're so cute."

Parehas kaming nagulat sa lumabas sa bibig niya. Namula nanaman ako at tumikhim siya.

"A-ah mag-order lang ako ng food." Sabi nito bago umalis sa aking harapan para tumawag sa cafeteria.

I was left standing. I clutched my chest and took a deep breath.

I can't understand this feeling.

~*~

Kumakain kami ngayon ng breakfast sa living room Habang nanonood ng movie.

Nabaling ang aking tingin sa kaniya.

He was laughing while eating.

Hindi ko namalayan na nakatingin na pala ito sa akin habang tumatawa pa rin.

Unti-unti itong huminto sa pagtawa at nagsalita.

"M-may dumi ba sa mukha ko?" Tanong nito na nagpabalik sa akin.

"Ah, w-wala naman." Sagot ko at nag-iwas ng tingin.

I saw him smile na nagpamula nanaman sa aking mga pisngi.

Baka kung anong isipin niya. Eh ako ba? Ano ba kasing ginagawa ko??

Napapikit na lang ako nang mariin at ipinagpatuloy ang pagkain.

Narinig ko siyang humigop ng sabaw doon sa cup noodles na inihanda ko kanina.

Paano niya nakakayang kainin 'yan??

"Gusto mo?" Alok nito sa akin.

Nanlaki ang aking mga mata at marahas na umiling na ikinatawa naman niya.

"Joke lang." Sabi nito habang tumatawa at nagpeace sign pa.

Ibinaling ko na lang ang aking tingin sa tv para mabawasan ang hiya na aking nararamdaman.

"Gusto mo ba lumabas mamaya?" Tanong nito sa akin.

"Sige." Sagot ko nang hindi siya nililingon.

Narinig kong bumulong siya ng 'yes' na ikinangiti ko.

Ipinagpatuloy namin ang panonood nang marinig ko mula sa tv na magkakaroon ng concert ang BTS sa Friday.

Hindi ko maiwas ang tingin ko sa tv at nakatitig lang dito, nakikinig nang mabuti.

I opened my phone to check the date. It's Monday, I can still get a ticket.

Napangiti ako nang malawak at nagdiwang sa aking isipan.

I can't lose this chance! I should g- no, no. Kasama ko pala si Gab. Hindi pwede.

My smile slowly fell as I thought of this, so I just scrapped the idea of attending the concert.

Gab's POV

Nakita ko kung gaano siya katutok sa tv nang ipalabas ang about sa concert ng BTS.

She must really like them.

I looked at her while she was smiling widely but for some reason her smile suddenly fell.

Nangiti ako sa aking isip at bumulong.

Don't be sad, Sky. I already bought the tickets.

~*~

Vote and comments luvs~

Our Love Out Of MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon