Isa, Dalawa, Tatlo

2.3K 11 1
                                    

Nagsimula sa isa,
tapos nakilala kita.
Minahal mo ako,
naging tayong dalawa.

Tatlong buwang ligawan,
apat na biyernes nagkasama
Limang oras sa telepono
hanggang mag-umaga.

Animo'y isang panaginio
lamang ang lahat.
Pitong beses isang linggo
ito nagaganap.

Walong letra,
isang pangungusap.
Siyam naman
sa tagalog ang katapat.

Kahit sampung beses
ko pag ulit-ulitin,
ikaw lang talaga
ang aking mamahalin.

Nagmula sa isa,
doon nag-umpisa
Magigising na lang ako,
tapos wala na pala.

At paggising sa umaga, sasabihin mong mahal parin kita.


Kinaya


Kinaya ko naman dati na mag-isa,
nabuhay naman ako nang wala ka.
Kaya kahit iniwan mo ako, pinagpalit sa iba,
babangon ako't kalilimuta kita.

Hindi magpapalamon sa galit,
hindi magpapakalunod sa pait.
Patatawarin kita sa lahat ng sakit,
iisipin muna ang sarili kahit saglit.

Kakayanin ko naman ang mag-isa,
nasanay naman na ako dati pa.
Magmamahal, aasa, iiwan,
luluha, babangon sa kalungkotan.

Hindi lang ikaw ang tao sa mundo.
May isnag tao pang deserve sa pag-ibig ko.
Kaya kung magmamahal muli ako.
sisiguraduhin kong hindi na tulad mo.

Sayaw ng apoy at hangin

Ikaw

Kasabay ng paglubog ng araw
ay ang pag-asang may pag-ibig na matanaw.
Kasabay ng pagsilio ng buwan
ay ang pag-ibig ng pusong naiwan.

Titigan ko ang matang makumanay,
hahawakan ko ang mainit mong kamay.
Ibubuling ang tinig ng ousong maingay,
Ihahalik ang labi hanggang masanay.


Ako

Dagat ang ating magiging kumot,
sa ilalim ng buwang malungkot.
Mga bituin ang ating magiging liwanag,
sa puso nating sana'y di matinag.

Ililigaw ang sarili sa pag-ibig na masukal,
kahit mapagod ka, halika rito't sumandal.
Itatapo  ang sarili sa apoy ng pagmamahal,
handa ka na ba sa gabing magtatagal?


Ikaw

Hayaan mong yakapin kita nang mahigpit
Hayaang lungkot mo'y matanggal
ng halik kong mainit.

Ibibigay ko anuman ang iyong hiling,
hamdang maging alioin sa itlyong piling.


Ako

Isa lang naman ang gusto kong malaman........

Kapag ba nagpaalam ang buwan,
kapag napagod ang alon sa tawanan,
kapag nagsawa ang apoy at hangin sa sayawan....

Nandiyan ka pa rin ba,
hindi ako iiwan?


Styro

Tulad ng isanh styropor na naligaw sa gitna ng dagat, ang buhay ko ay palutang-lutang. Sumasabay na lang ako sa agos ng bugay. Madalas ay nakatitig lang sa alon pero hindi gumagalaw. Hindi na kumkilos. Walang gingawa. Nakatunganga.

Muntik ng Maging Tayo by Marcelo Santos Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon