Huling tula para sayo

1K 9 0
                                    

Muntik nang umibig sa iyo,
Unti-unting nahuhulog sa ngiti mo.
Na sa buhay ko'y nagdulot ng pagbabago,
Tunay na pagmamahal, alay ng puso.

Iniisip ko ang sinambit mong mahal kita,
Kasama ang mga pamgarap nating dalalawa,
Na sabay gigising, matutulog hanggang pagtanda,
Ako at ikaw, doon ako masaya.

Ninais ko s buhay, ang makasama ay ikaw,
Galak sa puso, dala buong araw.
Maging sa paningin, ikaw lang ang tanaw,
Aanihin pa ang pag-ibig kung wala namang ikaw.

Gusto kong maniwala ikaw na nga,
Ikaw na sagot sa hiling kay Bathala.
Ngayon, kung ako'y magtatanong at magusisa,
Ganito rin ba ang iyong nadarama?

Tumahimik ka't hindi nagsalita,
Ang  mukha'y wala nang tuwa.
Yon ang oras na nagpaalam ka,
O sinta, muntil na akong maging tanga.

(MUNTIK NANG MAGING TAYO)

Muntik nang maging tayo

Sa likod ng mga masasakit na tula at kwentong naisulat ki sa librong ito ay isang pusong nasaktan ngunit hindi nawawalan ng pa-asa sa pag-ibig.

Oo, naskatan ako pero hindi dahilan ang sakit na nakaraan para tumigil ako sa pagmamahal. Napakasagrado ng pag-ibig. Kung tatanungin nga ako kung ano ba ang purpose ng tao sa mundo, dalawa ang isasagot ko: umibig ng kapwa at makaramdam ng saya.

Ironic kung iisipin dahil tulad nga ng sinabi nila, kapag nagmamahal ka, doon ka masasaktan. Pero sa akin, hindi naman natin mapipigilan ang mundo na saktan tayo. Hindi natin mapioigilan ang taong gusto natin na mahalin din tayo. Na kahit magsigawsigaw ka ng bakit hindi mo ako mahal, wala ring magbabago.
Mapapagod lang tayo, mapapaos lang ang puso.

Masakit talaga sa damdamin ang maranasan ang pag-ibig na muntik. Sino ba sa atin ang gustong nabibitin sa pagmamahal? Sa pagpapahalaga? Sa pagiging maligaya? Wala. Kaya doon tayo lalong nasasaktan. Pero kaya mong pigilan abg sarili nong maging mas malungkot, kaya mong sanayin ang puso mo na malimutab ang sakit paunti-unti.

Paano? Simple lang, guamwa ka rin ng tula  magtravel ka sa iba't ibang bansa (na hindi kailangan ng VISA para mas madali) manood ka ng TV series o ng palikula, lumabas ka ng bahay, libutin mo ang National Museum, humiga ka sa seashore ng Boracay, kumain ka ng isaw, magroadtrio ka sa tren, pumunta ka ng mall, magbasa ka ng libro (o subukan mong sumulat bg libro), magkipagkwentuhan ka sa nga barkada mo, makupagbondong ka sa pamilya mo.

Gawin mong busy ang sarili mo. Totoo 'to. Kahit paulit-ulit na sinsabi ng mga tao, effective ito. Hindi siya ang direktang sagot para maka move-on ka sa pag-ibig na muntik (and I think wala naman talagang direktang gamot sa pusong masakit) pero sa bawat oras na gingawa mo ang bagay na maaring makapagpalimot sa'yo tungkol sa mga naranasan mo, binibigyan mo ang sarili mi ng enough time para sa healing process ng puso mo. Yes, time heals all wounds.

Muntik ng Maging Tayo by Marcelo Santos Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon