VERNON: "Wife vs. Fangirl"

60 10 4
                                    

(A/n: Sorry talaga mga repapips sa super late updates ko. Pero ito na oh. Asawa ulit kayo ng Seventeen. Patawarin niyo na ako. 😭 Anyway, I dedicate this story to chubby_chubbs. 😘 Ito na yung request mo, beh. 😊 Hope you'll all like it. 😊😘❤)

*chak*

Marahas mong binuksan ang faucet ng lababo at agad namang lumabas dito ang malakas na lagaslas ng tubig.

*kwoooooosshh*

(A/n: Yes naman. May pa-sound effect si mayor. 😂)

"F*CK! F*CK! F*CK!", bigkas mo habang madiing hinihilamusan ang sarili.

Wala eh. Hindi mo talaga mapigilang magmura.

Makita mo ba naman kasing may ibang babaeng lumalandi sa asawa mo, SINONG HINDI MAPAPAMURA NUN?!

Teka. Wag masyadong gigil. Explain ko muna kung anong nangyari...

Ganito kasi yan. Tahimik at payapa lang naman kasi kayo ng magilagid mong asawang si Vernon na naglilibot sa buong resort nang bigla na lang may malanding sumigaw ng...

"OPPA!"

Saka lumapit sainyo ang isang babaeng halos makita na ang kaluluwa. Fan daw ng asawa mo.

Automatic na napataas ang iyong kilay. 

Oppa? Oppa-kyu ka. Oppa-kan kita, gusto mo?

Sabi mo na lang sa isip mo. Pero syempre chill ka lang kunwari para hindi mapahiya ang asawa mo sa fan niya kuno.

Ngunit sadyang hindi maalis ang matalim mong tingin sa suot ng babae.

Okay. Naiintindihan mo namang normal lang na naka-bikini siya kasi nasa resort kayo. Pero bakit ganun?

Bakit kailangang mas malaki yung hinaharap niya kesa saiyo?!

Charot. 😂

Pero hindi lang naman talaga yun ang ikinagigigil mo.

Inabutan ka ba naman bigla ng camera ng babaeng yun at inutusan kang picturan mo sila ng asawa mo.

Ang kapal, diba? Sarap ipakain sakanya yung camera.

Pero dahil mabait ka naman kahit papaano, pinagbigyan mo na si ate girl na mukhang hipon. Sarap katawan pero tapon ulo. BWAHAHAHA! ANG BITTER. 😂😂😂

Ngunit bigla na lang nandilim ang paningin mo nang makita kung paano nag-evolve ang babaeng hipon na iyon.

Akalain mo yun? Bigla siyang nag-anyong ahas. 😱

Pagka-say cheese mo pa lang, para siyang sawang biglang pumulupot sa asawa mo.

Kaya ayun. Hindi mo na napigilan ang sarili mo at kusang gumalaw ang iyong katawanan papalapit sa babae sabay hila ng kaniyang buhok.

Nag-sisigaw siya sa sakit pero wala kang pakealam. Wala kang pakealam kung nasasaktan siya. Wala kang pakealam kung fan siya. Wala kang pakealam kung inaawat ka na ng asawa mo.  Wala kang pakealam kung may makakita saiyo. WALA!

BASTA WALANG PWEDENG LUMANDI SA ASAWA MO! WALAAAAAAAAAAAA!!!!!!!

"I SAID STOOOOOOOOOOP!!!", napakalakas at nanggagalaiti na sigaw ni Vernon dahilan upang mapatigil kayong dalawa.

Gulat na gulat kang napatingin sa  galit na mukha ni Vernon. Ngayon mo lang ulit siya nakitang magalit ng ganiyan. At nagalit siya dahil sa babaeng yun?!

Seventeen's Official WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon