Chapter 1

609 14 0
                                    

Kath's Pov

"Ano ba! haharang harang kasi eh!" nandito kami ngayon sa Canteen at sa kasamaang palad natapunan ako ng coke ng isang babae. Tinulak ko sya pagkatapon sakin at napaupo sya so sobrang lakas ng pagkatuld ko.

"Sorry Kathryn, di ko sinasadya." sabi nung babae habang inaayos nya yung palda nya at saka tumayo. Kumuha sya ng panyo sa bulsa nya at saka pinunasan sa bandang natapunan .

"Ang laki ng daanan tapos sasabihin mong di mo sinasadya? sinong niloloko mo ha? ako?" tinulak ko ulit sya dahilan upang mapaatras sya ng kaonti "Hindi ako tanga para paniwalaan ka.. Alam kong sinadya mo yun!" sigaw ko sa kanya at sya naman ay nakayuko lang. Lahat ng tao dito sa Canteen ay pinagtitinginan na kami pero wala akong pakialam dahil malalagot sila samin pag pinakealaman nila ako. Kilala nila ang ugali ko at wala pang nagtangkang kalabanin ako.

"S-sorry K-Kathryn.. Sorry!" naiiyak na sabi nya at saka akmang lumuhod sa harap ko.

"Sorry? sa tingin mo ganon lang yun kadali? ha!" binatukan ko sya sa ulo at kinuha ko yung juice na hawak ng isang lalaki malapit sakin at binuhos ko sa kanya ang laman na iyon. "Yan ang dapat sayo! wait, parang may kulang pa. Hmmm!" nilagay ko yung kamay ko sa baba ko na pawang nagiisip habang tinitingnan parin syang nakaluhod.

"Kath!" tawag sakin ni Daniel at napalingon naman ako at kasama nya ang mga kaibigan namin.

"Oh?" sabi ko habang nakangati sa kanila.

"Ano na naman yan Kath? Hahaha.. Para syang basang sisiw ha!" natatawang sabi ni Julia at binalikan ko naman sya ng ngiti.

"OhMy! what happened to your uniform?" tanong sakin ni Liza at tiningnan ko naman yung babaeng nakaluhod parin sa harap ko at agad naman nila itong nagets.

"Oh, I see!" daing ni Liza habang nakatingin dun sa babae.

Lumakad papunta dun sa vacant table si  Janella na napaggamitan kanina at kinuha yung tira tirang ulam ng mga studyante at saka lumapit samin at binuhos dun sa babae at nagulat naman ito sa ginawa ni Janella sya.

"F*ck you! Nagsorry na ako diba? di nyo ba matanggap yun? Grabe kayo!" tumayo sya sa kinaluluhuran nya at tinanggal yung mga tirang ulam na naiwan sa buhok nya.

"Aba! at sumasagot ka pa?" *PAK* sinampal ni Janella yung babae at natawa naman ako sa ginawa nya. Bagay lang sayo yan! tss. "Wala kang karapatan sagutin kami at kaibigan ko si Kathryn kaya walang pwedeng magtangka sa mga kaibigan ko kahit di mo pa sinasadya yang ginawa mo." sigaw nya at kita sa muka nung babae yung galit pero wala syang magawa laban samin.

"Umalis ka na sa harapan namin kung ayaw mo ingudngud ko yang muka mo sa basurahan!" agad naman tumakbo yung babaeng umiiyak at saka ako nilingon ni Janella at nginitian at sinuklian ko rin sya ng ngiti.

"Oh! tapos na. Tara na! magpalit ka muna ng damit sa Cr." Naglakad na kami palayo at lahat ng tao nakantingin samin dahil sa ginawa namin kanina pero sanay na sila sa gawain namin na ganon dahil kung tutuusin may mas malala pa ang ginawa namin noon.

HulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon