Habang nasa loob kami ng klase bigla nalang nagsalita tong Teacher namin sa nangyari kay Edeth.
"Class, do you still remember what happened to Edeth? Today is her 1st Death anniversary.. So, please everyone must go to the rooftop after class to light a candle for her. Let's pray for her justice" Naalala na naman namin yung nangyari sa kanya. Isang alaala na di maaalis samin isipan. Lahat kami ay kinabahan dahil isang taon na pala ang nakalipas simula nung mngyari yun. Hinawakan ako sa kamay ni Nadine at tiningnan ko naman sya.
"Everything will be alright! Wag ka lang papahalata" Pabulong sakin ni Nadine. Agad naman ako napatingin kay Daniel at ang mga mata nito ay may halong kaba at pag kalungkot.
"Hindi pa ba kayo tatayo?" Sabi samin ni Julia. Lahat kaming mag kakaibigan ay napatingin sa kanya. At kami nalang pala ang naiwan sa loob ng classroom.. Lahat sila ay nag siakyatan na. Di namin namalayan dahil sa pagiisip. "Ito oh! Kunin nyo na" agad naman nya binigay yung kandila samin at saka tuluyang umakyat para ipagdasal si Edeth.
*Rooftop*
Lahat halos ng Estudyante ay nag tirik ng kandila at nag kani-kanilang dasal para sa pag kamatay ni Edeth.
Sinindihan na namin ang hawak namin kandila at saka inilapag sa sahig.
"Hindi nyo ba ipagdadasal ang kaluluwa ni Edeth?" Tanong samin ni Julia. Tumingin samin si James at nag senyales na magdasal na kami. Nag korteng bilog kami at naghawak hawak ng kamay at nagsimula magdasal.
"Lord God we come to You at this time of great shock and grief and ask that in Your grace, You would shed Your peace and comfort to all who are mourning this death, that was so sudden and so very unexpected. Please may Edeth's soul rest in peace. Amen" Pagdadasal ni James. Bumitaw na kami sa isa't isa at saka bumaba.
"You okay?" Tanong sakin ni Daniel. Then I nodded.
"Buti naman! Wag mo na isipin yun. Matagal na yon.. Tsaka walang makakaalam non, kundi tayo tayo lang" Napaisip na naman ako sa sinabi ni Daniel.
Oo, kami ang may kasalanan kung bakit namatay si Edeth. Pero alam naman namin na di namin kasalanan ang pag kamatay nya.
"Gusto nyo pumunta sa bahay guys? Naghanda si Mamita ng pagkain ngayon" yaya samin ni Julia at lahat naman kami ay natuwa dahil bihira lang kami makapunta sa bahay nila at kung tutuusin ngayon lang din namin makikita ang Mommy nya.
"Woah! Seryoso ba yan?" Natutuwang tanong ni James.
"Tara na! Mukhang masarap niluto ni Tita ah" sabi ni Liza.
*Bahay ni Julia*
"Goodevening Mamita! Nandito na po kami" masayang bati ni Julia sa Mama nya. Lumabas naman sa Kitchen si Tita at sinalubong kami ng magandang ngiti.
"Buti naman ay napapayag mo ang mga kaibigan mo iha?" Nakangiting sabi ni Tita.
"Oo naman Mamita! Basta pagkain pupunta mga yan" birong sabi ni Julia at nagtawanan naman kami.
Habang inilalapag ni Tita ang mga pagkain sa mesa ay nag masid masid naman ako sa bahay nila Julia. Napakaganda at laki. Kung tutuusin mapapabilang na to sa mga lumang bahay. Yung bahay nila parehas sa mga bahay ng kastila. Pero kahit ganon man ay maganda at malinis parin tingnan.
"Kumain kayo ng marami.. Wag kayo mahiya" alok ni tita sa amin.
"Mukhang mapaparami po kami ng kain tita" natutuwang sabi ni Daniel habang kumukuha ng makakain.
"Ang galing nyo po pala magluto" paghangang sabi ni Liza.
"Alam na po namin kung kanino nag mana sa kagandahan si Julia" pambobolang sabi ni Nadine.
Sobrang ganda ng Mommy ni Julia. Kung tutuusin para lang silang magkapatid.
"Nako! Ganon ba?" Sabi ni tita. "Napakaganda at gwapo naman pala kaibigan ng anak ko!" Nakangiting sabi nito at tumingin naman ako kay Julia na nakangiti din.
Pagkatapos kumain ay agad na kami nag paalam at saka lumabas sa bahay nila. Di na kami nagpahatid kay Julia para di na rin sya mapagod at makasama nya Mommy nya.
Habang naglalakad kami sa may Parking area ay may nakita kaming matanda na nakaupo sa sahig.
"Iha!" Napalingo naman ako sa matanda.
"Ikaw yata Kath!" Sambit ni Nadine sakin.
"Bakit po?" Tanong ko sa matanda.
"Mag ingat ka! Kayong lahat! May masamang mangyayari sa inyo!! Kamatayan ang magdadala sa inyo sa Impyerno!" Sigaw ng matanda samin. Natakot ako sa sinabi nya. Kamatayan? Bakit? Paano?
"Eh, siraulo ka pala eh!! BALIWW!" Sigaw ni Daniel sa matanda. At saka kami sumakay sa kotse ni James.
"KAMATAYAN! HAHAHA!!" Natatawang sigaw ng matanda.
"Tangna! Siraulo! Baliw!" Pahabol na sigaw ni James habang palayo na kami sa matanda.
"Grabe yung matanda na yon! Tinatakot ba tayo non?" Tanong ni Nadine samin. Pati ako di ko alam.
"Kalimutan nalang natin yung sinabi nung matanda na yon! Walang katotohanan yon" pag papaganda ng loob samin ni Janella.
BINABASA MO ANG
Hula
Misteri / ThrillerManiniwala ka ba sa hula? O hindi? Paano kung ang hinula sa inyo ay nagkatotoo? Malulutasan mo ba ang mga pangyayari? O Sadyang mapaglaro ang tadhana sa inyo? Anong gagawin mo? ® 29/07/14