3: I'll Do

3 0 0
                                    

Jeonghan pov

Unti unti kong iminulatang mga mata ko at natagpuan ko ang sarili ko sa isang silid na kulay puti, nasa Hospital ako kung hindi ako nagkakamali.

May narinig naman akong pagbukas ng pinto at nakita ko doon si Seungcheol na naka-all black, bakit sya nakaitim? Naghahanda na ba sya para sa burol ko?

Napangiti nalang ako dahil sa naisip ko, maari nga... Maaari ngang naghahanda na sya sa pagkawala ko.

"Salamat nga pala sa---"

Hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil isang malakas na sapak ang natanggap ko mula sa taong mahal ko, isang sapak na kahit gaano kasakit ay hinding hindi parin ako magsasawang mahalin sya.

"Kung magpapakamatay ka siguraduhin mo lang na matutuluyan ka talaga hindi yung nagpapabugbog ka sa kung saan saan"

Malamig na sabi nya sakin, ngumiti nalang ako dahil tama nga naman sya kung magpapakamatay ako dapat siguraduhin kong matutuluyan talaga ako, pero yung nangyari kagabi hindi yun suicide attempt aksidente yun.

"N-Naiintindihan ko.... Pero aksidente kasi yun kagabi eh Sorry"

Wika ko at iniyuko ang ulo ko, alam kong para na akong baliw at parang tanga na rin sa kasalukuyan pero wala akong magagawa kusa nalang gumaganito ang katawan ko parang hindi ko na nga hawak ang sarili kong buhay eh pakiramdam ko kasi wala na sa akin ang kontrol ko sa sarili ko.

"At isa pa pala, if you want to die—If you really really want to die.... Don't let others or someone to kill you, kill yourself"

Wika nya bago lumabas ng kwarto, napabuntong hininga nalang ako ang sakit ng mga sinabi nya pero kahit ganon bakit mahal na mahal ko parin sya, ito na ba ang kahulugan ng 'love is blind' na kahit alam mo ng may mahal na syang iba at wala na syang interes sayo ay pinipilit mo parin ang sarili mo sa kanya o nagpapakabulag ka sa kabila ng lahat ng katarantaduhang ginawa nya? Mukhang pareho lang naman ang dalawa.

Tinanggal ko ang karayom na nakatusok sa kamay ko, masakit sa paningin pero para sakin parang wala lang nangyari namamanhid na ako, kailangan ko na sigurong magpa-check up.

Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa Rooftoo ng Hospital napakapayapa dito walang ingay na maririnig tanging mga awit lang ng mga ibon ang maririnig mo, para kasing paraiso ang rooftop ng Hospital na 'to may mga halaman may mga Bulaklak at mga ibon na Dumadapo sa sanga ng nag-iisang puno dito.

"Oy! Dumudugo yung Kamay mo"

Rinig kong may nagsalita sa likod ko pero alam ko namang hindi ako ang sinasabihan nyan sino naman kasi ang nakakapansin sa akin eh wala naman akong halaga sa mundong ito at tsaka invisible kaya ako.

"Kill yourself"

"Kill yourself"

"Kill yourself"

Nanlalabo na ang mga mata ko pero nakakalakad parin ako at ngayon ay naglalakad ako patungo sa dulo ng Rooftop, ano kaya ang itsura ng langit? Gaya ba ito ng sinasabi nila? Magkakaroon na ba ako ng buhay na walang hanggan?


"YOON JEONGHAN,STOP!"

TIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon