Kier Alfonso Conrado

105 1 0
                                    

Mahal Kita, Pero
Tanggap Ko Na

Ipaglalaban paba o susuko na?
Aasa paba o tama na?
Ilang tanong na tumatakbo sa aking isipan
Ilan ding tanong na wala pa akong kasagutan
Ilang tanong na aking ipinaglalaban
Ilang tanong na aking ipinagpipilitan

Mahal mo ba ko?
Minahal mo ba ko?
O mamahalin mo ba ko?
Isang sagot na walang kasiguraduhan sa puso kong nasasaktan

Sa paglobo ng buwan ay kasabay ng pagtakbo ng orasan
Hindi ko alam kung meron pang hangganan ang sakit na aking nararamdaman
Hindi alam kung kaya pang pigilan ang luhang nababadyang kumawala kapag ikaw ay nawala
Umasa lang ba ko?
O sinadya mo to?

Pinaramdam mo na mahalaga ako, Kinabukasan pala'y iiwan mo ako
Dumating kaba para saktan ako?
Dumating kaba para paasahin ako?
O dumating ka lang para iwan ako...

Sa pagtakbo ng oras habang ikaw kasama, Kasabay nito ang lungkot na aking nadarama na baka bukas ay wala kana..
Dahil ang katotohanang dumating ka lang panandalian at di rin magtatagal ako ay iyong iiwan..
Ang aking mga tanong ay nagkaroon na ng kasagutan

Sigurado na ako na merong hangganan ang saya na pinaramdam
Oo mahal kita pero tanggap ko na

August 26 2018

August 26 2018

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
RPW POEMS Where stories live. Discover now