Eto na naman 'tong alarm clock ko, nag-iingay sa madilim kong kwarto, pilit na ginigising ang diwa ko. Pinatay ko muna yung alarm, paputol-putol kasi yung tulog ko. Nakakainis. Kaya sobrang antok pa ako. Makatulog nga muna, 5 minutes pa.
Nag-alarm na naman. 5:00am na! Kailangan ko pang gawin ang morning routines ko, baka ma-late pa ako sa eskwela. Mabagal pa naman akong kumilos, at first day ko sa bago kong school sa Manila. Manggagaling pa kasi ako sa Parañaque kaya kailangang maaga akong gumising para hindi abutan ng matinding traffic. Bakit kasi di matapos-tapos tong mga road repair at pag-aayos ng tubo ng Maynilad dito saamin. Ka-imbyerna.
Si Mama ang nag-handa ng almusal ko. Sabay sabay kaming kumain nila Mama, Papa, at ang bunso kong kapatid na si Josh, 7 years old siya. Makulit pero kapag kailangan ko ng kausap, makikinig lang siya. Ang cute cute niya talaga!
"Mag iingat ka anak, ha." Sabi ni mama. Magkamukha kami ni Mama, parehong may pagka-hugis ng puso ang mukha, medyo bilugan ang mata na maypagka-mapungay. Maganda at napaka-bait ni mama, kaya siguro sobrang mahal siya ni Papa.
"Oo anak. Huwag mong kalimutan mag-text saamin kapag nandun ka na, ha? Ayaw mo bang ihatid nalang kita?" Tanong naman ni papa.
"Hindi na po, Papa. Marunong naman na ako. 3rd year highschool na kaya ako! Tsaka, para makabisado at masanay na rin akong pumunta doon ng mag-isa."
"Basta mag iingat ka ha, mahal na mahal kita anak. Pero mas mahal ko ang Mama mo."
"Hay nako, eto talagang si Pa, nambola pa." Sabi ni mama.
Nakakatuwa silang dalawa, nakakakilig talaga. Sana makahanap din ako ng katulad ni Papa. Yung tipong hindi nagsasawang mag lambing.
"Sige ate, ingat ka mamaya, ha? Kwento ka sakin mamaya, mamimiss kita, Ate!" Sabay ngiti sakin ni Josh.
"Eto namang si Josh, mamimiss agad ang napaka-ganda niyang ate. Sige, magkukwento ako sayo mamaya!"
"Kain na, baka ma-late ka pa sa klase mo mamaya. Ikaw din Josh, ihahatid ka ni Papa." Sabi ni Mama.
Pagkatapos kong gawin lahat ng kailangan kong gawin, sinuot ko na ang bago kong uniform at ID na may napaka-ganda kong mukha at pangalan, "Cassie M. Mendoza" at pumasok na ako sa eskwela.
"Bye Mama, Papa, at Josh!"
"Ingat ka, Cassie!" Bati nila Mama at Papa.
"Ba-bye, ate!" Pahabol naman ni Josh.
Medyo matagal ang byahe. Kaya natulog nalang muna ako, para makabawi naman ako. Kailangan ko ng beauty rest, first day pa naman. Hindi kasi ako nakatulog ng maayos kagabi, excited ako tsaka sobrang kinakabahan. Sana may makakilala agad akong kaibigan doon, para maka-adjust agad ako sa bago kong school.
Pagkarating na pagkarating ko sa bago kong school, St. Andrew Academy...
GRABE! SOBRANG LAKI NG ESKWELAHANG 'TO!!!
Nakakalula! Parang maliligaw ako sa laki. Baka kahit hanapin ko lang ang CR dito, eh, abutin na ako ng siyam-siyam.
At mas lalong nakakakaba, sa laki ng school na 'to ay wala akong kakilala kahit isa, maliban sa tita kong nagpasok sa'kin dito. Para akong nag-iisang isda sa napaka-lawak na dagat. Sana kayanin ko 'to!
Pagkapasok ko sa gate, sumalubong agad yung security guard ng school na sobrang laki ng ngiti.
"Good morning!", bati niya. Ang bait naman ni Kuya Guard, nakakaganda ng araw at lalo akong gumaganda. Charot.
Pagkatapos kong makapasok, nag ring yung phone ko. Tumatawag si Tita Beth, yung nagpasok sakin dito.
"Hello, tita?" Bati ko sa kanya ng palambing.
Napaka-bait talaga nito ni tita. Isipin mo ba naman, pinasok niya ako dito sa school na 'to na limang beses na mas malaki pa sa dati kong eskwelahan. Tsaka, wala na akong gastos, binayaran na ni tita lahat. Ang bait niya talaga sa'min.
"Cassie! Nasa campus ka na ba? I'd like to remind you to get your books na sa Faculty ha. Kamusta ka naman?"
Ang lambing talaga magsalita ni tita.
"Okay naman po tita, nakapasok na po ako. Ang laki po dito, kumpara sa dati kong school! Ayy tita, saan nga po pala yung Facu---" *toot* *toot*
NAKO! First day na first day, nag-lowbat na ako! Paano na ako nito? Baka maligaw ako dito at hindi na makauwi. HELP!!!
Balak ko sanang balikan si Kuya Guard na sobrang mabait, kaya lang hindi ko na matandaan kung ano yung mga dinaanan ko. Kahit kailan ang hina ko talaga sa directions. Nako, sinong pwede kong pag-tanungan?!
6:35 na, pero 7:30 pa naman ang simula ng kase kaya kailangan ko nang makita yung Faculty para makakuha na ako ng books at malaman ko na kung ano bang section ko. Naglakad muli ako, medyo tahimik na. Nasan na ba ako?
Nang may nakita akong isang lalaki. ANG GWAPO!!!! Matangkad, desente, naka-earphones, at mukhang sobrang bait. Nasulyapan ko ang mata niya. Ayun kasi ang una kong nakikita o tinitignan sa isang tao. May kakaiba, eh. Parang ang sarap titigan. Chinito ba siya? Basta, merong "something" sa mata niya.
Nilakasan ko na ang loob ko para tanungin siya kung saan ang Faculty. Kaya mo 'to, Cassie! Sinalubong ko siya.
"Uhmm." Ano ba 'to bakit hindi ako makapag-salita. Eh, may pagka-madaldal naman ako.
"Hi! Ako nga pala si Cassie M. Mendoza. Alam mo ba kung saan yung Faculty? Nahihirapan kasi akong hanapin. Transferee kasi ako. Kukuha sana ako ng books at tsaka para malaman ko yung section ko." Sabay ngiti.
Tinanggal niya yung earphones niya. Tinitigan ko siyang mabuti. Mas naaninag ko ang mata niya. May kakaiba talaga. Parang nangungusap ang mga ito.
"..."
BAKIT HINDI SIYA SUMASGOT?! Inulit ko ang tanong ko. Matapos ang ilang segundo...
"Ewan."
"Ah okay... Sa-salamat." At umalis na siya agad. Dinaanan lang niya ako.
AYAN LANG ANG SAGOT NIYA, AT PARANG GALIT PA SIYA!!! O talagang ganun lang siya makipag-usap sa iba? Di ko rin naman siya masisi, hindi naman kami magka-kilala.
Medyo nakaka-sira ng araw. Eh, ang ayos ng pagtatanong ko. Nakaka-sira ng beauty! Akala ko napaka-bait, may pagka-suplado naman pala! Pero yung boses niya...
"Ewan." Narinig ko ulit yung boses niya sa isipan ko. Ano ba 'to!
Naglakad lakad muli ako, naalala ko na naman yung boses at mukha niya. Lalo na ang mata niya.
At nang mapansin ko, nasa may library na pala ako. Wala namang guard na pwedeng pagtanungan.
Tumingin ako sa relo ko, 7:00 na, hindi ko parin napupuntahan ang Faculty! Di ko naman matawagan si tita. Bakit ba kasi hindi ako nag-charge! Eh, hindi naman din ako sinagot ni supladong kuya na naka-earphone na may kakaiba sa boses at mga mata niya!
Mala-late na ako sa klase ko!
BINABASA MO ANG
"Ewan."
RomanceAko si Cassie M. Mendoza. Transferee sa St. Andrew Academy. Simple lang akong babae. Masiyahin, medyo madaldal, palakaibigan, mahilig magsulat at magbasa ng libro. Maraming nangyari at nag-bago sa buhay ko simula ng lumipat ako sa eskwelahan na ito...