Chapter 3: "Hi, Friend!"

63 0 3
                                    

"Ms. Mendoza?"

Nagulat ako. Napatingin ako kay Ms. Valerie, nakangiti lang siya.

Natutulala akong parang ewan. Seryoso ba 'to? Si "Ewan", kaklase ko?!

Huminga ako ng malalim. Game!

"Good morning, everyone, and Ms. Valerie. I'm Cassie M. Mendoza, 16 years old... Uhhm."

Nakaka-mental block naman. Parang nakaka-concious magsalita. Si "Ewan" kasi, eh. Parang may mga kung anong tumatakbo sa isip niya habang nandito ako sa harap.

"Sorry din late ako sa first period, Ms. Valerie." Sabay tingin kay Maam, nakangiti lang siya, tumatango, tsaka sinabing "Go on."

"Sa Paranaque pa kasi ako galing, tsaka naligaw pa ako dito. Ang laki kasi ng school niyo. He-he-he."

Napa-bungisngis yung iba. Buti naman, kahit papaano nabawasan yung kaba ko.

"May pinagtanungan pa nga ako kani---"

AYY NAKO! Dapat 'di ko na 'to ikwento, nandito nga siya, eh. Isip ng palusot, dali! Minsan talaga hindi ko mapigilan 'tong kadaldalan ko, eh.

"Aah... He-he-he. Buti nalang talaga napadaan ako sa may library kanina. Nakakita ako ng map ng school, kaya napuntahan ko naman yung Faculty. That would be all po, Ms. Valerie, and classmates. Sana maging friends tayo." Sabay ngiti. Napatingin ako kay "Ewan", wala, blangko lang ang mukha niya.

"Okay, thank you Ms. Mendoza! You may now take your seat." Tinuro niya yung isang bakanteng upuan.

Pagka-upo ko...

"Hi, friend!" Bati ng isang babae sa'kin. Eto na let's make friends!

"Uh, hello! Ano nga palang name---"

"I'm Myka Montefalco! Ang nag-iisag dyosa dito sa section III-A! Yang mga SG? Walang wala sila sa ganda ko." Pabiro niyang sinabi na parang may pang-aasar tsaka inis pero parang joke time lang naman. Tapos ngumiti lang siya.

Sino naman 'tong sinasabi ni Myka na SG? Pero totoo naman yung sinasabi niya. Maganda si Myka, medyo chinita yung mata, lalo na kapag ngumingiti siya. Medyo maliit ang mukha niya. Tsaka, mukhang madaldal siya, na hindi nauubusan ng sasabihin. Nako, paniguradong magiging best friends kami nito! Sana nga.

"Ang pretty mo rin, ha! No doubt, siguro sobrang ganda din ang mom mo! I hope we can be friends, Cassie!"

"Ayy, thank you, Myka. Buti nalang may kumausap na agad sa'kin dito. Kinakabahan kasi ako na baka wala agad akong maging kaibigan dito. Tsaka, ang ganda mo rin 'no!" Sabi ko sa kanya.

Napatawa lang kami ng mahina.

"Hay nako! I like you na agad! Isa ka na rinn sa mga dyosa dito sa III-A! Friends na tayo from now! Friends?" Nilabas niya yung pinky finger niya.

"Friends!" Sabi ko sa kanya sabay abot sa pinky finger niya, at nag pinky promise. Nag ngitian lang kaming dalawa.

Thank you, Lord! May kaibigan na agad ako dito!

Nag simula nang mag discuss si Ms. Valerie. Nagkakatinginan kami ni Myka. Parang may gusto siyang sabihin, eh. Ano kaya 'yon?

Maya maya, nag-bell na. Break time.

"Ewan."Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon