Chapter 7: "Showcase of Talents"

61 2 3
                                    

Music and Arts ang subject naming ngayon. Nakaka-excite. Bagong professor daw kasi, eh. Yung dati naming teacher ditto, umalis na. Lumipat ng ibang campus. Kaya eto, bago na ang teacher namin sa MA.

 “Girls, sa tingin niyo ba, nice naman yung new teacher natin?”  Pagtatanong ni Myka.

 “Sa tingin ko naman, oo.” Sagot ni Wesley. Tumango lang din ako.

 “Hmm, I hope so.” Sagot naman ni Myka, at mahahalata mong kinakabahan siya. Bakit?

 Ang tahimik ng lahat ng nasa Performing Arts room. Siguro, kinakabahan sila kasi nga, bago yung professor namin. Ngayon lang din nila nakwento kung bakit sila kinakabahan kapag may bagong professor.

Tradisyon na raw kasi dito yun, na kapag bago yung teacher, may mga kung anong pinapagawa sila. Kunyare, kapag bago yung teacher sa Literature, magpapagawa daw ng journals. Para sa paraan na 'yon, mas makikilala ng teacher yung mga estudyante niya. Sa Filipino daw, pinag-sasatao daw sila. Grabe, no? Nakakahiya naman. Eh, ano naman kayang gagawin nitong bago naming MA teacher?

“I’m nervous and I don’t know why and I can not calm down. Ano ba ‘to.” Biglang sabi ni Myka.

Natahimik ulit yung classroom. Nang biglang bumukas yung pintuan ng Performing Arts room.

Bumungad ang isang babae, may katangkaran, maganda siya. Parang lahat naman ng teacher dito, magaganda. Patuloy lang nanahimik yung klase namin habang nag lalakad siya papunta sa harapan. Lahat ng mata, nasa kanya.

“Good morning, class. I am Mrs. Toni Buenaventura, your new Music and Arts teacher. As we all know, na kapag bago ang teacher, may activity o kung ano silang ipinapagawa. And, na-inform ako ni Mrs. Domingo, your school director, about that concern.”

Napabulong lang si Myka, “I knew it.”

Nagpatuloy mag-salita si Mrs. Buenaventura. ´”And I came up of having a talent show-“  Nagkatinginan lang kaming lahat. Napanganga yung iba, talagang nagulat. Si Myka, napapabuong nalang. “Ah! I knew it. Nakakainis. No no no. Mrs Buenaventura can you not. Kaasar!” Tinatawanan lang siya ni Wesley.

“Today. At this time.” Pagpapatuloy ni Mrs. MA Teacher.

Mas lalong nagulantang ang buong section III-A. Hindi nila ‘to inaasahan, at ngayon pa gagawin. Yung iba, sobrang gulat, yung iba, walang reaksyon, hindi alam yung ire-react, napanganga nalang din yung karamihan. Wala, lutang. Ano ba naman ‘to. Talent Show pa, ha?

Oo, talented naman din ako, aaminin ko. Marunong akong kumanta, tumugtog ng mga intruments, sumayaw, umarte, mag-sulat, at kung anu-ano pa. Kaya nahihrapan akong mamili kung anong gagawin ko. Sobrang talented ko kasi. Joke.

Hindi, kinakabahan lang ako, sobra. Eh, ano namang gagawin ko sa mga talent na ‘to kung hindi ako makaisip ng pwedeng gawin para maipakita tong mga talent ko? Magulo ba? Ah, basta. Masyadong conceited.

‘I’ll be giving you 30 minutes to prepare, class.” Biglang singit ni Mrs. Buenaventura habang naglalakbay pa yung mga isip namin kung anong gagawin namin sa harapan. 2 hour-period pa naman kami sa Music and Arts ngayon kaya walang lusot na hindi makakapag-perform ang lahat.

 “Anong gagawin niyo?” Tanong ko kanila Wesley at Myka. Halata mo sa mukha nila yung pagka-lutang kakaisip ng kung anong gagawin nila.

 “Hindi ko pa alam Cassie, eh. Siguro, acting nalang? Considered naman ‘yun diba? Performing. At ang arts, may performing din, diba?” Sagot sa’kin ni Wesley. Napatingin lang sa kanya si Myka.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 03, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

"Ewan."Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon