Matagal na kaming magkakakilala. Mga bata palang kami. Naging classmates din kami simula elementary, hanggang ngayong highschool, dito sa St. Andrew Academy. Ako, si Wessy, si Luke, Elisha, Eunice, at si Trisha.
Sobrang close talaga kaming anim. Lalo na si Trish, nako. Kung alam mo lang, kilalang kilala namin ang isa't-isa. Palagi kaming magkakwentuhan. Kahit na may mga problema ako sa life ko, kahit tungkol saan, she's always there for me. Ready to listen kapag kailangan ko.
Kahit sa mga crushes, alam namin 'yan. Alam niya kung ano yung type ko, alam ko rin yung sa kanya. Basta, sobrang open kami sa isa't-isa, kaya close kami, eh. Ano daw?
Matagal na akong may gusto kay Luke Santos, at alam ni Trisha 'yan. Nakukwentuhan ko siya, eh.
Sobrang problemado ko kasi bestfriends nga kami, eh. Kasama siya sa tropa. Paano kung may malaking pagbabago after I confess everything, diba?
Pero I was wrong. May isang pangyayari kasi kaya nalaman ni Luke na gusto ko siya. Sobrang funny nga, eh. Pero nakakakilig, sobra.
Edi 'yun, nalaman na nga namin na we like each other na pala. Niligawan niya ako.
Syempre, I told my parents about this. Tsaka si Trish, syempre. Sobrang saya namin, lalo na siya.
"I'm so happy for you, Myka! Ang cute niyo together, for sure! Pero, we'll see kung talagang desidido siyang makuha ka." Sabi ni Trisha sa'kin.
Dumaan ang ilang buwan ng panliligaw sa'kin ni Luke. Nalaman na rin ng tropa ang tungkol diito. Pero, si Trisha talaga ang palagi kong kinakausap tungkol sa kung ano na ang mga ginagawa sa'kin ni Luke.
Hanggang dumating ako sa point na sa tingin ko, it's time to say yes. Kaya kinausap ko na sila Mom, Dad, ang tropa, at lalo na si Trish.
"Go lang, Myka. Kung alam mong diyan ka sasaya, sige lang. Basta huwag kang papaiyakin niyan, ha! Lagot 'yan sa tropa. Lalo na sa'kin." Sabi ni Wessy.
"We're happy for you!" Sabi nila Elisha, at Eunice.
"I'm sure you two will be happy. Support lang kami sa inyo ni Luke. I'm happy for you, Myka!" Sabi ni Trish. Ang sarap ng pakiramdam na suportado ka ng lahat ng tao sa mga ganitong bagay.
"Anak, basta alam mo ang mga dapat and hindi dapat. Basta, andito lang kami ni Daddy, ha. If may problems, huwag kang mahihiyang lumapit sa'min." Bilin naman ni Mom sa'kin.
And I said yes , finally.
Masaya kami, sobra. We cherish every moment. Kapag kasama ang tropa, walang ilangan. Mas lalong sumasaya.
Palagi kaming magkasama. Nagkakamustahan. Parang every day parin niya akong nilligawan. Protective siya sa'kin. Alam namin na we love each other.
Palagi din niya akong sinasabihan na nakikita daw niya ako na naghihintay para sa kanya sa altar.
Basta, sobrang sweet sa'kin ni Luke. Kaya sobrang mahal ko siya, eh.
Pero biglang dumating sa point na, parang may nagbago.
Parang hindi na siya si Luke. Si Luke na katropa ko. Si Luke na nagsasabing magiging forever kami. Si Luke na everyday pinaparamdam sa'kin yung love niya. Si Luke na minahal ko ng sobra.
Una kong nilapitan si Trisha tungkol dito. Kwinento ko ang lahat. Wala siyang nasabi.
Kwinento ko rin sa parents ko. Ganun daw talaga minsan. Halos lahat daw ng relationships dumadaan sa ganito.
Sinabihan ko rin yung ibang tropa, wala din silang sinabi. Pero si Wessy, nagbigay comfort siya sa'kin. Pero parang may gustong sabihin. O talagang napapraning nalang ako kasi gusto ko ng explanation sa mga nangyayari?
Natatakot akong tanungin si Luke kung bakit. Kung bakit nagkakaganito.
Hindi ko alam kung saan magsisimula.
Handa na sana akong tanungin siya, pagkatapos ng classes namin.
Pero...
Nakita ko siyang may kasamang iba palabas ng gate ng campus. Masakit sobra. Ang sweet nilang dalawa. Parang ngayon ko lang nakita na ganito kasaya si Luke. At dahil pa sa iba. Dahil sa kasama niya.
Sa kasama niyang itinuturing kong bestfriend. Si Trisha Buenavista.
Sobrang sakit. Hindi ko alam. Ang daming tumatakbo sa isip ko pero hindi ko malaman kung ano. Basta ang alam ko, nasaktan ako.
Tinatanong ko ang sarili ko. Bakit? Nagkulang ba ako sa kanya?
Kaya ba hindi ako masagot ni Trish nung kinausap ko siya tungkol kay Luke, kasi meron na silang something? Hindi ko na alam. Basta ang alam ko, niloko ako ng lalaking mahal ko, at ng bestfriend ko na minahal ko rin ng sobra. At nasaktan ako.
Ilang gabi akong umiiyak. 'yung puso ko, durog durog na. Pero kapag sinusubukan kong pulutin yung mga piraso, lalo akong nasusugatan. Lalo akong nasasaktan. Naaalala ko lang 'yung sakit.
Ilang araw na ang lumipas. Pero wala pa rin akong alam kung bakit.
Nakikita ko silang magkasama. Oo, naiinis ako. At the same time, nasasaktan pa rin.
Kakayanin ko 'to. 'Yang mga gayang tao? Dapat sa kanila, hindi na iniisip, iniiyakan, at hindi na pinagaaksayahan ng oras.
Pero ang masakit, 'yung hindi mo alam yung dahilan kung bakit ka iniwanan. Ang hirap din. Para akong nasa isang madilim na kwarto, nangangapa, pero alam ko namang wala akong makakapa at mapapala. Gets mo?
Pagkukwento ni Myka. Ngayon, medyo naintindihan ko na kung bakit grabe nalang ang pagka-inis niya kay Trisha. Pero tama rin yung sinabi ni Myka. Ang hirap nung gusto mong malaman yung dahilan kung bakit nangyari yung isang bagay pero wala kang magawa.
"Everything happens for a reason." Minsan talaga nakakainis din 'tong isipin, eh.
"Sila Eunice at Elisha, sumama na sila kay Trish. Ayun, SG. Aka, 'So Gorgeous.' Gumawa pa ng sariling group nila. Pero hindi ako naiwang mag-isa. Buti nalang 'tong si Wessy, nandito lang for me. Kaya siya na talaga ang official kong bestfriend! Tsaka, ikaw!" Pahabol ni Myka.
"Pero buti naman okay ka na, 'yun ang mahalaga. Tsaka, thank you nga pala sa pag-share mo sa'kin ha. Kahit na saglit palang tayong magkakakilala."
Ngumiti lang sakin si Myka. Natahmik kami ng sandali.
Second week ko na nga pala dito sa school. Medyo naka-adjust na rin ako. Syempre, salamat kanila Myka at Wesley. Buti nalang nandito sila.
Nasa Library kami ngayon. Wala kasi kaming matambayan, eh. Kaya dito nalang kami. Ang tahimik pa.
Maya maya, may lumapit sa'min na tatlong babae.
"Hi Wesley, Myka. And, Cassie, right?" Sabi ni Trisha. At kasama niya si Eunice at Elisha. Classmates rin namin sila, Section III-A.
Napansin kong hinawakan ni Wesley ang kamay ni Myka, parang pinipigilan niya. 'Yung mukha kasi ni Myka, nag iba bigla. Umalis na sila.
"Pang asar talaga 'tong SG, eh! Lalo na yang si Trish." Naiinis na sabi ni Myka.
"Akala ko ba naka-move on ka na? Ha-ha-ha-ha!" Pang-aasar naman ni Wesley.
Pero, mukha namang mababait 'tong SG. Siguro talagang mali lang sila, lalo na si Trisha. Bestfriends sila, eh. Pinagkatiwalaan ni Myka sa lahat. Tsaka sila Eunice at Elisha? Mali rin sila kasi sa pagsama nila kay Trisha, parang sinusuportahan nila yung pagkakamali na ginagawa nila ni Luke.
Pero, hindi ko pa naman sila talaga sila kilala. Siguro bad impression na agad dahil nga sa kwento ni Myka. Pero ang bawat kwento, may mga ibang point of view pa 'yan. May mga hindi pa tayo nalalaman.
Sabi nga nila, "Everything happens for a reason."
BINABASA MO ANG
"Ewan."
RomanceAko si Cassie M. Mendoza. Transferee sa St. Andrew Academy. Simple lang akong babae. Masiyahin, medyo madaldal, palakaibigan, mahilig magsulat at magbasa ng libro. Maraming nangyari at nag-bago sa buhay ko simula ng lumipat ako sa eskwelahan na ito...