Chapter 6: "Chemistry"

33 0 0
                                    

Text message, from: Justin Olivar

Good evening, classmates! Na-post ko na nga pala sa Facebook group yung pairings sa reporting natin sa Chemistry. Paki-check nalang. Randomly ko pinares-pares ‘yon. Goodluck, III-A! Malaking percent din ‘to ng grade natin sa Chem. Ayun lang, thank you! -j

 Hay, buti naman at nagtext na rin si Justin ng pairings sa reporting namin. Simula kasi nung in-announce yung tungkol dun, sobra akong kinakabahan. Terror kasi yung teacher naming dun sa Chemistry, eh. Kaya sana, yung magiging partner ko eh isa kanila Myka o Wesley. Para mas medaling makaggawa ng report.

 “Ma, pwede bang makihingi ng pera? Magrerent lang kasi ako sa computer shop, may mga titignan lang ako para sa school.”

“Siguradong pang school ‘yan anak, ha? Hindi yung profile ng crush mo yung ire-research mo sa mga Facebook Facebook na ‘yan.”

 “Mama naman, eh.”

"Si ate, may crush na. Mama, o!" Pang-aasar ni Josh Ua.

"Hoy, Josh! Grabe naman, crush agad. Ikaw, ke-bata-bata mo pa, ha." Sumbat ko. Lakas maka-ate ng sagot, eh.

 “Joke lang naman anak. Defensive naman.” Sabay ngiti si mama. Si mama talaga, mapang-asar din minsan. Binigyan niya ako ng pera.

 Habang naglalakad ako papunta ng Computer Shop, biglang tumunog yung cellphone ko. Ang tahimik pa naman sa kalsada, eh ang lakas ng ringtone ko. Parang na-broadcast na may nagtext sakin, eh. Binasa ko yung messge.

Text message, from: Myka Montefalco <3

Omg :”> 

Nireplyan ko si Myka.

Text message, to: Myka Montefalco <3

Ha? Bakit? Anong meron? :)

Hindi na siya nag-reply. Nakarating na rin ako sa Computer Shop. Nag-rent.

cassiemendozaanggandakotalaga@yahooo.com

anggandagandako

Halata bang masyado akong nagagandahan sa sarili ko?

 Pagkabukas ko, bumungad agad sakin yung mga messages. Karamihan, galling sa mga kaklase ko sa dati kong school. Sinasabi nila na sobrang miss na nila ako. Na magkita naman daw kami ng tropa minsan. Hindi na daw ako namamansin(grabe naman 'to!). Hay, miss ko na rin kayo!

Nagpunta ako sa mga notifications ko. Hinanap ko yung post ni Justin, ang class president namin sa Facebook group ng III-A.

Angela Balbal likes your photo

Jenny Cruz tagged you in a photo

Anthony Taberna commented on your status

Michah Mikmik liked your status

Justin Olivar tagged you and 30+ others on a post at Section III-A 

Pinindot ko yung notification. Nagload na. Una kong nakita yung pangalan ni Myka, may partner na siya. Sunod ko namang nakita si Wesley. Hindi ko rin siya partner. Nagbasa basa pa ako sa listahan ng mga pangalan.

Randomly daw na-paired pero karamihan yung mga sobrang masisipag yung magkaka-partner. Hay, life.

Nakita ko yung pangalan ni Erwan.

Teka lang.

Erwan Matthew Salazar – Cassie Mendoza

Teka, seryoso? Partners kami?! Anong kalokohan ito. Justiiiiiiin!

&quot;Ewan.&quot;Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon