3rd Person's POV
Sa isang tahimik na lugar..
"Suho pinatatawag ka.." sabi ng isang lalaki
Agad na naalerto si Suho "Salamat sa pagtawag,una na ko."
Habang paapunta siya 'doon' may nakita siyang mga batang masasaya, naglalaro. "Hi!" bati niya pa sa mga batang payapa ngunit napakasayang naglalaro 'sarap maging bata' ani niya
Nang makarating siya sa pupuntahan niya, nakita na niya agad ang nagpatawag sa kanya
"Bakit niyo po ako pinatawag? Ano pong maitutulong ko sa inyo?" agad na tanong niya
Napaharap ito, napangiti naman siya nang makita ang ngiting-ngiti at maaliwalas na mukha nang binata, nakalutang ito, naglalaro ang kanyang malalaki at mapuputing pakpak. Oo, may pakpak siya, mapayapang nakakalipad at walang problema. In short, ibo--este anghel siya :)
"Suho, isa ka sa mga responsableng alagad ko. Ikaw ang inaatasan ko sa gawaing ito dahil alam kong kaya mo at mapagkakatiwalaan ka." kinabahan si Suho at agad namang napansin iyon ng kausap niya "Wag kang mag-alala't gagabayan kita, hindi kita pababayaan. Madali lang naman ang gagawin mo. Bababa ka sa lupa at may misyong gagampanan"
Agad na napaawang ang bibig niya. Aangal pa lamang siya pero alam niyang hindi na siya makakaatanggi. Yumuko na lamang siya "Masusunod po..Patawag niyo na lang ho ulit ako kung kinakailangan." Lumipad na siya ulit sa isang sulok na tahimik.
Napaka gandang pagmasdan nang kapaligiran dito ngunit hindi ito nakahadlang para mangamba si Suho dahil matagal na siyang hindi nakatapak sa lupa at sigurado siyang ibang-iba na ito at mapanganib dahil sa kung anumang krimen.
"Yo! Problema natin?" nagulantang si Suho nang may nagtaas sa mukha niya at makita niya ang masiyahin at maaliwalas na mukha ni Chen, isang pilyong anghel. Oo, anghel siya kahit hindi halata sa mukha at sa mga pinaggagagawa nito XD
"*sigh* pinabababa ako sa lu--" naputol ang sasabihin niya nang tumayo si Chen
"Pinabababa ka sa lupa?! Anong kasalanan mo?! Wag mo kong iwan!" oa na pagkakasabi nito
"Psh, patapusin mo kasi ako.. Wala akong nagawang kung ano at hindi ako baba doon ng panghabang buhay, saglit lang ako dun. May misyon lang akong gagawin."
Napaupo si Chen "Anong misyon?" kunot-noong sabi nito. Nagkibit balikat lang siya dahil hindi niya alam kung anong misyon iyon. "Ay, wag muna natin isipin yan, tara dun!"
Napangiti si Suho sa inasta ng binata at nakihalubilo na nga sila sa iba..
***
Tatlong araw nang nakalipas at kaharap na ulit ni Suho ang nagpapababa sa kanya. Nasa tabi niya si Chen na patuloy sa pagcomfort sa kanya.. Nakapalibot ang iba pang mga anghel para masaksihan ang pagbaba niya at pagaangin ang loob niya.
"Hindi po ba pwedeng si Chen na lang ang bumaba?" binatukan siya ni Chen
"Hindi, pilyo itong si Chen at may posibilidad na hindi niya makaya ang misyon" tumango-tango si Chen "Sige na, oras na para ikaw ay bumaba sa lupa.."
"Saglit lang po, ano po ba ang misyon ko? Pano ko po ito magagampanan kung hindi ko alam ang gagawin ko?" tanong niya ngunit isang ngiti lang ang sinagot nito sa kanya..
*Woosh..!*
Parang isang mahika at nagising na lang si Suho sa isang malambot na sofa. Tila ba panaginip lang ang lahat. Bumangon siya at nahilo sa napakaraming nagsasayawang ilaw, tao at amoy alak at sigarilyo. Isa lang ang alam niya, wala na ang pakpak niya.

BINABASA MO ANG
You Who Came from Heaven
Fiksi Penggemar"Hey, You Who Came from Heaven! Stay beside me, Don't leave me. I Love You, I'm inlove with You and I"ll always be.."