Chapter 1- Isabelle(ON-HOLD)

1.3K 18 3
                                    

A/n: after so many months ng hindi pagsusulat, nakagawa na din ako ng oras para ipagpatuloy itong mga iniwan kong storya. Alam ko namang wala gaanong tao ang bumabasa nito pero alam ko si ate chixx ko lang ang may paki bwahaha <3! Lab u! Dedicated to strangelady08 :)) enjoy!

Chapter 1 Isabelle

 

" Jace..."

Narinig ni isabelle ang isang impit na ungol ng isang babae mula sa kuwarto ng kanyang amo. Hindi niya alam, at hinding-hindi niya na aalamin pa ang tungkol doon. Dahil alam niyang wala siyang karapatan para makialam sa mga ginagawa ng mga taong alam niyang gumagalaw lamang sa init ng katawan.

Madali siyang bumaba sa hagdan dahil kakatapos niya lang maglinis ng mga kuwarto sa itaas. Hindi niya naman talaga sinasadyang marinig ang ungol na iyon mula sa babae, sadyang malakas lamang talaga ang pagkakasabi nito sa pangalan ng kanyang amo.

Jacerson Bruce Lacosta

Alanganin siyang tumawa. Hindi niya alam kung bakit ayaw na ayaw ng kanyang amo ipagamit ang Bruce na mas gusto niyang itawag sa amo. Sabi kasi ng kanyang kasama na si Nana Manda, siguradong magagalit ang kanyang Sir Jace kung maririnig nito mula sa iba ang pangalan na iyon. 

Dahil sa takot, hindi tuloy siya nagkaroon ng pagkakataon na itawag ang pangalang iyon sa amo.

Kahit nung magkita sila sa isang tagpo na hindi nila inaasahan...

" Isa?" rinig niyang tawag mula sa isang babae. Nilingon ni Isabelle ang tumawag at nakita niya si Nana Manda na nakangiting nakatingin sa kanya. Nginitian niya din si Nana Manda pabalik.

" Nana Manda, kayo pala iyan. Kakatapos ko lamang po maglinis sa itaas. May iuutos pa po ba kayo sa akin?" tanong ni Isabelle sa matanda. 

Ngumiti si Nana Manda ng malaki sa kanya. Ngumiti din pabalik si Isabelle ngunit hindi niya alam ang nasa isip ng kasamang matanda. Hindi niya alam kung nais nito talaga ngumiti sa kanya o may iniisip na masama. Ano kaba naman, Isabelle. Pati ba naman ang napakabait na si Nana Manda ay sasabihan mo ng ganyan. Umiling-iling tuloy siya dahil sa isip.

" Isabelle," tawag ni Nana Manda na kinalingon ni Isabelle, "ngayon ko lang napansin kung gaano ka kabuti at kasipag. At higit pa doon, kung gaano ka kaganda lalo na dahil sa iyong maamo at inosenteng mukha. Kung magkakaroon lamang ako ng tsansa na magkaanak, hihilingin ko sa Diyos na sana'y katulad ka niya." 

The Illegal Pregnancy [ On-Hold ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon