CHAPTER 2

132K 3.6K 109
                                    

CHAPTER 2

IPINARADA ni Heelan ang Porsche na regalo sa kanya ng daddy niya ng mag-eighteen siya sa parking lot ng ACU. 

Lumabas siya ng sasakyang at ipinalibot ang tingin. Tall buildings.  Trees are scattered everywhere. Small Park on the left side next to the Library. A very wide field. Student lounge on the right next to the Administration building and small buildings next to it.

‘Yon lang ang kayang makita ng mata niya. Pagkatapos kunin ng bag, ini-lock niya ang sasakyan.

Naglalakad siya papuntang Administration office ng may narinig siyang nagsasagutan. Tumingin siya sa kanan niya kung saan nanggagaling ang ingay.

May nakita siyang dalawang babae at isang lalaki. ‘Yong isang babae ay naka-upo at nakayuko. ‘Yong lalaki naman namumutla. Yung isang babae naman ay nakatayo at medyo maangas ang dating. She’s wearing tight black jeans, simple white blouse and a black vest. Her shoe is none other than the latest boots that was launch by Prada Company.

Nice outfit. Kinuha niya ang camera sa bag at ini-on ‘yon. Then she started videoing the girl with Prada shoes. Naka-focus ang lens ng camera sa babae.

“Guys.” She began talking to her camera. “That’s the latest shoes launch by Prada. Isn’t it amazing to look at? Especially paired with tight black jeans, it makes you look badass. Her top is very simple but she carries elegance—”

“Gago ka pala e!” Sigaw ‘nong babae na bini-video niya. Napatigil siya sa pagsasalita. “Manbabae ka lang naman sa loob pa ng University. Tingin mo naman wala akong mata at tenga?”

So much for elegance.

“Babe, magpapaliwanag ako.” Wika ‘nong lalaki na akmang hahawakan ang babae kaya lang tinabig ‘nong babae ang kamay ni lalaki.

“Don’t babe me you jerk!” Then she slapped him hard. Ibinaling naman nito ang paningin sa babaeng kasama ng lalaki. “Sige, isaksak mo sa lalamunan mo ang lalaking yan. Tingnan lang natin kung hindi ka mabilaukan sa ugali niyan!” Isa pang malakas na sampal ang tumama sa pisngi ng lalaki.

Nang makontinto na ito sa sampal, naglakad ito palayo sa lalaki, palapit sa kinatatayuan niya.

Tumigil ang babae sa paglalakad ng makita siya. The woman stare hopped from her to her camera.

Heelan looked at her camera and found it still turn on and recording. Uh-oh.

Lumapit ang babae sa kanya. “Did you record that slap I give to that asshole?”

Tumango siya. “Yes. I recorded the whole scene.”

Isang malapad na ngiti ang gumuhit sa mga labi nito. Inilahad nito ang kamay. “Hi, I’m Kreiya Ambrei Zapanta. Information technology, fourth year college. You can call me Kreiya or Ambrei I don’t care, just don’t call me by my surname or else…”

Napangiti si Heelan sa nakakatakot na boses na ginamit nito. Hmm. Mukhang magkakasundo sila ng babeng ‘to.

Tinanggap niya ang pakikipagkamay nito. “Hi, Heelan Alvarada, Fashion designing, fourth year, transferee. Don’t call me by my surname too, or else…” Ginaya niya ang nakakatakot nitong boses.

Ngumisi si Kreiya. “I like you in a friendly way. Want a tour? I’m sure hindi mo pa alam ang pasikot-sikot sa ACU since you’re a transferee.”

“Sure.” Tinanggap niya ang tulong na ino-offer nito. She could use some tour guide.

“By the way, may kapalit ang tulong ko.” Wika nito na ikinakunot ng nuo niya.

“Ano naman?”

ACE CENTREX UNIVERSITY 1: Romance with Mr. Candy 1 [To Be Published]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon