CHAPTER 7

103K 3.2K 65
                                    

CHAPTER 7

Napaigtad si Heelan ng tumunog ang cellphone niya. Nang makita niya kung sino ang tumatawag, bumilis ang tibok ng puso niya.

After what happened on his kitchen, hindi alam ni Heelan ang dapat isipin. They almost kissed! Akala ba niya may gusto itong iba? Is it okay to hope that the girl that he likes is her?

Magulo ang isip niya kaya naman hindi niya sinagot ang mga text at tawag nito ng nagdaang gabi.

Tiningnan niya ang cellphone na patuloy na ri-ring. Humugot siya ng malalim na buntong hininga at sinagot ang tawag.

“Hello?” Aniya sa malumanay na boses.

“Heelan, it’s me, Blue.”

“Anong kailangan mo?”

“I called about your car.” He said. “Na-vulcanize na siya at puwede nang kunin sa auto shop. Tumawag ako, baka kako nakalimutan mo.”

Shet! Nakalimutan niya ang sasakyan niya kasi nga ukupado ang utak niya ni Blue.

“Okay. Just give me the address. Ipapakuha ko nalang kay Kuya ang sasakyan ko.” Aniya.

Ilang Segundo din itong natahimik sa kabilang linya. “Heelan… about the kiss—”

“We didn’t kiss Blue.” Putol niya sa sasabihin nito.

“Oh. Okay. Akala ko kasi yun ang rason mo kung bakit hindi mo sinasagot ang text at tawag ko.”

“Nah. Na-busy lang ako.”

“Okay. Puwede ba kitang sunduin?”

 “Susunduin mo ako?”

“Yeah.” May ngiti sa boses nito.

“Okay.” Ibinigay niya ang address ng bahay nila. “I’ll wait for you.”

Tinapos niya ang tawag na may ngiti sa mga labi.

Napagdesisyunan niyang hindi na muna isipin ang nangyari sa kanila ni Blue. She would just go with the flow. Hindi niya kwi-kwistyunin ang almost kiss na muntik ng mangyari sa kanilang dalawa.

Pagkadaan ng ilang minutong paghihintay, nag-text si Blue na nasa labas na daw ito ng bahay nila. Nagpapasalamat siya at tulog pa ang kapatid, kung hindi—

“Kaninong Ferrari ‘yong nasa labas ng bahay natin?” Boses iyon na kapatid niya, bumababa ito sa hagdan.

“Ahm… kay Blue.” Kinakabahan niyang sabi.

Ito ang unang beses na may lalaking sumundo sa kanya kaya naman hindi niya alam kung paano magre-react ang napaka-over protective niyang kapatid.

Napatigil sa pagbaba sa hagdan ang kapatid. “Sino si Blue? Boyfriend mo?”

Heelan shook her head. “Hindi. May gusto na ‘yong iba.”

“E bakit mukhang dismayado ka na may gusto na siyang iba?”

Nag-iwas siya ng tingin. “Hindi ako malungkot.” Pilit niya itong nginitian. “See? Nakangiti nga ako e.”

“Hala, sige, pikiin mo pa yang ngiti mo. Minuto nalang magiging plastic ka na.” Tumingin ito sa labas ng bintana kung saan nakikita ang sasakyan ni Blue. “Papasukin mo yang si Blue at ng ma-interrogate ko.”

Kinabahan si Heelan sa sinabi ng kapatid. “Kuya, nandito siya para sunduin ako. Baka ma-late kami sa school.”

Pinandilatan siya nito. “It won’t take long. Hala, sige, papasukin mo na.”

“Oo na.” Napipilitang tinwagan ni Heelan si Blue. Nang sumagot ito nagsalita siya kaagad. “Hey, pasok ka daw sabi ni Kuya.”

ACE CENTREX UNIVERSITY 1: Romance with Mr. Candy 1 [To Be Published]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon