CHAPTER 6
ITINEXT ni Heelan si Kreiya na naka-uwi na siya. Hindi niya ito makita ng hanapin niya ito ng bumalik siya sa loob ng bahay, kaya naman nagpasundo siya sa kapatid na agad namang dumating.
Hindi niya kayang magtagal sa bahay na ‘yon. Thinking that Blue’s woman is in the same area as her makes her so mad. Ang hindi niya maintindihan ay kung bakit siya ang kinakausap nito at hindi ang babae nito.
Something inside of her hoped that the girl was her but she quickly discarded the thought. Nakikilala palang siya nito, so, why her?
Nakahiga na siya sa kama niya ng tumunog ang cell phone niya. Sa isiping si Kreiya ang tumatawag, sinagot niya iyon kaagad.
“Hey, I’m sorry I left you.”
“It’s fine. I just called to make sure you’re okay.”
Her mouth parted open when she heard that voice. Mabilis niyang tiningnan ang caller ID. It’s an unknown number.
“Blue?” Paninigurado niya.
“Yeah?”
“Sorry. Akala ko si Kreiya yung tumawag. I didn’t look at the caller ID.”
He chuckled. “So, ‘yong sorry hindi yun para sa akin?”
Heelan bit her lower lip. “Kind of.”
“Oh, okay.” Anito sa walang buhay ng boses. “Umuwi ka na ba? Hinanap kita sa buong bahay pero hindi kita makita.”
“Oo. Nagpasundo ako kay Kuya.”
“Oh. Mabuti naman naka-uwi ka na.”
“Yeah.” Hindi niya napigilan ang sarili kaya naman nagtanung siya. “Bakit mo ba ako kinaka-usap? Bakit ba nag-aalala ka?”
Ilang segundong katahimikan ang namagitan sa kanila bago ito nagsalita.
“Masama ba?”
“Hindi naman pero bakit ako ang kinakausap mo? Bakit hindi ‘yong babae na gusto mo?” She wanted to know why!
“’Yong babaeng gusto ko?” Gagad nito. “Ahm… h-hindi mo siya k-kilala?” Parang hindi ito makapaniwala.
“Hindi. Duh! I’m a transferee saka I just met you so bakit ko naman siya maki—”
Napatigil siya sa pagsasalita ng bigla itong tumawa ng malakas sa kabilang linya.
“My god!” Blue exclaimed after he sobered up. “Akala ko talaga na gets mo ang pinapahiwatig ko.”
“Ha?”
He laughed again. “Nothing, nothing.”
“Ano nga ‘yon?”
“Wala. I didn’t know that you’re that dense.” He said between laughs.
“Ewan ko sayo.” Naiinis niyang sabi. “Sabihin mo nalang kasi sakin kung sino ‘yon.” Pangungulit niya. “And why did you assume that I know her?”
“I’ll tell you kapag naging girlfriend ko na siya.” Anito.
Heelan felt her stomach drop. “Talaga?” Pilit niyang nilagyan ng kasayahan ang boses.
“Yeah. Ikaw ang unang makakaalam.” Panagako nito sa nakangiting boses. “Anyway, I have to hang-up. Hahanapin ko pa si Sky. Hindi ko siya mahanap kanina pa.”
“Okay.” Aniya at pinatay ang tawag na hindi hinihintay ang sagot nito.
Inilagay niya ang cell phone sa tabi ng unan at ipinikit ang mga mata niya.
BINABASA MO ANG
ACE CENTREX UNIVERSITY 1: Romance with Mr. Candy 1 [To Be Published]
Teen FictionHeelan Alvarado got kicked out again. And she’s prouf of it. Walang sinuman ang may karapatan na laitin ang prada shoes niya. Ika-pitong beses na iyon na na-kick out siya at ipinagmamalaki niya iyon. Ayaw niya sa mga bully at ginagamit ang pangalan...