CHAPTER 3

126K 3.5K 38
                                    

CHAPTER 3

SA KAHAHANAP ni Heelan kay Kreiya, aksidente niyang natagpuan ang cafeteria. Tamang-tama at nagugutom na siya. She can’t wait for Kreiya. Nag-aalburuto na ang tiyan niya.

Akmang maglalakad siya patungong counter ng may tumawag sa pangalan niya.

“Heelan!”

Nilingon niya kung sino ang tumawag sa pangalan niya. Nakita niya si Kreiya na parang hinihingal at kumakaway sa kanya.

“Alam mo bang halos suyurin ko ang buong parking lot? Hindi kita nakita kaya naman sumuko na ako sa paghahanap sayo at pumunta dito para kumain kasi nagugutom na ako.” Anito ng makalapit sa kanya. “Buti naman nakita kita dito.”

“Sorry.” Hingi niya ng tawad na nakangiti. “Naghanapan pala tayo. Hinahanap din kita kasi ang tagal mong dumating.”

Kreiya rolled her eyes and encircled her arms on hers and tugged her to walk towards the cafeteria counter.

“Hala tara.” Anito. “Kumain na tayo baka atakihin ako ng epileptic.”

Napatigil siya sa paglalakad at tumingin dito. “Epileptic ka?”

Tumawa ito ng malakas. Buti nalang hindi ganoon karami ang tao sa cafeteria kaya naman ilang pares lang ng mata ang tumingin sa kanila dahil sa lakas ng tawa nito.

“No, silly. Wala akong epilepsy. Sinabi ko lang ‘yon dahil gusto kong makita ang reaksiyon mo. Nakakatawa ang itsura mo kanina.” Tumawa na naman ito ng malakas.

Wow! Si Kreiya lang ba o talagang mga weirdo ang nag-aaral sa eskuwelahang ‘to?

Pagkatapos nilang bumili ng pagkain. Iginiya siya ni Kreiya sa mesa na nasa gilid. ‘Yong hindi pansin ng mga papasok sa cafeteria.

“Dito tayo umupo para makapanlait slash makapan-tsismis tayo ng bonggang-bongga.” Anito sabay upo.

Inilapag niya ang tray na may laman ng pagkain bago umupo. “Ano naman ang pagtsi-tsimisan natin?”

Kumagat muna ito sa burger na binili bago nagsalita. “About this school.”

Sumipsip siya sa chocolate shake na binili niya. “Sige. You may begin.”

Ngumiti ito ng malapad. “Well, this school was built two hundred years ago.”

“Matanda na pala ang school na ‘to.” Hindi mapigilang komento niya.

“Yep. This school is very old, but the buildings are new because it was renovated. Dito sa ACU may tinatawag na college ranking at University ranking. Ang College ranking ay binubuo ng top ten students in every college department. At ang University ranking naman ay binubuo ng top ten students na matataas ang grado sa buong school. Example me, ako ang top one sa Information technology at dahil mataas ang GPA ko, top eight ako sa University ranking.”

“Wow.” She’s amazed. “You don’t look like a smart to me. No offence meant.”

“None taken.” Nginitian siya nito at kumagat ng burger. “Ang mga top rankers dito sa ACU, hindi mga nerd looking.” Tinuro nito ang mga kalalakihan na nasa counter at umo-order. “Yung lalaking ‘yon na may nakasulat sa likod ng Jersey na ‘captain’. That’s Andrei Kell Daniega. He’s a senior Mechanical Engineering student and the baseball captain. He ranked seven on University ranking.”

“But he’s a jock.”

“Yes, he is. I told you this school is not cliché.” May itinuro naman itong babae na papalapit kay Andrei at may dalang pompoms. “And that is Chelsie Lazano, Political science senior and the head cheerleader. She ranked five on the University ranking. She’s not a bitch. She’s the sweetest person you’ll ever meet.”

ACE CENTREX UNIVERSITY 1: Romance with Mr. Candy 1 [To Be Published]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon