Chapter 5- Surprise

26 1 0
                                    

Patuloy ang pagtuturo ni Chase sa akin. Pero hindi na naulit pa ang halikan session naming dalawa.

Bumalik na naman ito sa pagiging seryoso nito.

Kahit gusto ko man, parang nakaramdam naman ako ng hiya. Siguro nagtampo siya sa akin noong ininsulto ko kung saan siya nakatira.

"Galit ka ba?"

Tanong ko sa kanya habang ang tingin nito ay nakatuon parin sa librong hinahawakan nito.

Hindi na rin kasi ako mapakali sa inaasal niya.

Umiling lang ito sa akin.

"Kung galit ka, sabihin mo. Look Chase hindi ako manghuhula." naiinis kong saad sa kanya.

Chase sighed deeply .

"Hindi ako galit."  

tanging nasabi niya lang.

"Eh bakit parang kanina kapa walang imik diyan?"

"Why do you bother?"

"Because I don't understand you!" napatayo ako sa kama at napapadyak na sa inis ko sa kanya.

"Then don't. Pwede bang maging tutor na lang ako dito? Hindi mo naman kailangan malaman pa kung ano man ang nararamdaman ko. Binabayaran mo ako. Kailangan ko ng pera dahil hindi ako katulad mong lumaki sa yaman." His eyes were narrowed, rigid, cold, hard.

Nagulat ako sa sinabi niya.

Hindi ako makapagsalita.

Tototo naman ang sinabi niya na binabayaran ko siya. Pero bakit parang nasasaktan ako, kasi parang tingin ko sinusumbatan niya ako dahil mayaman ako at siya'y hindi.

His face hardened pero ang kanyang mga mata ay nananatiling nakatitig sa akin.

I am guilty of what I said yesterday.

Sometimes, I can't control what's on my mind that I have to say it.

I like Chase so much.

The moment I laid my eyes on him I knew that he's different. Kahit noong malaman kong mahirap lang siya.

Oo at first I got disappointed but later on I have accepted it already and I still like him despite of his status in life.

"I'm sorry. I did not mean to offend you." yumuko ako.

"Wala ka namang dapat ihingi ng sorry eh. Totoo naman na mahirap ako."

"Stop it!" napa angat akong muli sa kanya. Bakit nasasaktan ako?

"Bakit? May problema ba sa sinabi kong mahirap ako?" he said it sarcastically.

" I don't like it. Ayokong sinasabi mong mahirap ka. Nasasaktan ako."

"Bakit? Hindi naman ikaw ang mahirap. Hindi naman ikaw ang may kailangan ng pera diba?"

"Ano ba ang ikinagagalit mo? I said I'm sorry diba? Bakit galit ka parin?" hindi ko na mapigilang magalit sa kanya.

Tumayo narin ito sa kama.

His lethal stare felt painful and piercing, as if his glare was tearing my heart apart with a blinding teal light. He heaved a deep sigh na para bang pinipigilan ang magalit. I saw him clenched his jaw.

"Dahil naiinis ako! Naiinis ako dahil magkaiba tayo. Gustuhin ko mang  maabot ka, pero parang kay hirap mong abutin. "

"A-anong ibig mong sabihin?"

Takang tanong ko. Pero parang alam ko kong anong ibig niyang ipahatid sa akin at gusto kong sa kanya mismo manggaling ang sagot.

"Gusto kita. Gustong-gusto kita Brianna. Kahit na ang sama ng ugali mo. Kahit ang sakit mong magsalita. Gusto parin kita."

Napangiti ako sa sinabi niya. Ramdam ko ang saya na para bang nanunuot sa kaibuturan ng puso ko.

"Pero hanggang doon lang yon. Gusto kita pero mas gugustuhin ko pang huwag na lang."

Napawi ang ngiti ko sa sinabi niya. bago pa ako makakapa ng sasabihin ay tumalikod na ito at umalis. Laglag ang mga balikat na napa-upo ako sa kama ko.

******

"Totoo? Nagtapat ng feelings sayo si Chase?" gulat na tanong ni Tammy.

Nasa gazebo sila ngayong magkakaibigan at ikinwento niya ang nangyari kahapon.

"Hindi na ako magugulat kong ayawan ka niya. Masama ugali mo eh." dagdag ni Celeste sa kanya.

"Girls, don't be hard to Bree naman. See, she's suffering and I like it." Ingrid said habang nakangisi pa ito sa kanya.

She glared at Ingrid and grabbed her hair. Napa "aww" pa ito.

"What should I do, girls?"

"Treat people nicely. Huwag kang maging matapobre!" sabat naman ni Heather sa kanya.

"I can't. You know me, if I don't like a person I will do anything just to get rid of her or him."

"Then start changing!" sabay saad ng mga kaibigan niya.

"Don't make Chase feel that you are above him. Huwag mong ipamukha sa kanya na mahirap siya at mayaman ka. Guys doesn't like girls who thinks she can control anything. Stop Chasing Chase and let Chase chase you. You get it? Ang labo diba? Kasing labo ng ugali mo." saad ni Tammy.

"Oh my gosh! I think I've got an idea!" napapalakpak na saad ni Ingrid.

Napakunot noo siya sa sinabi ni Ingrid sa kanya.

"No way! I won't do that!" she said hysterically.

Napangisi ang mga kaibigan niya sa ideyang nabuo ni Ingrid.

*****

Kinaumagahan habang naglalakad siya sa hallway ay pinagtitinginan siya ng mga tao. But this time parang gustong niyang umuwi at magpalit.

She will going to kill Ingrid for this. At mapapatay niya talaga ito pag hindi naging effective ang plano niya. 

She was not use of wearing a long dress na hindi sleeveless. She thinks she looks like a "manang" and in addition to her suffering eh walang humpay ang ngiti niya sa mga studyanteng nakakasalamuha niya.

Kaya gulat na gulat ang mga tao sa paligid niya sa inaasal niya.

Gone the Brianna who likes to bully and bitch out other people, dahil ang sa harap nila ngayon ay mabait kuno na si Bree.

Gagawin niya lahat para lang mapansin ni Chase and speaking of the devil nakita niya si Chase pero napakuyom ang mga palad niya ng makita ang kasama nito.

Walang iba kundi ang kinabwi-bwisitan niya na si Chessa. And to her surprise Sassa is not wearing any eyeglasses anymore.

She's not wearing baduy clothes anymore. Her hair is not curly anymore. Ang bruhang nasa harap niya ay halos lumuwa ang dibdib sa suot nito at halos idikit na niya ito sa braso ni Chase.

Gusto niyang sugurin ito pero paano niya magagawa ito kung gusto niyang magbago para kay Chase.

Now what? I'm so doomed!

At hindi pwedeng maunahan siya ng impaktang iyan.

Habang papalapit ang mga ito sa gawi niya ay sinalubong niya ang mga ito.

"Hi Chase." halatang nagulat din ito sa suot niya at napanganga pa ito.

"B-Brianna?" gulat na tanong nito.

Nang tingnan niya si higad ay nakataas na ang kilay nito.

"Surprise! Don't you like it?"

"H-hindi ko alam kong ano ang sasabihin ko."  Halata pa rin ang gulat nito.

"Baka sa ngayon bagay na tayo."

Nginitian niya ito at nagpaalam na dito.

Now, it's your time to chase me Chase. She grinned as she walked away from them.

B. I. T. C. H Chronicles: The ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon