Nangangalay na ang mga labi niya sa kakangiti sa mga taong nakakasalubong niya.
Yung iba napapanganga na parang hanggang ngayon ay hindi parin makapaniwala sa mga nangyayari.
Ang malditang Brianna ay nag-ala anghel naman ngayon.
Things you do for love.
Isang linggo na rin niya itong ginagawa at isang linggo na rin siyang inis na inis sa mga kaibigan niya dahil walang humpay ang pang-aasar ng mga ito sa kanya.
She is trying her best to be likeable in the eyes of the man that she loves. Isang linggo na rin siyang kating kating makipag flirt kay Chase pero hindi niya magawa dahil nagbabait-baitan siya.
"Hi, Bree!" bati sa kanya ng mga school mates niya.
Nginitian niya lang ang mga ito. Papunta na siya ngayon sa gazebo para makita si Chase.
Hanggang ngayon kasi ay tinuturuan parin siya nito. Malapit na rin kasi ang exam at kailangan niyang makapasa sa exam nila dahil ayaw niyang bumagsak na naman.
Pero laking gulat niya ng makitang prenteng nakaupo ang mahadirang higad.
"Anong ginagawa mo dito? Umalis ka nga!" sita niya rito.
Tumaas ang kilay nito.
"Hindi ka parin pala nagbabago Bree. "
" Don't call me Bree we're not close. So you better go or else makakatikim ka talaga sa akin ng dalawang sampal." tinaasan niya rin ito ng kilay.
Nainis siya ng nginisihan lang siya nito.
"Look at you Bree. Are you that really desperate para lang mapansin ni Chase? Look how you dress. You look like an old maid." patuyang saad nito sa kanya.
Nag-init ang ulo niya. Hindi siya makakapayag na pagsalitaan lang siya nito ng kung ano-ano.
"I'd rather be an old maid than look like a cheap, whore, trash! You can never be me. So, go to hell."
Bigla siya nitong sinampal. Pero hindi siya nagpatinag. Tinulak niya ito at napaupo ito sa may upuan.
"Ang sama talaga ng ugali mo. Hindi ko hahayaang pati si Chase ay kunin mo sa akin!"
"Everybody knows how bad I am bitch. Eh ikaw? Everyone thinks that you are good pero hindi nila alam na mas masama kapa sa akin. Do you wanna know why I bully you? Kasi amoy na amoy ko ang kalansahan ng ugali mo! And Chase will never like you."
"Walanghiya ka!"
at bigla na lang siya nito sinugod at pinagkakalmot.
Syempre hindi sa papatalo natulak niya ito ng malakas at napaupo na ito sa sahig.
"Bree!"
It was Chase. Nakita niya ang ginawa ko.
Anger was evident on his face. His jaw tightened at dumilim ang mukha nito ng lapitan kami.
Bigla niyang nilapitan si bruha. Umiiyak na kasi ito.
"Anong ginawa mo!"
It wasn't a question.
Parang inaakusahan na niya ako na ako na naman ang nagsimula ng gulo.
"Sinugod niya ako." depensa ko sa sarili ko.
"Hanggang kailan mo ba pagti-tripan si Vanessa? I thought you've change?"
Masakit pakinggan pag galing sa bibig ni Chase. Ang bilis niyang maniwala sa mga bagay na hindi ko ginawa.
BINABASA MO ANG
B. I. T. C. H Chronicles: The Chase
RomanceWhat Brianna wants, Brianna gets pero parang may exemption sa rule niya at iyon ay walang iba kundi si Chase Archibald. Pano ba naman siya magugustuhan nito eh halos lahat na lang sa school nila ay ayaw sa kanya. Yes she admit it, she is totally a...