Chapter 8- Blood

21 0 0
                                    

Hindi natuloy ang plano naming mag bar kasi Justice needs to catch up with the lessons. Alam ko namang patapos na ang first sem , I was just exaggerating na kakasimula pa lang ito kasi naman wala akong ibang ginawa sa school kundi ang rumampa.

Speaking of school, since absent ako nang ilang araw hindi ako mapakali sa dami ng school works. I'm good with other subjects but please not Math. Nabo-bobo ako pagdating sa mga computations. Nakakainis! Dagdagan pa na hindi ko makita si Chase. At itong si Justice naman dikit ng dikit sa akin. Hindi man lang ako makapuslit sa kanya. It's been four days na hindi kami nagkita. Although blockmates kami sa isang subject pero exempted naman siya ngayong finals. 

Sana all exempted.

After that night when he texted me, hindi na nasundan pa iyon. Minsan hindi ko alam kong sino ang babae sa aming dalawa. Mas grabe syang magpa bago bago ng isip. Napa iling ako at Iwinaksi ko siya sa isip ko dahil hindi na nga ako makapag concentrate dito sa school works, tapos hindi ko pa alam kong makakapasa ako sa calculus. Baka pagalitan na ako this time ni Daddy.  I need Chase's help talaga. I need to find him.

Inayos ko ang mga gamit ko at handa ng umalis para hanapin si Chase when my phone vibrated.

Tammy:
G na tayo sa Fri ha?

Celeste:
Sure! Can't wait to party!

Ingrid:
Can't wait to flirt!

Tammy:
Yan! Dyan ka magaling Ing. Sa Ing-Ing.  hahaha

Ingrid:
I'm not talking to you Tammy!

Justice:
Sure! Ilang days na rin akong sex free.

Me:
Yuck Justice!

Heather:
What's Ing Ing? Are you talking to Ingrid?

Tammy:
Ampots! Ewan ko sa iyo Heath. Paganda kana lang. Bye!

I put my phone in my bag dahil baka ma stress lang ako sa reply ni Heather.

I decided to check the field, baka kasi nandoon si Chase at hindi nga ako nagkamali.

I fixed myself first before I walk to his direction.

"Chase!" I was calling him in a loud voice so he could hear me.

"Chase!" I tried to call him again dahil mukhang hindi nya ako narinig at busy sya sa training.

He turned his head on me. I waved at him and gave him a smile. Naka kunot naman ang noo nitong naka tingin sa akin pero hindi pa rin ito lumapit sa akin.

I signaled him to come near me but before he could walk , someone just grabbed me at inakbayan ako.

"Kanina pa kita hinahanap, Mahal na prinsesa." Nakangising saad ni Justice.

"Oh please, Justice! Stop being clingy!" Sinabunutan ko siya at napa "aray" pa ito.

"Oh Please, Justice! Nye ye ye" pang gagaya pa nito sa akin. 


Sinamaan ko siya ng tingin.

"Ang arte mo!"

B. I. T. C. H Chronicles: The ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon