Chapter 9- Galit

4 0 0
                                    

"Gaga ka talaga. Pati kami idadamay mo pa sa pagiging mainitin mo." Pangsesermon ni Tammy habang iniinom ang margaritang hawak nito.

Dapat talaga ay bukas pa kami mag ba-bar kaso sa sobrang inis ko ay inaya na lang ako nila na mag bar.

Nanggigil pa rin ako. Mahigpit kong hinawakan ang baso at tinungga ang martini ko.

"Wala bang mas matapang diyan?" Pabagsak kong sandal sa couch.

Nasa harapan ko ngayon si Tammy, habang si Celeste naman ay nasa gilid ko na ini-enjoy ang vodkang hawak. Si Heather naman ay nag C.R pa. Tapos si Ingrid, she's nowhere to be found. Probably flirting with all the boys out there and Justice nasa kabilang table with three girls na kinakalantari niya.

I just rolled my eyes. Pilit inalala ang mga nangyari kanina.

"Kakalbuhin ko talaga ang babaeng yan!"  at humakbang na patungo sana sa direksyon nila Chase kong hindi lang ako hinila ni Justice palabas ng cafeteria.

"Ano ba Justice, bitiwan mo ako!" Pilit pa rin akong kumawala sa kanya.

Nakitang kong lumabas sa cafeteria si Chase. Nagpalinga linga pa ito siguro may hinahanap pero ng matuon ang kanyang tingin sa gawi namin ay nakita ko naman ang pag igting ng panga nito at mabilis ding naglakad palayo.

"Masyado kang highblood. Hindi bagay sa porma mo." Pang-iinis nito pero seryoso ang mukha nito.

Nakita ko ring lumabas ang mga kaibigan ko. Bitbit na nila ang bag ko.

"You know what? I think we should go party na lang... you know to ease the tension?" Habang naglalagay ng lipstick.

Nagulat ako ng nag slow clap si Tammy habang hinarap si Heather. Tapos si Heather naman ay napatulala kay Tammy. Pilit inintindi kong bakit naging ganon ang reaksyon nito sa kanya.

"Wow! Just wow, Heather!" Napapa iling pa ito. Mukhang amaze na amaze ito.

Napangiti naman si Heather.

"Yeah? Why?" Excited na tanong nito.

Nagpipigil naman na tumawa sina Celeste and Ingrid sa ginawi ni Tammy at sa reaksyon ni Heather.

Kami naman ni Justice ay nagkatinginan pa at nakakunot ang aming mga noo at naghihintay sa sasabihin ni Tammy.

"For the first time, may tama rin palang lumabas sa bibig mo. Hindi ka lang maganda, genius kapa."  Pang aasar niya before she tapped Heather's head.

I just rolled my eyes. Sina Celeste at Ingrid naman ay napahalakhak na. Nakisali narin si Justice.

"Let's party biiittcches!" 

Napaiktad ako sa at napabalik sa aking katinuan ng marinig ang sigaw ni Ingrid.

She was now holding two bottles of tequila. Habang sumasayaw sa tugtogin sa loob ng bar.
Napatingin kaming lahat sa kanya tila nagtatanong kung saan niya nakuha ang inuming dala.

"What?" Painosenteng saad nito.

We all looked at her with our judging eyes.

"Well. Perks of flirting." At nagkibit balikat lang ito sabay ngisi.

Si Tammy naman ay napasigaw na rin sa sobrang excited na uminom ng tequila. Hindi na namin namalayan we were all enjoying the tequila that Ingrid brought us. Nagkayayaan na rin kaming lima na sumayaw sa dance floor. Hindi na namin isinama si Justice. Mukhang busy ang gago sa paglalandi.

B. I. T. C. H Chronicles: The ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon