CHAPTER 6

9.4K 197 6
                                    

       LIANA'S POV

Pagkapasok ko sa klase ko ay may mga eatudyabteng napapatingin sa akin kaya nakayukong naghanap ako ng mauupuan.

Nakahanap naman ako malapit sa bintana kaya kitang kita ko ang labas.

" Diba siya yung babae na nagdulot ng gulo sa school ground kanina?" napalunok ako ng makarinig ako ng pagsisimula ulit ang usap usapan tungkol sa nangyare kanina.

" Siya yun? Bakit naman ipagtatanggol ni Lucas yan wala nga yan sa kalahati ni Brittany eh."

" Narinig ko pa na yan daw ang dahilan kung bakit naghiwalay sila Lucas at Brittany. Tapos si Samuel din na hindi naman nangngialam sa nangyayare sa School biglang pumasok sa eksena at hinahanap yang babaeng yan."

" Mukhang yang babaeng yan pa ang magiging dahilan kung bakit magugulo ang school year natin ngayon."

Napahinga nalang ako ng malalim at kinalma ang sarili ko.

Deadma lang liana! Nag aaral ka para magtagumpay hindi para bumagsak!!

" Nandyan na si ma'am!"

Napasandal nalang ako sa upuan ng pumasok na ang guro.

😑😑😑😑

" Liana nais mo bang sumabay sa amin mag lunch?" Tanong sa akin ng kaklase ko na nerd na babae si Joan kasama nito ang kaklase naming lalake na nerd rin na si Fred na hindi man lang makatingin sa akin palagi lang itong umiiwas ng tingin pag nakatingin ako.

" Ah ok lang ba? Mukhang hindi kasi kampante si Fred pag nasa paligid ako." Alanganin kong sabi.

Bigla namang napatingin si Fred sa akin pero umiwas agad.

" A-ah..o-ok lang s-sakin." Nauutal na ani nito kaya napangiti ako.

" ok lang naman pala halika na Liana. May discount rin tayo sa pagkain na scholar sa university na ito." Ani ni Joan na kinalaki ng mata ko.

" Talaga?" Ako.

Ngumiti ito.

" Oo kaya bilisan na natin nakakagutom na eh." Joan.

Napatango ako at lumabas na kami.

Habang naglalakad kami sa hallway ay nakakakita ako ng nga estudyante sa pakiwari ko ay canteen na dahil may kumakain rito.

Lalapit na sana ako rito ng may pumigil sa akin.

" Saan ka pupunta Liana?" Tanong ni Joan.

Napaturo naman ako sa canteen.

" Diba diyan tayo pupunta?"

Napatingin naman si Joan at napailing.

" Nakahiwalay ang canteen ng mga scholar student." Paliwanag nito.

Nagpatuloy nalang kami sa paglalakad at pumasok sa isang pinto kaparehas lang naman sa kanina pero konti lang ang students dito.

Dumiretso kami para pumila at habang naghihintay sa oras namin.

" Hindi ba unfair na parang naka isolate tayo sa iba?" Tanong ko habang nakapila parin.

" Alam mo mas nakabuti to s atin dahil noon naman talaga ay hindi tayo nakahiwalay pero nong nakaisa lang ang canteen ang lahat nagiging kawawa yung mga scholar student dahil palaging napagdidiskitahan. Kung hindi pinapa upo tinatapunan ng kung ano ano kaya ng makita ito ni Ms. Cindy De vega ay nirapat niya nalang ang ganto kaysa may masaktan pa. Sobrang pasasalamat talaga namin kay Ms. Cindy dahil nagbigay pag asa siya sa aming hindi kayang magbayad sa university pero nais makapasok." Paliwanag ni Joan na kinangiti ko. Ang bait pala ng may ari ng university na ito, at naging patunay ang scholarship ko.

Nang makuha na namin ang aming order ay umupo na kami.

Si Fred kanina pa talaga walang imik nakikiramdam lang.

" Fred ok lang ba talaga na sumama ako sa inyo?" Nag aalala kong ani.

Napatingin siya sa akin at napaiwas at di nakaligtas sa akin ang pamumula niya.

" A-ahm.. ok lang t-talaga." Sagot nito kaya napatango nalang ako.

Ambang kakainin ko na ang pagkain sa kutsara ko ng biglang pabalibag na bumukas ang pinto at pumasok roon ang grupo ni Samuel.

Lahat ng estudyante ay napatingin sa kanya na iniikot ang tingin na parang may hinahanap.

" Anong ginagawa ni Samuel rito?" Nagtatakang ani ni Joan at napatingin ako kay Fred na nakatitig lang sa grupo na mukhang nagtataka rin.

Napatingin ulit ako sa grupo nila Samuel at nakita kong napatingin ito sa pwesto ko at dali daling lumapit.

" Fvck I thought something bad happen to you! I was waiting for you at the canteen but you never came so i decided to go to your class but no one was there and this assholes said you might be here and the fvck it's true and i felt relieved now." Mahabang ani ni Samuel na kinataas ng kilay ko.

Umupo ito sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko na hanggang ngayon ay hawak parin ang kutsara at kinain niya mismo ang laman non.

Nanlalaki ang mata na napatingin ako sa kanya.

" Why are you looking at me like that? I'm hungry! Masisisi mo ba ako?" Pagtatanggol niya sa sarili.

Napailing ang mga kabarkada niya at umupo rin sa bakanteng mga upuan.

Lahat ng tao sa canteen napapatingin sa pwesto namin.

" Liana."

Napabaling ako kay Samuel ng tinawag niya ako.

" Bakit?" Tanong ko.

Binuksan niya ang bibig niya na kinataka ko.

Mukhang napansin niya yun.

" Subo." Parang bata niyang sabi sabay turo sa kutsara at plato ko.

Napatingin naman ako sa kutsara at plato ko bago binigay sa kanya.

" Sayo nalang yan." Linya ko nalang.

Tumingin naman siya sa plato at napasimangot na inilagay ito sa mesa bago padabog na tumayo at nagmamadaling lumabas na kinataka ko.

Napatingin ako sa kabarkada niyang napapangisi at napapailing.

" Hayssm. Kawawang Samuel. Sige una na kami Liana." Ani nila at sumunod sa amo nila palabas.

" Weird." Narinig kong ani ni Joan kaya napatingin ako sa kanya.

" Bakit naman?" Tanong ko.

" Nagtataka lang ako kung bakit lumalapit siya sa babae.. I mean hindi lumalapit sa kung sinong sila Samuel kilala silang bully pero kilala rin silang malayo sa babae." Ani nito.

" Mukhang gusto ka rin niya." Napatingin ako kay Fred ng magsalita siya ng hindi nauutal at seryoso.

" Huh? Ano bang sinasabi mo, Fred!--- Fred!"

Bigla nalang tumayo si Fred at lumabas.

Nagkatinginan kami ni Joan.

" Bakit bigla atang nagbago ang mood ni Fred? Ang seryoso naman non. Eh kung makapagsalita nga iyon naiutal pero ngayon? Aisshhh.. anyare sa world!!"

Napakibit balikat nalang ako at kumain nalang at wala akong choice kundi humingo uli ng kutsara ginamit na kasi ni Samuel yung sa akin.

😎😎😎

After lunch ay pumasok na kami sa klase.

" Good afternoon class dahil first day of class ngayon as the new college students we will have introduction." Ani ng guro namin na kina asik ng nga estudyante.

" Miss naman pwede bang free time nalang ang ibigay niyo tapos na naman kami kanina sa previous classes eh." Reklamo ng isang estudyanyeng lalake na may hawak pa na cellphone.

" No buts. Bakit nandito ba ako nong nagpakilala kayo isa isa? Diba wala." Ani naman ng guro.

At iyon nagpakilala na kami isa isa.

Whossshhh...  Ang hirap ng buhay.

(OWNED SERIES # 2) HIS STRONG OBSESSIVE LOVE LUST (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon