"ITO ang suotin mo bes," sabi ni Soli at ibinigay kay Salva ang isang crop top na kulay pink. Bakas sa kaniyang mukha ang excitement.
Salva rolled her eyes and snorted. "Ano bang pupuntahan natin Soli? Diba sa concert lang?" Salva asked at ipinagkrus ang dalawang braso sa harap ng kaniyang dibdib.
"Salva naman eh, gusto ko lang naman na magmukha kang pretty like me!" Soli said with pleading eyes. Napabuntong-hininga na lamang si Salva. Kahit kailan, hindi niya kayang maresist ang cuteness ni Soli.
"Yehey! Susuot na siya!" Maligayang sabi ni Soli. Rumehistro ang malaking ngisi ni Soli sa kaniyang mukha.
Napa-iling na lamang si Salva. Bakit ba kasi ang cute nitong bestfriend ko? Naisip ni Salva at patuloy na umiiling. Kung naging lalaki lang sana ito ay... Hay, 'wag ko na nga lang ituloy.
"Sige, labas na, magbibihis ako," sabi ni Salva at itinaboy si Soli palabas ng kuwarto niya.
Soli flashed a confused look at tinaasan siya ng kilay. "Hoy ateng! Just to remind you lang ha, nakita ko na ang buong katawan mo, pati kasulok-sulokan ng pagkababae mo, nakita ko na 'yan kaya don't act like you're hiding something from me kasi wala ka na'ng bagay na dapat pa'ng itago. Nakita ko na lahat."
Agad na pinamulahan ng mukha si Salva. Hindi niya alam kung matatawa ba siya, kung mahihiya, kung magagalit, ah basta! Sari-saring emosiyon ang naramdaman niya. Kahit na bakla si Soli ay lalaki pa rin ito.
Oo, hindi niya sinadyang makita ni Soli ang buong katawan niya. Lasing siya n'on kaya si Soli- bilang bestfriend niya- ang naghatid sa kaniya sa kaniyang apartment. Hindi lang hinatid, binihisan na, nilutuan pa. Ang swerte talaga niya sa bestfriend niyang bakla.
Tanging batok lamang ang ibinigay niya kay Soli. "Ang bibig mo Soli, walang preno." Bago pa man makasagot si Soli ay sinarado na niya ang pinto.
Ngumisi lang si Soli nang nakakaloko. Pagkatapos, pakembot-kembot siyang lumabas sa silid ni Salva.
Napailing na lamang si Salva sa inasal ni Soli. Sanay na siya'ng tinatarayan siya nito, sanay na siyang makinig sa walang preno nitong bibig pero minsan ay natatawa pa rin siya sa mga inaasal nito. Ang galaw kasi bi Soli ay hindi nababagay sa hitsura niya.
Kung titingnan sa malayo, everyone would conclude that Soli is a damn, hot guy! Pero, if you look closely, lumalabas ang tunay niyang kulay.
Isinuot na ni Salva ang damit na ibinigay sa kaniya ni Soli. Hindi naman talaga siya mahilig sa gan'on, isinuot lamang niya ito dahil sa kagustuhan ni Soli. Nevertheless, bumagay naman sa kaniya ang crop top na kulay pink.
Dahil sa suot niyang crop top, exposed na exposed ang bewang niya. Maganda ang hubog ng katawan niya, it is the type of body that men would drool over.
Nakasuot na siya noon noong minsang sumali siya sa isang beauty pageant ngunit naiilang pa rin siyang suotin iyon dahil hindi siya sanay na i-expose ang katawan niya.
Pinaresan niya iyon ng pantalon na kulay black at saka kinuha ang black boots na may three inches heels. Binuksan niya ang pinto at lumabas ng kuwarto, naabutan niyang nakaupo sa sofa si Soli habang naglalaro sa cellphone nito.
NANG mapansin ang paglapit ni Salva, agad na itinago ni Soli ang cellphone at tumingin rito. Pinasadahan niya ng tingin si Salva at hindi maiwasang ngumiti. Ang ganda talaga ng bestfriend ko.
BINABASA MO ANG
Desperate Plea
Romance#BaklangSoli Nang malamang niligawan ng crush ni Soli si Salva, agad niyang tinalikuran ang pagkakaibigan nilang dalawa. How dare her para agawin ang crush niya? Ang landi talaga! Samantala, Salva did everything para maibalik ang pagkakaibigan nila...