Dedicated to: JamilleRegulado
"SINCE WHEN did you love me?" tanong ni Salva. May ngiti sa mga labi nito habang tinataasan ng kilay si Soli.
"The first time I met you, minahal na kita, Salva. You were so beautiful back then. I just couldn't take my eyes off you."
Napakunot ang noo ni Salva. Kinagat niya ang kaniyang labi habang inaanalisa ang sinabi ni Soli. "So, you've been loving me for . . ."
"Seven years, Salva." Si Soli na ang tumapos sa nais niyang sabihin.
Napangiti siya sa sinabi ng lalaki. Pinulupot ni Soli ang kamay sa baywang ni Salva at hinila siya papalapit rito. Malaki ang sofang kanilang inuupuan ngunit mas gusto ni Soli na malapit sa kaniya si Salva. Hindi tumutol si Salva at nagpahila na lamang kay Soli.
"Lampo, nakakabitter kayo, ah," Solenn said as she entered the sala. Nakasunod lamang si Albie sa kaniya. May nakakalokong ngiti sa labi nito.
There's something fishy with these two, isip ni Salva. Nevertheless, she disregarded the thought.
"Umasa ka kasi sa taong 'di ka kayang mahalin," ani Albie. Tinawanan naman ni Soli si Solenn at binatukan.
"Bakit ka kasi nakatingin sa malayo? Nasa harap mo lang 'yong taong nagmamahal sa 'yo, o," natatawang sabi ni Soli.
"Sino? Si Albie? Ew, yuck," may pandidiring saad ni Solenn. Tinawanan lamang siya nina Soli at Salva habang si Albie naman ay umirap.
"Kung maka-yuck ka akala mo ang sexy-sexy mo." Tinaasan ng kilay ni Albie si Solenn.
Tumawa lamang sina Salva at Soli sa dalawa.
"Wait, Albie, alam mo bang lalaki si Soli?" tanong ni Salva.
Tumango ang bakla at nagsalita. "Yep, tagal na. Ikaw na lang ang 'di nakakahalata."
"Bakit 'di niyo sinabi sa 'kin?" nagtatampong sabi ni Salva.
"Eh, kasi, gusto namin na si kambal mismo ang magsasabi sa 'yo ng totoo," sagot ni Solenn.
Salva nodded her head and niyakap si Soli.
"Ayiieee!" tili ni Solenn. "Kayo na ba?"
Nagkakatitigan sina Salva at Soli. Bakas sa mga mata ng lalaki ang pagmamahal at pag-asa. Nangungusap ang mga mata ni Soli. Humihingi ng kasagutan sa tanong na ibinato ni Solenn. Tayo na ba? May pag-asa ba ako?
Umiling si Salva. Hindi. Hindi puwedeng madaliin ang lahat. "No, hindi pa kami."
Narinig niya ang pagbuntong-hininga ni Soli. Naramdaman niya ang pagluwag ng pagkakapulupot ng kamay ni Soli sa kaniyang baywang. Napatingin siya sa mukha nito ngunit umiwas ito. May ngiti man sa mga labi nito, nakikita niya pa rin ang lungkot sa mga mata nito.
"Hindi pa kami, hindi pa siya nanligaw eh," ani Salva nang may ngiti.
Agad namang napatingin sa kaniya si Soli. This time, his smile is real. Umabot ito sa kaniyang mga mata.
"'Yon naman pala eh, ligawan mo na. Baka maunahan ka pa ng Rence na 'yon," ani Albie.
Nagdilim ang paningin ni Soli nang marinig ang pangalan ng karibal. Napatawa lamang ang dalawang dalaga habang umirap lamang si Soli.
"Pero, kambal, tama si Alberto," ani Solenn.
"Albie nga." Halos patayin na ni Albie si Solenn sa mga titig nito dahil lamang sa pagtawag niya rito ng 'Alberto.'
BINABASA MO ANG
Desperate Plea
Romance#BaklangSoli Nang malamang niligawan ng crush ni Soli si Salva, agad niyang tinalikuran ang pagkakaibigan nilang dalawa. How dare her para agawin ang crush niya? Ang landi talaga! Samantala, Salva did everything para maibalik ang pagkakaibigan nila...