Chapter 5:Dreams

72 9 0
                                    

Yoongi's Pov

Minulat ko ang aking mga mata at tumingin sa orasan at 7:00 am palang naman,8:00 am naman ang 1st class namin

Sleeping......

Tinamad pa'kong bumangon,tinignan ko ang orasan at 7:25 am na,gusto ko na talagang bumangon pero ayaw pa ng katawan at utak ko, ipinikit ko na lamang ang aking mga mata na parang may kumokontrol rito buti nalang.........

(Knock,Knock)

Rinig ko na ang katok niya sa pintuan ko,narinig ko rin ang pagpasok niya

"Hyung!!Gising nahh!"sigaw niya sakin

Inalis niya ang kumot na nakabalot sa katawan ko

"Hyung!!"sigaw niya ulit

Hinawakan niya ang isang binti ko at hinila ako pababa pero alam kong hindi niya ako ihuhulog sa sahig.........subukan lang niya

"Hyung!Lagi nalang bang ganito!?"

ito na ang makakagising saking utak at katawan......ang kilitiin niya ako sa kung saan saan

Pagkakiliti niya sakin agad ng namulupot ang aking katawan

"Gigising ka o hinde,hindi talaga kita titigilan pag di ka pa bumabangon"mas binilisan niya pa ang pagkiliti sakin

Wala ng nagawa ang aking katawan dahil nagising na ang mga ugat at dugo ko

Imunulat ko na ang mata ko at tinignan si Jimin agad niya akong tinapunan ng twalya sa mukha ko

"Bilisan mo"paalala niya sakin

"Don't do this again...EVER!" padiriin ko,ayaw ko ng ganun dahil ginagawa niya kong bata and I HATE IT!

Lumabas na kami sa kwarto ko

Si Jimin ay pumunta na sa baba para mag-almusal,kakatapos lang din niyang maligo at nakasuot narin siya ng uniporme

Ako naman ay pumunta na sa banyo at ginawa ko na ang morning routine ko

Pagkatapos non,pumunta na ako sa kwarto at isinuot ang uniporme

Black pants,White long sleeve blouse,red tie,and black shoes at sa huli ay black blazer hindi ko muna ito isinusuot dahil naiinitan ako

Kinuha ko na ang bag ko at hawak hawak ang aking blazer at pumunta na sa ibaba para magbreakfast

"Bilisan mong kumain,7:45 na!!"

Umupo na ako at nagsimulang kumain habang si Jimin ay kakatapos lang kumain at magsisipilyo na

Mitch's Pov

6:55 am

Nagising na ako at pumunta na sa kusina upang matulungan si mommy maghanda ng almusal

"Goodmorning ma!"pagbati ko sa kanya

"Goodmorning din,gisingin mo na si Elli para sabay na kayong makapag-almusal"

Naninibago ako kay mommy dahil ang nakasanayan ko ay lagi ko siyang tinutulungan maghanda ng almusal pero ngayon nakalapag na ang pagkain sa lamesa

Missing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon