[Chapter 1]

7.7K 127 8
                                    

Chaie

Nagising ako sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko, minulat ko saglit ang mga mata ko ngunit nang nakaramdam ulit ng antok ay binalak ko ulit pumikit at matulog.

"Chaie! Hindi ka na ba mag-luluto ng breakfast? Male-late na ko!" sigaw ni Jimin, at wala akong nagawa kundi ang bumangon at nag-ayos.

Lumabas na ako ng kwarto ko at bumaba na, nakita ko siyang nagmamadali kaya naman ay kumilos na rin ako agad.

"H-huh, Oh sandali lang." sambit ko sa kanya,

Dumiretso ako sa kusina at sinimulan na ang pagluto nang makakain niya at nataranta naman ako nang mapatingin ako sa oras.

Ganito ang naging buhay ko simula nang nag-kaisang dibdib kami. Ako ang nag-aasikaso sa kanya tuwing umaga dahil ganoon naman dapat ang magagawa ko bilang asawa niya.

Nakita ko naman si Jimin na papalapit sa akin, at sumalubong sa akin ang galit na mukha niya habang dala-dala niya ang damit niyang gusot na gusot.

"Look! Hindi mo inasikaso ang damit na susuotin ko?" sigaw niya sakin at naalala ko palang hindi ko iyon naplantsahan dahil nakatulog ako.

Yumuko naman ako at napakagat ng labi.

"Pasensiya na, nakalimutan ko marami kasi akong ginawa kahapon." sambit ko at nakita ko namang napairap siya sa kawalan.

Totoo, marami akong ginawa sa araw araw dito sa bahay ngunit mag-kaiba ang kahapon dahil sa dumating ang mga katrabaho ni Jimin kaya naman ay sa sobrang pagod ko ay nakalimutan ko na iyon.

"Hurry up! No need to explain." tumango na lamang ako at kinuha ko na ang damit niya para plantsahin.

Hindi maganda ang naging turing niya sa'kin, laging mainit ang ulo niya lalo na kapag pagod siyang umuuwi. Ngunit nagpapasalamat pa rin ako dahil kahit kailanman ay hindi niya nagawang pagbuhatan ng kamay.

"Shit!" sambit ko at agad na pumunta sa kusina at napapikit naman ako nang nakita ko ang sunog na niluluto ko kanina.

Agad ko itong inasikaso at napakagat nalang ako nang labi nang nakita kong hindi na ito pwedeng kainin.

"Anong amoy 'yon?" isang baritong boses ang narinig ko at habang nag-lalakad papunta sa akin.

Napayuko na lamang ako dahil hindi ko magawang tumingin sa mga mata niyang alam kong kahit na hindi ko nakikita ang mukha niya alam ko na galit na galit na ang itsura niya.

"Huwag mong sabihin na nasunog yung kakainin ko?" dagdag niya at tinignan niya ako ng matalim.

Tumingin ako saglit sa mga mata niya at agad na napaiwas ng tingin nang nakita ko ang mukha niyang galit.

"H-hindi ko nabantayan, nag plantsa kasi ako ng damit mo, I'm sorry." kinakabahang sabi ko at nakita kong umigiting ang panga niya at tinapunan ako ng masamang tingin.

"I don't need your explanation! Isa ka talagang perwisyo sa buhay ko, Slut!" sabi niya at umalis na.

Naramdaman ko nalang ang pag-tulo ng luha sa pisngi ko na agad ko naman na pinunasan at nakatulala lang ako sa pinag-labasan niyang pintuan.

I'm Park Chaie, Jimin's Wife and hell ganto ang trato niya sa akin.

ITUTULOY...

Marriage [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon