[Chapter 5]

4.6K 90 2
                                    

Jimin

"Ano naman ang ipinunta niyo rito?" tanong ko at isinalin ang soju sa baso 'ko at ganoon din naman ang ginawa nila.

"Siyempre kayo ng asawa mo! Bakit bawal ba? Or..." napatingin naman ako kay Namjoon hyung at nakita ko namang nakangisi ito.

"May ginagawa kayo ni Chaie? Yie." tuloy ni Hoseok hyung sinabi ni Namjoon hyung

"Shut up, Hyung!" sambit ko at napatingin naman ako kay Chaie na busy manood ng TV.

"Huwag ka nang maglihin! Mag-kwento ka...meron na ba?" bulong na tanong ni Taehyung.

"Aish! Change topic na nga tayo, at kung meron 'mang mangyari ay privacy na namin iyon." sambit ko at napatawa naman sila.

Nag-patuloy naman kami sa pag-iinuman at nag-kwentuhan pa ng kung ano anong nangyayari sa buhay nila.

"Kamusta naman buhay may asawa?" tanong ni Namjoon hyung at nakita ko namang napatingin sa akin si Chaie.

"It was so funny, very funny." naramdaman ko ang pag-sakit ng ulo ko dahil sa mga nainom.

"I don't want this marriage! Wala na akong privacy, puro sakit lang sa ulo." papikit pikit kong sabi.

Nakita ko namang tumayo si Chaie...

"Kung sana ay hindi ako nadamay sa fucking business na 'yan, Edi sana masaya at kami ang kasal ni Mia-"

Napatigil naman ako nang nakita kong malapit na samin si Chae.

"Boys, excuse me. Matutulog na ako ha? Goodnight!" nakangiting sabi nito ngunit simple lamang ito.

Tumakbo si Chae papunta sa taas kaya naman ay napairap ako,

Napadilat naman ako nang naramdaman kong binatukan ako.

"Ikaw talaga hyung! Tignan mo yung ginawa mo." sambit ni Jungkook.

"Why? Wala namang masama sa sinabi ko, I'm just telling the truth." sambit ko at napailing nalamang ito.

"Telling the truth? Jimin, sinasaktan mo siya dahil sa sinasabi mo." napatahimik naman ang lahat dahil sa sinabi ni Yoongi hyung.

"You're hurting her! Not physically but emotionally." malamig na sabi nito at pumikit.

Ilang minuto muna ang katahimikan at mabuti nalang at binasag iyon ni Namjoon hyung.

"Nako naman, Sige na change topic na baka kung saan pa mapunta itong usapan na 'to." sabi naman ni Namjoon'hyung.

"Minsan naman Jimin hyung punta ka sa dorm!" sabi ni Taehyung.

"Busy din ako." sambit ko sa kanila.

"Busy, saan? Sa pakikipaglandian kay Mia?" nakataas na kilay na sabi ni Jin hyung kaya napairap nalang ako.

"Ay! Porket may kalandian na, hindi mo na kami inaalala. " sigaw ni Hoseok'hyung.

"Hindi naman sa 'ganoon hyung..Aray!" pinalo-palo naman nipa ako.

"Maganda na rin pala iyon para ma-solo ko na si Yoongi." sambit ni Hoseok.

"Naririnig ko na naman ang pangalan ko riyan, Huwag din kayong magulo natutulog ako." sabi ni Yoongi hyung.

"Sa guestroom ka muna matulog, hyung!" sabi ko at tumango naman siya tsaka pumunta sa taas.

"Kakatulog lang ni hyung sa dorm at kotse diba?" tanong ni Jungkook.

"Alam mo namang tulog is life 'yan, kaya huwag ka nang mag-taka." sabi ni Namjoon hyung.

ITUTULOY...

Marriage [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon