[Chapter 14]

4.1K 87 4
                                    

Jimin

"Let's go." hinawakan ko ang kamay ni Mia habang nag-lalakad kami rito sa loob ng mall at habang naglilibot kami ay may nakita akong pamilyar na tao para sa akin.

Chaie...

Nakita ko na napatingin din sila sa akin at nakita ko naman ang malungkot na mata ni Chaie habang tinititigan ako kaya napaiwas nalang ako. Nakita ko naman na mag-kakasalubong kami at napatingin naman ako kay Mia na tumigil at hinarap sila Chaie

"Look! Who's here." biglang sabi ni Mia, kaya napapikit nalang ako. Nakita ko rin na huminto ang dalawa at tinignan kami.

"Oh, look who's here too." taas na kilay na sabi ni Angi. Naramdaman ko ang titig ni Chaie sa'kin na hindi ko binabalingan ng tingin.

"May ahas pala rito." dahil sa sinabi ni Chaie ay napatingin naman ako sa kaniya nang seryoso.

"How dare you." sabi ni Mia at akmang sasampalin niya pero nahawakan ni Chaie ang kamay ni Mia.

"Huwag mong subukang idampi ang madumi mong kamay sa maganda 'kong mukha dahil baka mahawa ako sa ka-ahasan mo." nakita ko naman na napanganga si Mia at ganoon din ako.

"CHAIE!" sigaw ko sa kanya nang nakita 'ko na sobrang galit na ni Mia.

"May kakampi ka pala, Kaya naman pala ang lakas ng loob mo." diretsong mata na sabi ni Chaie. Iniwas niya ang mata niya sa'kin at binaling ulit kay Mia.

"Baby, Huwag na nga tayo dito may mga asungot dito." sabi ni Mia

"Excuse me, Kahit saan ka pupunta may makikita 'kang asungot dahil makikita mo ang sarili mo." dahil sa sinabi ni Chaie ay narinig ko naman ang pag-tawa ni Angi.

"Kapal ng mukha mo!" sabi ni Mia at sinampal niya si Chaie at gumanti rin naman ito.

"Ikaw ang makapal ang mukha dito Mia. mahiya ka nga may asawa na yung tao nilalandi mo pa. Tandaan mo! Kahit anong gawin mo ay girlfriend ka lang ni Jimin." sigaw ni Chaie at hinawakan ko naman si Mia para iawat.

"Pwede ba? Tumigil na kayo. Ikaw, Chaie. Huwag ka na ngang gumawa ng eksena? Umuwi na kayo!" pasigaw kong sabi.

"Oo! Ako ang girlfriend ni Jimin at ikaw ang asawa ang tanong mahal ka ba niya? Ni kahit kailan hindi ka niya minahal at hindi ka niya mamahalin habang nandirito pa ako Chaie." nakita ko naman na napatigil si Chaie.

"Natahimik ka kasi totoo asawa ka lang niya sa papel."  sabi ni Mia at nagulat ako ng sambunutan ni Chaie si Mia.

"KAYA KA LANG MINAHAL NI JIMIN DAHIL DIYAN SA KALANDIAN MO!" sigaw ni Chaie habang sinasambunutan si Mia at gumaganti rin si Mia at inaawat namin sila ni Angi.

"STOP IT! FUCK." sigaw ko at napabitaw naman sila.

"Umuwi na kayo Chaie!" sabi ko sa kanila

"Tara na Chaie." sabi ni Angi kay Chaie at umalis na.

ITUTULOY...

Marriage [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon