Third Part: The Ex and the Hot Girl

12.3K 57 0
                                    

I miss you. Come back to me baby. Eve made a face then binura niya ang message sa cellphone. Hindi niya alam kung papaano nakuha ng ex-boyfriend ang numero niya. Pero definitely, magpapalit na naman siya ng simcard.

Napabuntong-hininga siya. Papababa na siya para umuwi nang gabing iyon nang mag-ring ang phone niya. At ang shonga niyang sinagot ang unknown caller.

"Baby, we need to talk -"

"Talk mo'ng mukha mo!" Pinagpatayan na niya ito.

Nabosesan niya kaagad ang lalaking naging nobyo niya ng limang taon. Na nangako sa kanya ng kasal. Na after one week ng pagiging official nilang mag-fiancee ay sumiping sa iba.

Heto siyang buong pagmamahal na umasa. Pero paasa lang pala ito.

No, hindi na siya magpapalit ng numero. Nag-return call siya sa ex-boyfriend.

"Baby... Hello!" Excited pa ang boses ng walanghiya.

Pinutol niya ang kasiyahan nito. "It's been a year, tarantado," marahas niyang sabi. "Ngayon ka pa makikipagbalikan? I miss you? Why dahil wala ka nang maiyot? At umaasa ka na makaka-score ka sa akin? Animal ka! Sa susunod na mag-text o tumawag ka, irereklamo na kitang stalker sa mga pulis. Gago!"

Asar na asar siya. Napasigaw siya sa huling salita niya. May ilang empleyadong pababa na rin sa ground floor para umuwi ang napatingin sa kanya. Awkward na napangiti siya at ikinansela na niya ang tawag sa ex.

Dedmang inayos ni Eve ang collar ng white long sleeves niya at sinuklay ng mga daliri ang straight at hanggang baywang na buhok. Noon niya nakita si Frank na papalabas sa double-doors ng lobby. Paalis na rin ito at isang hottie ang kasama ng binata.

Muntikan nang malaglag ang panga niya.

He's only a friend, she reminded herself. Kalaro sa chess. Kalaro sa kama. But he is not her lover. Hindi sila.

Sinulyapan niya ang condo ni Frank sa tenth floor, sa paglampas ng sinasakyang dyip niya rito. Malapit lang ang apartment niya sa tinutuluyan ng katrabaho. Walking distance lang kung tutuusin. Kaya naman naging madali para sa kanya ang tanggapin ang chess game nito tuwing Sabado. Simpleng friendly game na naging interesting sa gantimpala ng kamunduhan.

She must be stupid na napapayag siya ni Frank. Madali kasi itong mahalin at naging okay na siya sa ganoong arrangement.

Kuntento na siya na mahalin ito kahit hindi siya nito mahalin. Pero ayaw naman niyang papalitan siya bilang kalaro ng minamal.

Na-insecure siya sa kasamang babae ni Frank. Bago ang mukha nito sa kumpanya. Sa wari niya bagong employee ito sa magkaparehong tabas ng uniform nila na white long sleeves na polo at black fitted skirt.

Maganda rin naman siya. May mayamang laki ng dibdib at seksi. Pero mas matangkad ang hottie at mas maputi. Slim din ang prospect na katunggali; pang-model ang katawan.

Well... hindi siya papayag na matalbugan siya nito.

Nang gabing iyon, pinuntahan niya si Frank. May susi siya sa condo nito, hindi na niya ito kailangang katukin. Nakamahaba siyang coat, pero liban doon ay wala na siyang ibang suot. Balak niyang sorpresahin ang minamahal. Siya ang ginulat nito.

Sa pagbukas niya sa pinto ng condo nito, bumungad sa kanya si Frank sa mahabang sofa ng salas. Kalaplapan nito ang bagong empleyada.

KalaroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon