Chapter 11

610 19 0
                                    

Athena's pov

"Sorry na" pangungulit sakin ni Ethan

Hindi ako nag abalang sumagot at nagpatuloy parin ako sa ginagawa

"Hoy sorry na kasi" ulit nya

Naglabas muna ako ng hangin sa ilong bago magsalita.Sino ba naman kasi ang hindi makakatiis sa itsura nya pvta naka puppy eyes pa si loko

"Nakakabwiset ka talaga Ethan!" reklamo ko

"Hindi ko naman sinasadya eh!" saad nya

"Hindi sinasadya eh halos marinig nyo buong usapan namin!" inis na sigaw ko

Pagkatapos namin kasing sermonan yung tatlong sira ulo kagabi na narinig lahat ng usapan namin hindi ko na sya pinansin hanggang ngayon

"Kaya sorry na diba?!" depensa nya

"Bahala ka dyan" maikling sagot ko at pumasok na sa kwarto ko

Ngayon nga pala ako uuwi samin nakalimutan ko.Grabe namiss ko sila lalo na yung kapatid ko

Niligpit ko isa-isa yung mga damit ko at maayos na inilagay sa maleta

Nang maayos na lahat ng gamit ko ay napagpasyahan ko ng lumabas muna ng dorm para hanapin ang mga kaibigan ko

Tok...tok...tok....

Katok ko bago buksan ang pinto ng dorm ng mga kaibigan ko

Bumungad sakin ang dalawang naglalakihang maleta

"Ready na ba mga gamit nyo?" tanong ko sa kanila

"Yup!" masiglang sagot ni Eli

"Ano plano nyo ngayong weekend?" biglang tanong ni Claire

"Sa sabado gusto ko munang makasama ang family ko pero sa linggo, kung ayos lang sa inyo gala tayong tatlo" alok ko sa kanila

"Sige wala naman akong gagawin sa linggo eh" sagot ni Claire

"Ikaw ba Eli?" tanong ko

"Sige!Sige!" masiglang sagot ni Eli

"Tapos punta tayo ng bar" dugtong ko pa

"Ayoko!" biglang tutol ni Eli

"Bakit naman?" inis na tanong ni Claire

"Basta ayoko!" sagot ni Eli

"Bakit ayaw mo? suki nga tayo sa mga bar dati eh! ikaw pa nga pinakamalakas uminom satin" saad ko

"Tapos kung makatanggi ka akala mo hindi tayo mga tambay dati" dugtong pa ni Claire

"Good girl na kaya ako!" depensa ni Eli

"Good girl kapang nalalaman" saad ni Claire

"Dami mong alam mag teacher ka na lang!" pang aasar ko

"Sige sige na! basta sa linggo ah!" sagot ni Eli

"Great!" saad ko at pinagdikit ang dalawang palad

"Magkita tayo sa gate ng school mamayang 9:30" saad ko bago lumabas ng dorm nila

Mag isa akong naglalakad sa hallway pabalik ng dorm ng makasalubong ko ulit sya

Dire-diretso lang ako sa paglalakad at hindi sya tinatapunan ng tingin

Hindi paman ako nakakalayo sa kanya ng may humigit na sa palapulsuhan ko.Inis ko syang binalingan ng tingin

"Tigilan mo ako" walang gana kong sagot

"Hindi kita titigilan hangga't hindi ko nakikita ang tunay na ikaw" saad nya

Tuyayo ako ng maayos at takang tumingin sa kanya

"What do you mean?"takang tanong ko

"Wag kang matakot na ilabas yung tunay na ikaw.Gusto kong makita yung demonyong ikaw yung muntik ng pumatay sakin, samin" saad nya

"Nababaliw kana" sagot ko at pilit na kumakawala sa pagkakahawak nya

"Nag bun kapa ng buhok at nagsalamin eh kahit naman gawin mo yan makikilala parin kita" saad nya

"Marami ng buhay ang kinuha mo kaya buhay din ang magiging kapalit.Idadamay ko ang mga kaibigan mo sa gulong pinasok mo lalo na si Ethan" dugtong pa nya

Parang may pumitik sa sintido ko ng marinig ang pangalan ni Ethan

Hindi ako nakapagsalita dahil sa sinabi.Idadamay nya pa pati mga kaibigan ko!

"Magkakamatayan muna tayo" maotoridad sa sambit ko

"Yan ganyan nga" saad nya at iniwan akong tulala

Agad akong bumalik sa dorm at nagkunwari na walang nangyari kahit na naiisip ko palang na sasaktan nya yung mga kaibigan ko hindi ko na kaya pano pa kaya si Ethan

Magkakamatayan muna tayo Sherly......

~•~•~•~•~•~•

Don't forget to vote,comment and share

Thanks for reading!

Royal Academy: School of MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon