Athena's pov
"Ano ba kasi yung ginawa ko kagabi?"inis na tanong ko kay Eli
"Ewan ko" maikling sagot nya
Naiinis na ako!kanina ko pa sila tinatanong tungkol sa nangyari sa bar kagabi pero laging "ewan ko" lang ang sinasagot nila.Konti na lang mananapak na ako kahit kaibigan ko pa sila
Kasalukuyan kaming kumakain ng mga kaibigan ko cafeteria
"Ano nga kasing ginawa ko kagabi?" inis na tanong ko
Malay nyo kasi baka nagwala,
nanapak at kung ano ano na mga nasabi ko.Jusme! wag ko naman sanang nasabi yung napag usapan namin ni Sherly patay talaga ako kapag nagkataon"Gusto mo talagang malaman?" tanong ni Claire
"Malamang kaya nga nagtatanong eh!" pabalang na sagot ko
"Bahala ka nga dyan" inis na sagot nya at bumalik ulit sa pagkain
"Joke lang! hindi ka mabiro" dahilan ko
"Si Luke ang nag hatid sayo pauwi" panimula ni Eli
"Tapos?" takang tanong ko
Expect ko na si Luke ang mag uuwi sakin dahil hindi din naman ako ihahatid ng mga kaibigan kong hudas pauwi.Sila pa! eh mga dakilang tamad yan eh!
"Naka anim na bote ka ng alak hindi ko nga alam kung pano mo napagkasya yung alak na yon sa loob ng tyan mo eh" pailing iling na dugtong ni Claire
"Alam ko y---- ANIM NG BOTE?!?!" hindi makapaniwalang tanong ko
Ay pvta! grabe naka anim na bote pala ko kaya pala ganon.Ang lakas ng tama non.T_T
"Kung ano ano ginawa mo sa bar" dugtong naman ni Eli
Anak ng! ayan na nga ba yung sinasabi ko eh! nagwala ako sa bar pero hindi ko maalala.Pabitin pa kasi eh ayaw pa akong diretsohin
"Pabitin pa eh! sabihin nyo na kasi" reklamo ko
"Sumigaw ka ng sumigaw, kung sino sino inaway mo,kung ano ano mga sinasabi mo para kang baliw at halos masira mo na yung kalahati ng bar dahil gumamit ka ng magic" walang alinlangang sambit ni Claire
"Maawa ka sa kambal mo sya kasi nagbayad ng mga nasira mo sa bar" walang ganang dugtong pa ni Eli
Shutangina!
"G-ginawa ko yun?" lang ang lumabas sa bibig ko habang nakaturo ang isang daliri sa aking sarili
Tango lang ang natanggap ko mula sa kanila.Nakakahiya ako!hindi na talaga ako iinom kahit kaylan promise yan!
Napayuko na lang ako dahil sa mga sinabi nila at nagpatuloy na lang sa pagkain
"Wag kanang gagamit ng System Command dito sa school at baka may makakita ulit sayo katulad na nangyari dati" usal ko habang hindi sila tinatapunan ng tingin
"B-bakit naman?" inis na tanong ni Eli
Kumunot ang noo ko dahil sa tanong nya.Seriously? minsan feel ko talagang manapak, try ko kaya kay Eli?
Nagangat ako ng ulo at tinignan sya ng masama
"San ka nakakita ng 4th year college student na ang rank ay master?" inis na tanong ko
May ranking kasi kapag gumagamit ka ng magic.Ang pinakamababang rank ay Rank 1-10 tapos sunod naman ay Master 1-5 na at ang pinakamataas sa lahat ay Grandmaster.Bilang lang ang mga tao na ang rank ay Grandmaster.
Kapag ang rank mo na ay Master saka ka palang magkakaroon ng System Command katulad ni Eli at Claire parehas silang Master na ang rank kaya meron na silang System Command.Yung edad kasi namin dapat mga nasa rank palang kami pero iba ang nangyari.Maagang pinag aral si Eli at Claire pero ako hindi ko alam kung bakit ganon na agad yung rank ko.Lahat ng alam ko tungkol sa magic ay tinuturo ko sa kanila.Dapat kasi share your knowledge din minsan
BINABASA MO ANG
Royal Academy: School of Magic
FantasyA mysterious girl who came in "Royal Academy", every student in this school love's magic except for her Funny,loveable,beautiful,kind and smart girl But don't try to get her mad because if you do you will die "Angel outside but Devil inside that wil...