Chapter 21

493 14 1
                                    

Athena's pov

"A-ano?!" di makapaniwalang sagot ko

Hindi to pwede! bukod na nasa panganib ang buhay ko, nasa panganib din ang buhay ng taong nasa paligid ko.Maari nilang gawing pain ang mga kaibigan ko laban sakin.Anong gagawin?

Pare parehas kaming natigilan ng may marinig na malakas na pagsabog sa hindi kalayuan.Nagulantang ang mundo ko na marinig yon

"Nandito sila" biglang sabi ni Claire kaya nakuha non ang atensyon ko

Kung nandito nga sila pano nila nagawang makapaok? mahigpit ang sekyuridad ng school na to kaya hindi makakapasok agad ang kung sino lang

Anong gagawin ko? mag isip ka Athena mag isip ka

"Kaylangan nating makasiguro kung talagang nandito nga sila" alalang sambit ni Eli

"Sumunod na lang kayo sakin" utos ko

"Pero bakit?" takang tanong ni Eli samantalang si Claire ay tinanguan lang ako indikasyon na naintindihan nya ang gusto kong iparating

"Kaylangan ko silang mapigilan sa plano nila" sagot ko at ipinikit ang aking mata at inisip kung saan ko gustong pumunta

Sa isang iglap ay nasa tulay na ako sa labas ng School namin pagmulat ko ng aking mga mata.Ngayon na lang ulit ako gumamit ng teleportation after 3 years.Kaylangan mong maglaan ng isang taon para matutunan kung pano mag teleport

Mga lalaking naka itim ang bumungad sakin at pinalilibutan nila ang isang babae na naka uniform katulad ng uniform ko.Pilit nilalabanan ng kawawang babae ang mga nakaitim

Nagtama ang aming mga mata at huli ko ng napagtanto kung sino ang babaeng yun

Shit!

"Sherly!" sigaw ko at kumaripas ng takbo palapit kay Sherly.Nabaling ang atensyon ng mga taong naka itim sakin

Kaylangan ko na bang gawin ulit?pero baka makasakit na naman ako.Mag isip ka ng paraan Athena pag isip ka!

"Athena!" tawag sa pangalan ko

Lumingon ako sa likuran ko para makita kung sino ang tumawag sakin

"Eli at Claire dyan na lang kayo wag kayong pupunta dito masyadong delikado" banta ko

Para makasiguro sa proteksyon ng mga kaibigan ko, gumawa ako ng perfect barrier at ikinulong sila sa loob.Sunod na dumating ay sila Ethan at ang mga kaibigan nya.Katulad ng ginawa ko kila Claire at Eli ay ikinulong ko din sila sa barrier

Nang masiguradong ligtas na ang mga kaibigan ko saka ko lang ulit binalingan ng tingin ang mga taong naka itim pero parang may kulang

"Saan nyo dinala si Sherly?" alalang tanong ko.Nandito lang sya kanina eh! saan na nagpunta yung babaeng yun?

"Dinala na sya ng mga kasamahan namin sa Black World" sagot ng isang lalaking naka itim

Natigilan ako.Mabilis ang pintig ng aking puso.Hindi nila pwedeng dalin si Sherly sa Black World! Maraming tao ang nakapasok roon pero wala ni isa sa kanila ang nakalabas pa ng buhay.Pinangungunahan na ng takot ang buong katawan ko.Hindi ko alam ang gagawin ko.Kung kakalabanin ko naman sila ay hindi ko kaya masyado silang marami siguro mga nasa 60 sila pataas

"Sumama ka na lang samin kung ayaw mong matulad ka sa babae kanina" banta ng isang naka itim

So ako nga ang target nila? pero bakit? may nagawa na naman ba akong gulo ng hindi ko alam? Hindi ko magawang gumalaw ngayon sa kinatatayuan ko.Nanginginig ang mga tuhod ko.Mabilis ang tibok ng puso.

Royal Academy: School of MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon