Chapter 1: I Love You <3

122 13 7
                                    

Ang sarap sa pakiramdam kapag nakuha mo ang isang bagay lalo na kapag pinaghirapan mo ito. Lahat ng pagpupursige, encouragement sa sarili at eagerness na makuha ang kaligayahan ay napalitan ng ibayong saya dahil sa kabila ng mga balakid, hindi ako sumuko. Bagkus naging matatag ako sa mga pagsubok para makuha ang trophy ng buhay ko.

Habang sinasabayan ko ang kanta ni Anne Curtis nakadungaw ako sa bintana ng aking kwarto mula sa ikalawang palapag ng aming bahay. Inaabangan ko kasi si Chris. Ang boyfriend ko. Palagi niya kasi ako sinusundo at sabay kaming pumapasok sa isang sikat na Unibersidad sa Manila. Parehas ang kursong kinukuha namin: Civil Engineering at nasa ika-tatlong taon na kami ngayon.

"Tinamaan na ako, walang hiya ka kupido, nasirang schedule ko Putres na kabaliwan ito." Grabe na talaga 'toh, nahulog na talaga ako sa bitag at tuluyan na ngang pinanana ni kupido ang puso ko.

“Oh my Gosh! There he is.” Nakita ko siyang pumasok na ng bahay. Humarap agad ako sa salamin para tignan kung hindi pa lapse yung make-up ko. Alas otso niya kasi ako susunduin pero alas siyete pa lang ayos na ayos na ako. Ganyan ako ka-excited ngayong araw. Six monthsary na kasi namin ngayon. At bukod pa roon, kaarawan rin ng Daddy ko.

Napalingon ako sa pintuan ng kwarto ko ng bumukas ito, I know it’s Chris. Bigla na lang kasi yan papasok dito kahit hindi kumakatok. Lagi niya ko sinusurprise. Simula ng maging kami ni Chris, naging malapit narin sina Daddy at Mommy sa kaniya. Kapag wala ako sa bahay kay Chris nila ako hinahabilin. At pansin rin siguro ng mga magulang ko na masaya ako kapag kasama si Chris. Kaya dahil dun, naging parte na nga siya ng pamilya at malayang bumibisita sa bahay at walang sabi sabi dederetso yan sa kwarto ko. We know our limits naman. Pinangako ko kay Mommy na hindi namin gagawin yung iniisip niya.

“Here is for my Gorgeous Lady.” Nakangiting sabi ni Chris habang inilapag sa mesa sa tabi ng higaan ko ang isang box ng Ferrero na hugis puso at tatlong mapupulang rosas na tinanggalan na ng mga tinik.

Medyo napalunok ako ng lumapit siya sakin. He was truly an angel. He’s face close to perfection. Ang amo ng mukha niya at talaga naman nakakaakit. His mischievous eyes, seductive lips and pointed nose, I blushed so hard. Kaya bahagya kong nilapit ang mukha ko sa kaniya sabay halik sa labi niya. Tumugon naman siya.

Sa tuwing nakikita ko siya, parang yung unang araw parin na nakita at nakilala ko siya, na na-inlove agad ako. In short na-love at first sight talaga ako.

Nagkaroon kasi ng Welcome party ang Engineering Department para sa mga freshmen at transferees. Taon-taon yun ginaganap. Since isa ako sa mga officers kailangan nandoon ako para mag-accomodate.

Habang nakikinig ako sa speaker na nagsasalita sa stage. Nalingat ako sa isang lalaking halos palibutan ng mga kababaihan na nagpapakilala sa kaniya. . Napako na ang tingin ko sa lalaking iyon dahil narin sa angking kakisigan nito. At habang naglalakad siya papunta sa mga bakanteng upuan, dumaan siya sa harap ko. Hindi ko maipaliwanag pero parang may electrical shock waves na dumapo sa aking katawan. Hindi ako makagalaw. Napapikit ako ng maamoy ko ang pabango niyang nag-stop over sa ilong ko, ang tindig at porma niya’y talaga namang nakakatulo ng laway.

Perfect Match [Ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon