Chapter 2: Happy Monthsary Koish!

104 14 7
                                    

Ang sarap talaga ng feeling kapag sobrang inlove ka. Lagi akong inspired, makita ko lang siya  ibayong ngiti ang gumuguhit sa aking labi. Hindi nga lang siya makita, hahawakan ko lang yung stress ball na hugis puso na binigay niya sa akin. Kasi papagaanin daw nun yung loob ko. Kapag hawak ko daw yun para siyang lagi nasa tabi ko, para lagi ko maramdam na hindi ako nag-iisa at laging may nagmamahal sa akin. At dahil rin sa kaniya lagi ako maganda. Wait.. Speaking of maganda..

Ehem ehem.. Ako nga pala si Sophia Salvatiera, 18 years old. Isang morenang fashionista. I would always look attractive. Gusto ko kasi magmuka laging kaaya-aya lalo na sa paningin ng boyfriend ko. At kapag may gusto akong ma-accomplish na isang bagay, lagi kong pinalalakas ang loob ko para makamit ito. Positibo ako sa buhay. Kaya nga nakuha ko ang puso ni Chris.

“You’re so sweet, Koish. That’s why I love you.” Sabi ko sa kaniya sabay yakap. Then kinuha ko yung dinala niya for me “Let’s go na sa baba, naghanda si Mommy.” Tumango siya at inakbayan ako.

Kung saan naggaling yung endearment namin na Koish. Actually, Koishiteru yun, Japanese word meaning I LOVE YOU. Sinasabi lang yun for the person you want to spend the rest of your life with. At alam ko siya na nga yun. Sabi ng puso ko.

Habang pababa kami ni Koish ng hagdan..

“Koish, May sasabihin pala ako say--.” Napatigil si Chris ng may narinig kami na parang may mabigat sa bumagsak mula sa kwarto nila Mommy.

“Anakkk!! Ang Daddy moo! Anakk!.” Sigaw ni Mommy na takot na takot. Nabigla kami ni Chris kaya bigla kaming tumakbo sa kinaroroonan nila.

“Daddyyyyy!!.” Hiyaw ko na mistulang puputok ang lalamuna sa sobrang lakas ng makitang nakahandusay si Daddy sa sahig. Yakap yakap ni Mommy.

Binuhat agad ni Chris si Daddy. Medyo mabigat ito pero pinilit parin nya itong buhatin.  Hanggang sa makasakay kami sa sasakyan at nagtungo sa pinaka malapit na ospital. Inatake sa puso si Daddy. Sabi ni Mommy, huling nakausap daw ni Daddy yung business partner niya sa telepono bago ito atakihin. Nalulugi na daw kasi yung negosyo nila.

Naaawa ako kay Daddy. Hindi ko alam may problema na pala siya dinadala. Naiinis ako sa sarili ko kasi ako nagpapakasaya araw araw, tapos hindi ko manlang na-comfort si Daddy sa mga problema nito. Mistulang sinaksak ang puso ko sa pagsisisi dahil alam kong lahat ng pagsisikap ni Daddy ay para sa amin lalo na sa kinabukasan ko. Napahagulgol na lang ako sa bisig ni Mommy.

“Anak, magiging okay rin si Daddy. Tahan na.” Napapaluhang sabi ni Mommy.

Nang araw rin yun, hindi muna ako pumasok sa eskwelahan. Tutal last day narin namin ng araw na iyon. Sinabi ko na lang kay Chris sa siya na lang ang magsabi sa mga professor namin ng paglkiban ko. Babantayan ko si Daddy at sasamahan ko si Mommy sa pagbantay.

Perfect Match [Ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon