Chapter 3: The Boyfriend's Betrayal

79 14 9
                                    

Ang buhay talaga ay isang napakamatalinghagang biyahe, may destinasyon na dapat puntahan at dapat balikan. May mga terminal para sa sandaling paghinto para ibsan ang lungkot at damhin ang saya, o di kaya naman para makapag-isip sa mga problemang dinadala.

Umaga pa lang ay umalis na kami ni Rina sa lugar namin, ang balak ko kasi ay makarating kina Chris ng medyo gabi na. Ayaw ko kasi ng gabing gabi baka mapano kami, wala pa naman kaming kasamang lalaki.

“Ai, juskoday!” napasigaw ako ng biglang nag-preno ang sinasakyan naming jeepney. Muntikan na akong mauntog sa bintana. Naka-idlip kasi ako. Pati si Rina nagising narin. Pagkasilip ko nandito na pala kami sa terminal. At sabay-sabay nagtayuan ang mga pasahero at bumaba na. Huli na kaming tumayo at bumaba narin ng jeepney.

“Yehey! Nandito na tayo. Hmmm Saan na tayo pupunta nito.?” Nakangiting sambit ni Rina.

Inikot ikot ko ang paningin ko kung saan ba pwede munang kumain. Nagutom kasi ako sa byahe. Pansin ko rin ang mga tricycle driver na nag-aabang samin para salubungin kung sasakay ba kami sa kanila. Pero balak ko munang kumain.

“Tara, kain na muna tayo nagutom ako eh” sabi ko na humawak sa tiyan. Naglakad lakad muna kami hanggang may makita akong carinderia sa ‘di kalayuan.

“Wait up.. Look girl! Pinagtitinginan tayo. Please hold my bag.” Inabot sakin ni Rina yung bag niya “I have to touch up. At Ikaw rin you have to compose yourself ang gulo ng buhok mo.” Dugtong nito na tinuro yung buhok ko.

“Okay bilisan mo na d’yan.” Sambit ko na inaayos ko na rin ‘yung buhok ko.

Napakaganda pala talaga ng lugar na ito. Gumuguhit lang kasi sa isipan ko ito nung kinikwento pa lang sa akin ni Chris ang magagandang lugar dito iba pala talaga kapag nakita muna ng harapan.

Nang matapos ng mag-ayos si pumunta na kami sa Carinderiang nakita ko kanina. May mga nakahilerang iba’t-ibang putahe ng ulam.

“Good Evening Ma’am” sambit ng tinderang nasa loob na nagpapaypay ng mga langaw.

“Ate, isang order nga po nito?” turo ko sa isang putahe ng ulam ginataang alimango. Naalala ko sabi nga pala sakin ni Chris na mayaman sa lamang-dagat ang Baraangay na ito. Dito pinagdiriwang ang Alimango Festival tuwing buwan ng Hulyo. Sa Sta. Margarita.

“Dito ga kakainin?” tanong ng tindera.

“Ah opo.” Sagot ko sa tindera. “Ikaw Rina anong sa’yo?”

Perfect Match [Ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon