Chapter 4: Letting Go and Moving On

59 12 11
                                    

Tunay ngang isang laro ang pag-iig. May natatalo at may nanalo. Pero sa pagkakataong ito ako ang talo!

Hindi ko alintana ang lamig at lakas ng hangin na bumabalot sa aking katawan. Manhid na ako ng mga sandaling iyon dahil sa mga nangyari. Hindi mag sink-in sa utak ko na wala kami. Parang isang masamang bangungot na gusto kong makawala  pero hindi ako magising.

Hindi naman ako nagkulang ginawa ko naman ang lahat. Pinasaya ko naman siya at ginawa ang responsibilidad ko bilang isang girlfriend. Pero bakit niya ito nagawa sakin. Bakit niya ko nagawang lokohin. Napakasama niya. Hinding hindi ko siya mapapatawad sa mga ginawa niya.

Bes, tahan na. Basang basa ka na oh.” Hinaplos haplos parin ni Rina ang likod ko. “Ate, pede po bang makibihis sandali wala po kasi kami matuluyan, aalis rin po kami agad.”  Sambit ni Rina sa tindera.

“Oo sige dine, pasok muna kayo dito sa loob at umaangge diyan.” Paanyaya samin ng tindera.

“Salamat po ate. Sophia tara na. Pumasok muna tayo sa loob magpatila muna tayo. Magpalit narin tayo ng damit.’

“Sandali lang.” Pagpigil ko kay Rina. Hinawakan ko ang kamay niya. “Babalikan ko lang si Chris. Gusto ko marinig ang mga rason niya. Ang dahilan bakit niya ito nagawa.” Pagmamakaawa ko.

“At ano? masasaktan ka nanaman. Paulit ulit ka lang masasaktan sa mga rason na sasabihin pa niya sayo. Niloko ka niya bes. Ayun ‘yun.”

“Paan— ”

“Huwag ka nang magpumilit pa. Dahil kahit ano pang dahilan meron siya valid man o hindi, ikaw man ang mahal niya o ‘yung babae wala ka nang magagawa but to let him go. Masakit Oo! Pero hindi natin maaalis ang katotohanang nabuntis niya ‘yung babae. Sophia.. nakita mo naman diba? b-u-n-t-i-s ‘yung babae. Nabuntis s’ya ni Chris. Ibig sabihin walang kwentang lalaki ‘yun. Hayaan na lang nating sila.”

Tumayo ako at humarap kay Rina.

“Madali lang sayo para sabihin yan kasi hindi ikaw ang nasaktan. Hindi ikaw ang niloko at hindi ikaw ang iniwan.” Patuloy parin ako sa pag iyak.

“So magmamakaawa ka dun? Sige pumunta ka dun at magpaka-baba ka! Nanghihinayang ka lang kasi sa maling tao mo inilaan halos lahat ng oras at panahon mo. Kung nasaktan ka man sa ginawa n’ya hindi ibig sabihin nun na hindi ka na pwede maging masaya. Maaatim ba ng kosensya mo na lumaki ‘yung bata ng walang ama? Ikaw na ang magparaya. Let him go. Move on and accept the fact that this game is over!”

“Anim na buwan rin ang pinagsamahan namin Rina. Hindi ganun kadali kalimutan ang lahat.”

Perfect Match [Ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon