Chapter 10

4.2K 99 0
                                    

Precious Heart Romances

BAKIT kaya hindi nakapasok si Sir Luis? Nag---aalalang tanong niya sa isip.

Hindi aiya makapag---concentrate sa kanyang ginagawa dahil naiisip niya ang sakit nito. Anumang oras at talagang nag---aalala na siya rito. She treated him as a father already.

Bakit, dahil ba sa ama siya ni Ace Ventura? Nanunudyongtanong niya sa isip.

After a minute ay may kumatok sa pinto. Agad siyang naghagilap ng magagawa para hindi isipin ng papasok na wala siyang ginagawa kundi tumunganga.

"Tuloy."

Bukas ang pinto at pumasok si Jenny.

"Hindi ba papasok si Sir Luis?" tanong nito.

"Siguro---" tumingin siya sa wall clock.

"Magte---ten o'clock na."

"Patay!" dismayadong bulalas nito. "May kailangan kasi siyang pirmahang report."

"Baka puwedeng bukas na lang."

"Saturday bukas---" ipinahalata nitong naiinis na ito.

Ibig naman niyang batukan ang kanyang sarili. Nito kasing nakalipas na mga araw ay lagi siyang makakalimutin. Paano, walang ibang laman ang kanyang isip kundi si Ace Ventura.

"May Lunes pa naman, eh,"

"Kailangan nang ibigay ito kay Sir mamayang alas---tres."

"Tungkol ba saan ang report na iyan?"

"Monthly income ng kompanya sa pagbebenta ng cellphone."

"Ba't naman kasi ngayon mo lang ginawa iyan?" naiinis na tanong niya.

Sampung araw bago magkatapusan ay ipinapasa na ng accounting department sa kanila ang naging sales nila. Kaya ngayon ay ipinapasa niya kay Sir Luis.

"Marami kasi akong ginagawa." mataray na sabi nito, sabay irap.

"Gaya ng pag---usapan ang buhay ng iba?" palabang sabi niya sa kalmanteng tinig. Batid niyang kaya nitong magawa nang mas maaga ang naturang report kung hindi lang mas mahaba ang oras nito sa pakikipag--- tsismisan kaysa pagtatrabaho.

Tinignan siya nito nang matalim. "Ang yabang mong magsalita, akala mo, eh, ikaw boss."

"Wala akong panahong makipagtalo. Ang problema mo ay kung paano.mo mapapapirmahan'yan kay Sir Luis."

"Bakit ako? Ako ba ang Secretary niya?" mataray na sabi nito, sabay baba ng folder sa ibabaw ng kanyang mesa. "Ikaw ang gumawa ng paraan para mapirmahan'yan ni Sir Luis."

Tumaas baba ang kanyang dibdib habang nakatitig sa pintong nilabasan nito. Pakiramdam niya ay naisahan siya nito. Gayunpaman, tama ang sinabi nitong responsibilidan niyang papirmahan kay Sir Luis ang report na iyon sapagkat siya ang sekretarya nito.

Kaya wala siyang choice kundi puntahan ito sa bahay.

HINDI NAMAN naging mahirap para sa kanya na puntahan ang bahay nina Sir Luis sa isang subdivision sa Parañaque. Mayroon kasi siyang kaibigan noong college na tagaroon; madalas niyang puntahan ang kaibigan noon kaya kabisado niya ang lugar.

Nasa gate palang siya ay naimpress na siya sa laki ng bahay. Mula sa kanyamg kinatatayuan hanggang sa bahay ay nahihinuha niyang may isandaang metro ang haba. At ang paligid ng bahay ay puno ng ibat ibang uri ng halaman at bulaklak. Animo paraiso ito sa kanyang paningin.

"Ano ho iyon?" muntik na siyang mapatalon pagkarinig sa matinis na boses ng nakaunipormadong maid, na nakatanghod sa kanyang harapan. Hindi niya napansin ang paglapit nito dahil busy siya sa pag---inspeksiyon sa paligid ng bahay.

Kasalanan Ko Ba Ang Ibigin KaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon