Chapter 4

4.5K 116 0
                                    

Precious Heart Romances

MAGDADALAWANG linggo na siyang nagtatrabaho sa Ventura Communication Company pero hindi na niya nasilayan uli si Ace Ventura.

Nasaan kaya iyon? Tanong ng isip niya.

Bakit mo hinahanap---hanap ang lalaking iyon? Naiinis namang tanong niya sa sarili.

Hindi pa ba sapat ang sinabi nito sa kanya para mawaglit ito sa kanyang isip?

"Hindi ako Nanliligaw sa mas matanda pa sa akin." para siyang plakang paulit---ulit na narinig niya iyon sa kanyang isipan.

Lunod siya sa pag---iisip ng tumunog ang intercom sa tabi niya.

"Yes,, Sir?"

"Pakidalhan mo nga ako ng isang basong tubig," ani Sir Luis.

Kinabahan siya sa tono nitong humihingal at hirap na hirap sa pagsasalita.

"Right away, Sir."

Dala na niya ang hinihingi nitong tubig nang pumasok siya sa opisina nito. Napigil niya ang kanyang paghinga ng makita niya ang ayos nitong--- nakadukdok sa table nito.

"Sir---!"

Kinabahan siya nang lumapit siya rito. Bahagya itong nag---angat ng ulo para matignan siya. Nakita nito ang kailangan kaya tuluyan na itong dumeretso ng upo.

Nakahinga naman siya ng maluwag nang makita niyang wala naman palang masamang nangyari dito. Pero bumalik ang kaba niya ng makitang kumuha ito ng tatlong paracetamolsa drawer nito at ininom ang mga iyon nang sabay---sabay.

"Ano ho ba'ng masakit sa inyo?"

"Ulo ko---"

"G--gusto ho ninyo, hilutin ko?"

"Marunong ka?"

"Ako ho ang naghihilot sa parent ko kapag may masakit sa kanila, Sir."

bahagyang nagliwanag ang mukha nito. "Paki nga, Iha."

Lumigid siya sa ulihan nito. Hinilut--- hilot ang sentido nito.

"Umuwi na lang ho kaya kayo para makapag---pahinga kayo."

"Lalo lang sasakit ang ulo ko kapag wala akong ginagawa. . Ah. . Ang sarap. Para tuloy himalang nawala ang sakit ng ulo ko."

"Okay na ho ang pakiramdam n'yo?"

Tumango ito. "Salamat."

Matagal silang nawalan ng kibo. Gayunpaman, pinagpatuloy niya ang kanyang ginagawa.

"Alam mo ba'ng greatest dream ko?" anitong tila gustong makipag--- kwentuhan.

Hindi agad siya nakapagsalita dahil nagulat siya nang biglang magsalit ito. Kanina kasi ay nakapikit ito, kaya inakala niyang nakatulog na ito.

"Ano ho?" tanong niya nang makabawi na mula sa pagkabigla.

"Ang magkaroon ng anak na babae. But unfortunately. Hindi nangyari iyon. Namatay kasi si Ventura nang ipinanganak si Ace."

"At least mayroon ho kayong binata."

"Gusto ko na ngang mag---asawa si Ace para magkaroon na ako ng Apo."

"Wala ho bang Girlfriend ang anak ninyo?"

"Kung Girlfriend, Marami kaso, isa man sa mga iyon, hindi sineseryoso ng anak ko. Ikaw, May Boyfriend ka na ba uli?"

"Nadala na ho ako," mapait na sabi niya.

"Ang dali mo namang sumuko."

"Nasaktan na ho ako, Eh,"

"Aba, huwag mong isara ang puso mo! Malay mo, bukas--- makalawa, may prinsipeng darating."

"Sino naman hong prinsipe ang magkakagusto sa tulad ko?"

"Di ka naman pangit, ah."

"Sabi nga ho ni Sir Ace, Mukha raw ho akong mas matanda sa kanya."

Natawa ito. Napahinto tuloy siya sa kanyang ginagawa. Pakiramdam niya ay pinagtatawanan siya nito. Tuloy, hindi niya mapigilan ang mapahikbi. Inikot nito ang swivel chair na inuupuan.

"I---i didn't mean to offend you, hija. Isa pa, hindi ikaw ang dahilan kaya ako natawa."

Pinahid niya ang mga luhang naglandas sa kanyang pisnge. Talagang naging sensitive na siya mula nang magpalit siya ng image. "Dapat ho talagang masanay na akong pinagtatawanan." aniyang mabigat na mabigat ang dibdib.

"Hindi ikaw ang pinagtatawanan ko, hija, okay?"

Bagama't hindi aiya naniniwala aa sinabi nito, hindi niya nakuhang kumibo.

"Sigurado kasi akong kaya nasabi sa'yo iyon ni Ace, eh, dahil sa sobrang pagkapikon niya sa akin. Alam mo ba kung bakit?"

Marahan siyang umiling.

"Dahil kumuha ako ng secretary na hindi pumasa sa standards niya, excuse me for the world.'Tapos, tinarayan mo siya noong tumawag siya at binagsakan pa ng telepono. He became interested in you dahil sa ginawa mo. Ikaw ang kauna--- unahang nagpakita ng ganoon sa kanya. Pero nang makita ka niya, para siyang sinaksak ng kung ilang milyong beses dahil ang mukhang matandang iyan ang tanging nagpakita sa kanya ng kagaspangan'Di pa niya nararanasan sa tanang buhay niya."

Napangiti siya sa kanyang narinig. Hindi niya akalaing kahit ganoon ang image niya ay nagawa pa rin niyang manupalpal ng lalaki.

"Tama na ang iyak." masuyong pinahid nito ang mga luha niya.

"Ehem---ehem---" malakas na sabi ng tinig buhat sa pintuan.

Parang tinakasan ng kulay ang kanyang mukha nang makita niya si Ace doon. Masama ang tingin nito sa kanya na parang nakagawa siya ng napakalaking kasalanan.

"E---EXCUSE me, Sir. Babalik na ho ako sa trabaho ko," nakuha niyang sabihin para makaiwas sa nagbabagamg tingin sa kanya ng binata.

Tumango ang ama nito. "Sige, Hija."

Sa sulok ng kanyang mga mata ay nakita niyang nakasunod ng tingin ang binata sa kanya. Kaya naman nilakihan niya ang hakbang para makatakas agad siya sa lugar na iyon. Nang malapit na siya sa pinto ay biglang nagsalita ang binata.

"Please close the door," anitong mas lamang ang utos kaysa sa pakiusap.

She did.

Nang makalabas na siya ay nakahinga siya nang maluwag. Parang may isang dosenang pako na nabunot sa kanyang dibdib kaya malaya siyang nakahinga nang maluwag.

She kept herself busy para naman hindi maka--- pagtanong ang kanyang isip kung bakit masama ang tingin sa kanya ni Ace Ventura. Kung susuriin kasi ay parang gusto nitong ihagis siya palabas ng pinto---pero bakit kaya?

Ano ang ginawa niya?

Don't tell me na iyon pa ring ginawa kong pagbaba sa kanya ng telepono ang dahilan? Pero matagal na iyon.

Napatuwid siya nang upo nang mag--- click ang doorknob sa opisina ni Sir Luis, pagkatapos ay muling sumara ang pinto. Napalunok siya nang humakbang palapit sa kanyang desk ang isang pares ng mga paa.

Tulad kanina ay ramdam niyang nagbabaga ang tingin ng binata sa kanya. Lalo niyang niyuko ang ulo sabhawak na profile bagama't batid niyanh lumilipad dito ang kanyang isipan. Gusto pa rin niyang isipin nito na subsob siya sa trabaho.

Nanginig ang kanyang mga kamay sa lagkakahawak na folder. Dinaig pa niya ang pasmado sa sobrang tension na nararamdaman niya.

Will you calm down? Nabubusit na sita niya sa sarili.

"Ano'ng ibig sabihin ng nakita ko kanina?"

Mahina subalit mapanganib na tanong nito.

      ***Thank you***

Please Vote and follow me.

Kasalanan Ko Ba Ang Ibigin KaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon