Chapter 6

4.2K 97 0
                                    

Precious Heart Romances

BAD TRIP na bad trip siya kaya naisipan niyang tawagan si Niña upang mahingahan ng sama ng loob.

"He's bastard, an idiot. Ang kapal ng mukha niya para sabihin sa aking---"

"Hey, hey, hey!" awat nito sa pambungad na bati niya. Nang marinig niya kasing nag--- "Hello!" na ito ay hindi na niya napigilang ilabas ang kanyang galit. "Sino ba ang kaaway mo?"

"Si Ace Ventura, sino pa?" nanggigil na sabi niya. "I really hate that guy."

"Cool ka lang, Friend. Be calm. Baka atakihin ka kahit wala kang sakit sa puso." pagpapatawa nito.

But the joke was useless. Ni hindi niya nakuhang ngumiti man lang. Napakasensitibomg bagay ang ibinibintang sa kanya ng Ace Ventura na iyon para mag---entertain siya ng biro.

"Cool? Calm? At this moment, hindi ko alam ang salitang iyan. And you're right, kahit wala kaming history ng heart attack, baka bigla na lang akong magkaroon dahil sa impaktong boss mo."

"Si Sir Luis?" gulat na tanong nito.

"Hindi,'yong anak niya. Pero sabit din siya."

"Ano ba'ng problema?" tanong nito.

"Pinagbibintangan lang naman ako ng  Ace Ventura na iyan na babae ako ng ama niya." galit na sabi niya. Talagang kumukulo ang kanyang dugo kapag naiisip niyang inaakusahan siya nito.

"What?" gulat na sabi nito.

Nailayo niya tuloy ang handset sa kanyang tenga dahil sa pagsigaw nito. Pakiramdam tuloy niya natalsikan ang kanyang tutuli sa sobrang lakas ng pagsigaw nito.

"at bakit ka naman inakusahan ng gano'n?" nanggigigil na ring sabi nito.

At ikinuwento niya rito ang mga detalye.

"Alam mo bang, para siyang inahing putak ng putak."

"Baka gay?"

"I doubt it."

"at paano ka nakakasiguro?" Nasa tinig na nito ngayon ang panunudyo.

She froze. Bigla kasi ay parang nag--- flashback sa kanyang isip ang namagitang halik sa kanila ng binata. Mabuti na lang at sa telepono lang niya kausap ang kanyang kaibigan kaha hindi nito nakikita ang pamumula ng kanyang mukha. Ramdam kasi niyang dumaloy ang init ng pagkapahiya sa kanyang katawan kaya nasisiguro niyang nag--- iba ang kanyang kulay.

"O, ba't natahimik ka riyan?"

"M---May naisip lang ako."

"Si Ace Ventura?" nanunudyo na namang tanong nito.

She wanted to say "Yes." pero nasisiguro niyang kapag ginawa niya iyon ay pauulan siya nito ng tukso. Number one alaskadora pa naman ito.

"Ba't ko naman iisipin'yon?" kunwari ay galit na sabi niya--- kahit ang totoo ay kinakabahan siya. Posible kayang mabasa nito kahit sa kanyang tinig na wala siyang ibang nasa isip kundi ang guwapong mukha ni Ace Ventura?

"Dahil marami na siyang atraso sa'yo."

Tumango siya kahit hindi naman nito nakikita ang ginawa niya."Hindi lang marami, sangkaterba na."

"Baka naman kaya iniisip ni Sir Ace na babae ka ni Sir Luis ay dahil pinagbabaan mo siya ng telepono."

"Ang tagal na n'on, ha!"

"Pero hindi si Sir Ace ang tipo ng taong madaling makalimot. Baka naisip niyang kaya malakas loob mong gawin ang ginawa mo sa kanya ay dahil may backer ka."

Puwede, aniya sa isip.

"at lalo pang nadagdagan iyon nang makita kayo ni Sir Ace sa opisina ng papa niya."

"Ang dumi naman kasi ng utak ng Ace Ventura na iyon, eh."

"Sino ba naman kasing anak ang hindi mag---iisip ng masana kapag nakita niyang nawawalan ng pera sa bank book ang ama?"

"Di itanong niya sa tatay niya kung saan nito dinadala ang pera."

"At sa tingin mo, kayang gawin iyon ni Sir Ace sa kanyang ama? Hindi. Dahil personal property ni Sir Luis ang bank book niya. Pera niya iyon kaya wala siyang karapatang usisain ang kanyang ama tungkol doon."

"Ah, kaya magbibintang na lang siya ng iba. And of all people, ako pa ang pagbibintangan niya!"

"Ano'ng plano mong gawin ngayon?"

"Baka mag---resign na lang ako."

"Gaga, Huwag!"

"Bakit?"

"Di para mo na ring inamin kay Sir Ace na tama siya."

Napabuntong---hininga siya. "Inamin ko na nga."

"Ano?" gulat na sabi nito.

"Para matahimik na siya." pabale--- walang sabi niya. May ideyang biglang pumasok sa kanyang isip kaya bigla siyang napalitik. Tama!

"Lalo kang guguluhin n'on."

"Hay, naku, kahit naman aminin ko o hindi, masama pa rin ang tingin n'on sa akin. Kaya mas mabuti sigurong bigyan ko na lang siya ng leksyon."

"Ano'ng Leksyon?"

"Mental Torture." nakangising sabi niya.

"Siguradong lalong magwawala iyon sa galit."

Ngayon pa lang ay nai---imagine na niya kung ano ang gagawin nito kapag nakita silang magkadikit ng ama nito.

SA TAKOT na gawin ng binata ang sinabi nitong paghahatid---sundo sa kanya ay gumising siya nang maaga para maiwasan ito.

Noong una ay naisip niyang mag---taxi na lang papunta sa opisina katulad ng ginagawa niya mula nang pumasok siya roon, subalit nagbago ang kanyang isip nang maalala niya uli ang binata. Kaya kahit isinumpa na niyang huwag alalahanin pa ang mga bagay na may kaugnayan sa Concepcion Publishing, kinuha niya ang susi ng kanyang BMW.

Noong huling buwan niya sa kanilang kompanya ay nabili niya ang kotseng iyon. Crazy, pero ang dahilan niya kaya ayaw niyang gamitin ang naturang kotse ay dahil naaalala niya si Justine. Lagi kasi niyang inihahatid at sinusundo ito noon dahil kinakailangan nitong ibenta ang lumang Toyota nito dahil sa dami ng pinagkakautangan nito. Bigla kasi ay nagumon ito sa sugal kaya parang tinangay na lang ng hangin ang pera nitong kay tagal nitong pinag--- ipunan.

Now she was very sure na kaya siya gustong pakasalan nito agad ay para maisalba niya ito mula sa mga pinagkakautangan nito. Kapag nga naman naging presidente na ito ng kompanya ay mababa---yaran na nito ang lahat ng pinagkakautangan at puwede pang magsugal uli.

Alas--- sais medya palang ay nasa opisina na siya. Akala niya ay siya na ang pinaka maagang pumasok nang araw na iyon but she was wrong.

Bukas na kasi ang ilaw sa kanilang department, tandang may nauna nang pumasok. Pero wala siyang nakitang tao pagpasok niya.

Kinabahan siya. Gayunpaman, nilakasan niya ang kanyang loob pagpunta niya sa kanyang opisina.

Pero lalo siyang kinabahan. Nagtayuan pa nga ang kanyang balahibo; paano'y may narinig siyang umuungol.

Gusto na sana niyang tumakbo palabas nang maisip niyang may kaluluwang nagpaparamdam sa kanya. Subalit naestatwa siya sa kanyang kinauupuan. Paano ay papalakas nang papalakas ang pag--- ungol na parang hirap na hirap.

Nawala ang takot niya sa dibdib nang mapansin niyang nakabukas ang opisina ng kanilang Sir Luis. At doon nanggagaling ang pag---ungol. Napalitan ng kaba ang kanyang takot nang maisip niya ang kanilang boss.

Dali---dali niyang tinungo ang opisina nito. Upang lalo siyang mabiglasa kanyang nakita.

Si Sir Luis, nakahandusay sa gitna ng opisina nito.

"Sir---!"  Hiyaw niya.

     ***Thank you***
Please Follow and Vote me.

Kasalanan Ko Ba Ang Ibigin KaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon