Chapter 16

5.1K 93 0
                                    

Precious Heart Romances

SHE DECIDED to go back to her old self---meaning from head to toe, taung ---tao na siyang tingnan. Puno ng kompiyansa ang bawat paghakbang niya. At higit sa lahat, bumalik na siya sa Concepcion Publishing para ipagpatuloy ang trabahong iniwan niya roon.

Ayos na ang mga manggagawang nag--  strike. Pagdating na pagdating niya sa opisina ay nagpatawag siya ng meeting para sa isang open forum.

Laking panggigilalas niya nang malaman niya buhat sa mga manggagawa na kaya nagwelga ang mga ito ay dahil ipinagkalat ni Mr. Jimenia, ang kanilang general manager na kaya siya umalis ay dahil nalulugi na ang kompanya at marami pang tauhan ang matatanggal.

Gusto niyang maawa sa matanda pero dahil sa maling balitang ipinagkalat nito ay katakut---takot ang perang nawala sa kompanya. Thus, she had no choice but to terminate his services. Doon lumabas ang kinikimkim nitong galit sa kanya na nag---ugat noong hiwalayan niya ang pamangkin nito. Ayaw nitong tumigil sa pagwawala. Mabuti na lang at kinaladkad itong palabas ng kanilang guwardiya.

"Marg. . " napangiti siya nang makilala niya ang tumawag. "Justine."

"Hindi ka na galit?" alanganing tanong nito.

Hindi siya agad kumibo. Pinakiramdaman niya ang kanyang sarili. Hinanap niya ang kasagutan sa kanyang dibdib. Wala na siyang makapang galit.

"I have forgotten those bad memories."

"And me, too." malungkot na sabi nito.

"Marg. . "

"What?"

"I still love you."

Umiling siya. "Don't say it when you don't mean it."

"But it's true."

"Well, sorry, i don't love you."

Ngumiti ito nang mapait. "I guess you've found the right man.

Ace. Sambit ng puso niya.

AFTER office hours ay nagpaalam siya sa kanyang papa na pupunta muna siya kina Niña upang dalawin ang kanyang inaanak.

"Ang cute---cute naman nitong inaanak ko." nanggigigil na sabi niya habang nilalaru---laro ang isang buwang gulang na sanggol. Animo anghel itong naglalaro sa kuna kaya bagay na bagay rito ang pangalang "Angelo."

"Inggit ka, ano?" tudyo ni Niña.

Hindi niya pinansin ito. "Sino'ng mag---aakalang premature baby ka, eh, ang lusug---lusog mo?"

"Puwera usog, Ninang."

"Ang sarap sigurong magka--baby, ano?" aniyang patuloy pa rin sa pakikipaglaro sa sanggol. Tumigil lang siya nang humikab ito.

"Inaantok na siya."

"Dede muna bago sleep." anitong isinupalpal ang feeding bottle sa bunganga ng anak nito.

Pagkatapos ay sinulyapan siya nito. "Kaya if i were you. Magpapakasal na ako nang magkaroon na rin ako ng baby."

"Wala nga ako'ng boyfriend, paano ako magpapakasal?"

"si Sir Ace," nanunudyong sabi nito.

Tumaas ang kilay niya. "Puwede ba?" kunwa ay nandidiring sabi niya--- gayong ang totoo ay parang  may paruparong naglalaro sa kanyang sikmura pagkarinig sa pangalan ng tanging lalaking nilalaman ng kanyang puso at isipan.

"Alam mo, lagi ka niyang hinahanap sa akin."

"Ank'ng sabi mo?" kinakabahang tanong niya.

"Sabi ko, hindi ko alam."

Kasalanan Ko Ba Ang Ibigin KaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon