Chapter 3

27.3K 599 14
                                    

Jhesel's POV



*tingggggg!!!* (alarm clock)



Good Morning! New Day, New Life!!!



Maaga akong nagising para pumasok ng biglang nagring ang phone ko.



Bessie Calling~



"Hello bessie?" Sabi ko



[Bessie huhuhu si dominic nakikipagbalikan saakin anong gagawin ko papayag ba ako?] Nanginginig na sabi ni bessie sa phone, aba bat niya pa gustong makipagbalikan doon sa lalaking iyon niloko na babalikan pa tch.



"No wag bessie pag ginawa mo yan, matutulad ka saakin!" Inis na sabi ko at nag sigh na lang siya sa phone.



[Oo bessie alam ko na yan sinabi mo na rin saakin yan'lahat ng lalaki pare pareho dapat di ka magtiwala sa tulad niyan'] sabi ni bessie at ginaya pa boses ko! Psh.



"Oh siya kita na lang tayo sa school" sabi ko at nagbabye na siya.



*tooooot*



Totoo naman lahat ng lalaki pare pareho lang yan may iba pagnakuha na ang gusto iniiwan na lang iba naman niloloko, pinagpupustahan hayst.



----------------------------------------



Andito ako ngayon sa hallway ng school nakaupo sa gilid inaantay si bessie nasaan na kaya iyon.



'Aba ang nerdy binalandra pa ang pagmumukha dito sa hallway' sabi ng babae sa gilid



'Oo nga feeling maganda bagay siya sa library o kaya sa room' sabi ng babaeng isa kaya napatingin ako sa kanila.



"Oh anong tinitingin tingin mo dyan?" Mataray na sabi ng babae na feeling maganda daw ako ehh natural na beauty ko tsk di lang nakikita.



"Wala!" Inis na sabi ko at naglakad papuntang garden.



Habang naglalakad ako nakita ko si bessie at si dominic.



nakaluhod si dom habang nakahawak ang kamay niya kay bessie at si bessie naman nakatayo lang at tinitignan lang si dominic.



Nakakapanginit ng ulo tong lalaking to ah!



Naglakad ako palapit sa kanila at kinuha ang flowers sa gilid at hinampas si dominic sa mukha.



"Walang hiya ka! Wag mo nang babalikan si bessie! Niloko mo lang siya!" Hampas na sabi ko.



Nagulat sila sa ginawa ko at inaawat ako ni bessie pero di ako nagpatinag hinapas hampas ko si dominic.



"Teka lang nerdy wag mo ko hampasin" sabi ni dominic habang sinasangi ng kamay niya ang mga hampas ko.



"Mahal ko siya at ganun rin siya pwede bang hayaan mo na kami" sabi ni dominic kaya nagpantig ang tenga ko.



Mahal? Pero niloko tangna na buhay yan!



Niloko na pero mahal pa rin? Edi wow!



Pagplayboy ka, forever ka nang playboy!



"Mahal pero niloko walanghiya ka! Wag ka nang humingi ng chance di ka naman deserving playboy!" Sabi ko at hinagis ko sa mukha niya ung tangkay ng roses na binili niya at hinila si bessie papasok sa empty room.

Mr. Casanova Meets Ms. NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon