Natasha Jhesel's POV
ako nga pala si Natasha Jhesel Sandoval, ang campus nerd ng school namin na Sandoval Academy.
Oo ang sandoval academy ay pag-aari namin.
*Tiiinnnggg!* (alarm clock)
ayoko pang bumangon pero kailangan first day of school ngayon hayst!
gagawin ko na nga lang ang morning ritual ko.
Hmmmm lalalala~
After kong maligo, bumaba ako at nakita ko si mom, dad at si kuya kumakain na at ang pinaguusapan na naman nila ang tungkol sa company.
Hayst. Company na lang palagi minsan ung mga ibang mga hotels, resto, resort namin ang pinagusapan nila, pwede bang magpahinga muna sila at magparty party?
May time nga ba sila mom, kuya at dad para doon? wala nga kaming family bonding eh hay miss ko na ung dati.
Ung dati na nagfamily bonding kami sa resort namin or nagout of country, hay miss that day na sama sama kami namamasyal.
Naglakad na ako papaunta sa kinaroroonan nila at binati sila. "Good Morning Mom , Dad at Kuya" sabi ko sabay halik sa pisngi nina mom at dad
"Good Morning iha" sabi ni mom and dad, kaya tumungo ako.
umupo na ako sa tabi ni mom at kumain ng hotdog, bread, egg at Hot Chocolate... habang kumakain ako biglang nagsalita si kuya.
"Baby Girl ayaw mo bang magiba ng Fashion sense ang ganda ganda mo nagpapaka nerd ka" sabi ni kuya habang kumakain ng Breakfast.
Eto na naman tayo ano bang masama sa suot ko?
Maganda naman ito dahil sobrang luwag at higit sa lahat hindi kapansin pasin ang kagandahan ko.
"Kuya ayokong magiba ng Outfit maganda naman damit ko ah?" sabi ko tapos nagsip ng hot chocolate, umiling iling si kuya.
"Oo nga iha magpalit ka ng damit mo wag ka magpakanerd anak di kaba pinagtatawanan sa school, di ka ba binubully?" sabi ni mom habang kumakain ng Breakfast
Pati etong si mom hayst! Sige pagkaisahan niyo ko magpalit ng damit di niyo ko mapipilit.
Ayoko maging maganda dahil natrauma na ako sa mga magaganda.
Sinusumpa ko ung EX ko na ginago lang ako at higit sa lahat pinaasa!
Mahal ko na siya pero anong nangyari!
'Nathasha Jhesel Sandoval ilang years na yun grow up women tagal na move on!' Sabi ng isip ko
Yeah move on...
Paano nga ba magmove on?
Hindi madaling magmove on ang hirap!
"Mom wala akong pakialam kung Pagtawanan nila ako masaya ako sa Outfit ko ngayon kaya mom please lang po" sabi ko sabay tayo
Nakakainis si mom hay!
"Mom, dad at kuya una na ako malalate na ako" sabi ko at aakmang maglalakad papuntang pinto ng biglang nagsalita si kuya.
"Baby Girl Sabay ka na saakin pupunta rin ako ng school natin" sabi ni kuya kaya tumungo na lang ako
andito kami ngayon sa sasakyan malapit na sa school ng nagstop light ang ilaw.
Nakita ko si kuya na aborido at parang may kakaiba talaga sa kanya.
"Ayos ka lang ba kuya?" Tanong ko kaya napatining siya saakin.