Chapter 2: Sapa

6 0 0
                                    


Errors ahead

Enjoy

------

Suma

"Lolo..Talaga bang sa Friday pa dadating sina Kyla at Kylie?" tanung ko ulit Kay lolo habang nakatulala sa kawalan,nasa sopa kami ngayon ni Lolo kagigising kolang kaya medyo wala pa ako sa wisyo. Nakahiga ako sa mahabang sopa, si Lolo naman ay nasa pang isahang sopa nakaupo habang nagbabasa ng dyaryo.

"Oo apo,sa Friday pa." sagot nya naman sabay buklat ng dyaryong hawak nya. Tumango nalang ako at nakatulalang tumingin nanaman sa kisame.

Ano kayang gagawin ko ngayon?
Ah oongapala yung treehouse! Bisitahin ko kaya yun? Good!good!

"Lolo pwede ba mamasyal sa treehouse?" tanung ko ng hindi lumilingon,bet ko ata ang kisame tignan ngayon,naiinlove naata ako sa kisame I can't take my eyes of it kasi char lang..

Kita sa pheriperal vision ko na natigilan si Lolo sabay baba ng dyaryong hawak nya at napatingin sakin.

"Hindi,wag na kayong pumunta roon sabihan mo yung kambal pag karating nila." Sabi niya na ikinataka ko, napalingon na talaga ako sa direksyon ni Lolo pagkarinig sa sinabi nya.

"Po? Bakit naman??" tanung ko sakanya sabay upo ng maayos. Binalik nya rin Ang tingin ulit sa binabasang dyaryo pagtanong ko sakanya.

"Kasi madamo na roon baka mamaya may mga ahas kayong makasalubong matuklaw pa kayo mahirap na." paliwanag nya na ikinangiwi ko,ayoko pa naman sa ahas nakakatakot nga yun.

Tumango tango nalang ako at humiga ulit sa sopa nagiisip ulit Kung san ako mamasyal ngayon.
Diko pa bet pumunta sa farm nila Lolo katamad maglakad patungo dun mainit pa naman.

Aish mamaya Kona ng----hala sa Sapa! Ahy bet ko dun ngayon refreshing Kasi Ang hangin dun nakakarelax.Umupo ako ng maayos at tumingin Kay lolo,naramdaman nya sigurong nakatingin ako kaya lumingon sya sakin.

Tumaas yung kilay nya nagtatanung ang mukha.

"Sa Sapa po Lolo pwede poba dun?" tanung ko.

Ilang Segundo ko din sya hinintay bago sya nagsalita,mukhang inaalala nya ata kung saang sapa tatlo kasi Sapa dito pero yung malapit sa gubat yung lagi naming tambayan noon Kung hindi kami tumatambay sa treehouse.

"Pwede narin dun,basta lang wag kang maligo  o pumasok sa gubat." Sabi nya na ikinangiti ko ng malawak.

"Sige po lo!paggamit po ng bike lo" masaya kong sabi na ikinatango nya, pagkatapos dun sa usapan namin ni Lolo sakto namang tapos ng magluto si Lola ng pang umagahan kaya agad na kaming pumunta sa dining room at kumain. 

Pagkatapos kumain agad naakong nagpaalam kay mommy na agad namang umoo at sinabihan Lang ako na mag ingat.

Dumiretso naman agad ako sa kwarto para kunin yung isa Kong milktea at nangupit lang ng tatlong pandesal sa kusina bago sumakay sa bike na nakaparada sa parking area ng bahay.

Nilagay ko sa basket nanasa harapan ang dala Kong pagkain bago umalis ng tuluyan.

Whoooo ang sarap talaga ng  lugar nato medyo nalilito ako sa daan pero buti nalang nakarating din.

Huminto naako sa tabi ng punong mangga at pinarada ang bike dun tsaka kinuha Ang pagkain bago naupo sa damuhan.

Woah gumanda ata lalo ang sapa,may tumubo kasing mga bulaklak sa gilid at ang linaw2 ng tubig uwuuu gusto ko tuloy maligo amp.

Tumayo ako at lumapit agad sa sapa bago nilublob ang paa,kahit ganito nalang muna payts na ako.

"Wahhhh Ang lamigggg,para akong nasa spa!" sabi ko at kumain sa dala kong pagkain---napalingon ako sa likuran ng makarinig ng kaluskos.

Taming The WolfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon