Chapter 9: Sudden occasion

9 0 2
                                    

Dedicated by atewan thanks for
Your support 💝

ERRORS AHEAD

Suma

"I'm coming.." isang nakakatakot at parang pabulong na wika ng isang babae ang narinig ko, tumatakbo ako ngayon ng walang dahilan.

Parang may humahabol sakin pero hindi ko makita. Pawisan naako at hinihingal. Pagod na pagod pero ayokong huminto kasi feeling ko may nakaabang na masamang mangyayare sakin.

Napatingin ako sa dinadaanan ko at napasinghap ng hangin dahil sa pagod. Mas kinakabahan paako ng mas dumilim ang paligid. Ang kaninang Dilaw na buwan ay naging asul, kakaibang asul hindi siya yung tipong light na asul, may bahid na itim ito kaya medyo madilim.

"Ack shemay." daing ko ng madapa ako. Mas lalo akong kinabahan ng makarinig ng naglalakad, ramdam na ramdam ko ang pag apak nito sa mga patay na dahon. Tatayo nasana ako kaso bigla nalang may humawak sa paanan ko.

Lilingon na sana ako kaso--
--------

"SUMAAAA!!!"

"Oh shit!" bulong ko at agad naupo sa kama. Hingal na hingal at pinagpawisan akong naupo saktong pagbukas ng pinto ay siyang pagtayo ko rin.

"Omy gosh couz what happen to you?Bat pawis na pawis ka? Siguro nag excersise ka ano? Bat dika nagtell?Gosh marami na akong fats. Anyways maligo kana gorl! Pupunta daw tayo kila Tita Shi!" sabi ni Kyla na ikinatango tango ko.

Pagkatapos niya magsalita umalis nadin ito para daw sabihan yung kapatid niya.
Dumiretso Naman ako sa banyo at napatulala nalang habang umaagos yung tubig sa katawan ko. Nalilito parin ako sa napanaginipan ko, dadagan mopang naalala ko Yung nangyare kagabi. Sino ba yung nag utos sakin kagabi?

Iniwaksi ko nalang muna Ang mga katanungan at agad ng nag ayos. Pagkatapos ay nagbihis narin bago lumabas sa kwarto.

Saktong paglabas ko ay siyang pag labas din ni Kylie, nakatulala ito at kahit may nilagay na kaonting make up sa mukha medyo halata parin na puyat siya. Naalala ko tuloy Yung sinabi ni Tita Shi may kumokuntrol daw sakanya.

"Okay kalang Suma?" tanung ni Kylie na ikinabalik ko sa ulirat. Ikaw nga dapat Kong tanungin niyan e isip ko bago ngumiti at tumango sakanya.

"Tara na?" tanung ko bago siya inakbayan pababa.
Saktong pagkababa namin ay siyang paglabas ni Kyla galing sa kusina.

"Tara na! Nauna na si mommy,daddy at tita Ria. Susunod nalang daw si Lola at Lolo." sabi ni Kyla bago kami hinila.

"Ano bang okasyon ngayon Kyla at bat daw tayo pupunta don?" taka kong tanung.
"Sabi ni mommy birthday daw nung asawa ni Tita Shi." Sabi ni Kyla na ikinatango ko. Pagkarating sa bahay ni Tita Shi. Sinalubong agad kami ng isang lalaki hindi siya mukhang matanda mga nasa 30s pa sguro ito, nakangiti itong nakatingin sakin kaya ngumiti din ako pabalik ket diko naman kilala pero feeling ko ito Yung Asawa ni Tita Shi. Ang pogi niya din parang binata palang kung tignan.

"Hi po Goodmorning nanjan po ba sila mommy?" tanung ko na mas lalo niyang ikinangiti, nakakapagtaka Lang dahil kanina pa siya nakatitig sakin, nakakailang.

"Suma right?" Tanung niya na ikinatango niya.
"I'm Ric, call me Tito Ric ladies pasok kayo hinintay na kayo dun ng mga magulang nyo." sabi ni Tito Ric na nakatingin parin sakin, ano ba problema ni Tito?
"Thank you po, happy birthday din po pala." greet namin na ikinatango niya Lang ulit bago tumingin sakin. Nagsimula narin kaming maglakad papasok.

"Ang weird ni Tito Ric ah." bulong ni Kyla Ng makalayo na kami kay tito na ikinatango ko din,nahalata din pala nila.

Nasa Sala sila ng makapasok kami, seryoso ang mga mukha nila ng pumasok kami at halata ding parang galit na nairita si Tito Ram.

Taming The WolfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon