Chapter 1:Miskas

14 0 0
                                    


Enjoy!

-----

Suma

"Omooo Lolo!!!" sigaw ko ng huminto na Ang sinasakyan naming trycle at agad bumaba para mag mano Kay Lolo na ngayoy nakatayo sa labas ng bahay nila.

"Oy Ang laki laki na ng apo ko,halikayo sa loob naghanda na ng pagkain si Mildred." Sabi ni Lolo pagkatapos din magmano ni mommy Kay Lolo at binuhat yung dala ni mommy.

"LOLA!!!" sigaw ko na ikinagulat ni Lola Mildred.

"Naku Kang bata ka mamatay ako sa gulat dahil sayo e.halika nga dito." sabi niya saka ako hinalikan sa pisngi.

"Ma..." nakangiting Sabi ni mommy saka nagmano din.

"Buti naman at nakarating Kayo ng maaga anak.O sya kumain muna kayo gutom na sguro kayo sa haba ng byahe."

Agad akong naupo ng Makita ang adobo na luto ni Lola,kyaaa yum-yum!

Natatawang umupo narin si mommy at nagsimula naring kumain

Nagkwentuhan lang sila tungkol sa hacienda kaya Hindi na ako nakisali,pero Maya maya rin may naalala ako.

"Lola,kelan paba dadating sina Kyla at Kylie?" singit ko sa usapan nila na ikinalingon nla sakin.

"Sa Friday pa apo,may aasikasuhin pa kasi si Joy saglit sa syudad kaya matatagalan." paliwanag naman ni Lola na ikinatango tango ko. Ngi Ang tagal pa Tuesday pa kasi ngayon, wala akong kasama na mamasyal?? Napapout ako sa naisip at inubos na Ang kinakain.

Pagkatapos kumain ay iniwan Kona muna sila dun na nag uusap usap ng Kung ano ano tungkol sa hacienda at dumiretso sa silid ko.

Napangiti nalang ako ng makitang walang pinagbago Ang silid ko dito.Wew buti nalang at hindi nila tinapon ang mga gamit ko noon,2years din kaming Hindi bumisita ni mommy dito e tapos three days lang kami dito nung bumisita kami rito last two years ago.

Kamusta na kaya yung treehouse namin nila Kylie at Kyla? Mabisita nga yun bukas hihihi..
Buti nalang pala't bakasyon ngayon mataas taas ang stay namin ni mommy dito.

Tumambay lang ako sa kwarto buong maghapon at inayos Ang mga damit ko sa cabinet habang nagsasoundtrip.Ng mag gabihan na bumaba lang ako para kumain ng dinner pagkatapos ay dumiretso din agad sa kwarto para matulog.

Kinabukasan alas singko palang gising na Ang diwa ko kaya agad akong naligo at nagbihis bago bumaba.

Pagkababa naabutan ko naman si Lola na nagluluto na ng pang umagahan at si Lolo na nagbabasa ng dyaryo habang umiinom ng kape.

"Good morning po lo at la" bati ko sa dalawa sabay halik sa pisnge. Tumango lang si Lolo at focus na focus parin sa pagbabasa.

"Magkape ka muna iha o gatas,hindi pa kasi ako tapos dito malapit nadin naman ito kung gusto mo maghintay." Sabi ni Lola na ikinatango ko.

Hindi nalang ako sumagot at kumuha nalang ng pandesal tsaka sumubo.

Maya maya lang din bumaba narin si mommy na kagigising lang,natawa pa siya ng makitang gising naako ng maaga usually kasi sa bahay mga 9 or10 na ng umaga ako nagigising kaya ganun.

"O Ria,kumain na kayo't saktong sakto naluto na Ang pang umagahan." Sabi ni Lola saka hinain yung kanin at niluto nyang ulam.

Agad lumiwanag ang mata ko ng makitang may tocino na niluto ni Lola kaya agad naakong kumain.

Saktong tapos naakong kumain ng tawagin ako ni mommy na ikinalingon ko.

"Po?" Lingon ko sakanya.

Taming The WolfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon