Okay this is it! More comments po please! :) Thanks x
___________________________________________
KATHRYN'S POV
"Oy Sed! Kanina pa ako text ng text sayo."
I froze. Nung narinig ko ang boses na yun, I froze. Hindi ko alam, maybe because of anger? Kasi naalala ko all the pain he caused me? I don't know. Pero hindi, kakayanin ko to.
After all, siya ang dahilan bakit ako umuwi dito.
"Ah hindi ko narinig yung phone ko eh." sagot ni Sed sakanya.
"Tsk bingi?" sabi niya. Tsk suplado.
"Pabayaan mo na. Eh kasama si Anikka eh, anong ine-expect mo?" sabi ni Katsumi. Best friend din nila to.
"Oo nga pre." sabi pa ni Lester. Ito rin, best friend nila.
"Eh inlove si Sed eh, anong magagawa niyo? Hahaha t-teka, Kath?!" sabi ni JC, kapatid niya.
"Hi guys." I said and smiled. Wala ng atrasan to.
Lahat sila lumuwa ang mata sakin, I mean silang tatlo. Siya, kalma lang. Pero nakaiwas siya ng tingin sakin.
"Kath?! Ikaw ba yan? Hindi kita nakilala agad eh." sabi sakin ni Kats.
"OA lang? Eh mas humaba lang buhok nitong si Kath at nag-iba ang pananamit, hindi mo na agad nakilala?" sigaw ni Celine.
"Woah kelan ka pa bumalik Kath?!" tanong sakin ni Lester.
"Actually kahapon lang talaga."
"Ah so kamusta ka na Kath?" tanong ni JC.
"Alam niyo mahabang usapan iyan eh. Mabuti pa, kumain na tayo. Para makapag-usap tayo ng maayos." sabi ni Celine.
"Ang sabihin mo, gusto mo lang kumain. Patay gutom ka talaga." sagot ni Kats.
Binigyan lang siya ni Celine ng death glare. Hay parang pusa't aso tong dalawang to. Wala talagang pinagbago.
"So ano na Kath? How's life?" tanong ulit ni JC.
"Good. Very good." diniin ko ang pagkasabi ko at tumingin sakanya.
Ano bang problema nito? Eh parang wala lang sa kanya eh. Text lang ng text and take note, nakangiti! Argh nakakainis! Hello, andito ako! Andito yung sinaktan mo 3 years ago!
Ang sarap sabihin niyan but no. I'll be looking weak. He's physically present but mentally absent.
Kainis kang lalaki ka! Humanda ka talaga sa paghihiganti ko. I swear you'll regret everything.
"Eh kayo? Kamusta na kayo?" tanong ko at ngumiti.
"Eto, masaya. Wala namang pinagbago, same people na kilala mo 3 years ago." sagot sakin ni Lester.
"Really? Bad news yan. Same person? Edi masasaktan na naman ako nito?" sabi ko with a mischievous smile.
I looked at him and mas uminit yung ulo ko. He's just smirking.
"Omg this is so awkward!" pabirong sabi ni Kats.
"Awkward? I don't think so. Walang hiya naman kasi ang iba dyan. No reason para maging awkward." Boom. Tama ba tong ginagawa ko?
"Tsk. Walang hiya? Eh nag sorry na nga diba. Walang hiya pa rin?" For the first time, nagsalita rin siya. I guess I hit his ego.
"Sincere ba yung sorry? Eh sa pagkakaalam ko, napilitan lang eh. Diba Juls?" I'll win this.
Nag smile lang si Julia. I know this is awkard for all of them. Pero not for the two of us.
"It's the thought that counts, babe." Yuck.
"Whatever argh. Excuse me. CR lang ako." Nakakainis talaga!
"Wow Kath grabe yun! Nganga kaming lahat." sabi ni Julia.
"Ay ano ba Juls bakit ka ba pasulpot-sulpot?"
"Sorry naman. Just wanted to talk to you about this privately. Alangan namang sabihin ko yun sayo dun. Edi narinig nilang lahat."
"Oh siya siya sige na. Tara na nga."
"Wait, advice lang Kath. Keep it cool, ikaw matatalo pag ikaw ang maunang magalit."
"I'd keep that in mind."
Maybe I need a new plan.
Pabalik na kami ni Julia galing sa CR.
Nakita kong paalis na siya.
"Sandali! DJ!" Hindi ako makapaniwalang tinawag ko ang pangalan niya.
Lumingon siya sa akin. Tumakbo ako palapit sa kanya.
"I'm sorry. I'm sorry for how I acted kanina." At nagsimula na ang plano ko.
My revenge is near.
BINABASA MO ANG
My Sweet Revenge [Kathniel Fanfic]
Teen FictionAnong magiging reaksyon mo kung nalaman mong pinaglaruan ka lang pala ng taong mahal mo? Kasi ako, kinakamuhian ko siya at pinapangako ko na ipaparamdam ko rin sa kanya ang sakit na dinulot niya sakin. Ako si Kathryn Chandria Bernardo at sa pagbabal...