Hello guys! Dedicated to Nerdy_Hannah! Eto na hinihingi mo. Enjoy! :)
KATHRYN'S POV
He kissed me.
Wait, mali yun.
He is still kissing me.
We are kissing inside the elevator.
Sandali, mali ulit.
He is kissing me inside the elevator.
Siya lang naman kasi humahalik sakin eh.
I'm not kissing back.
Wait, hindi nga ba?
Aaah ano ba to? Hindi ko na alam kung anong nangyayari.
Basta alam kong mali to. Maling-mali.
Kaya isang bagay lang ang ginawa ko. Eto, eto ang tama.
"Aray! Putragis!" Napahiga siya sa sahig at napahawak dun sa ano niya, alam niyo na yun!
Sinipa ko yung ano niya kaya siya nagkaganyan. Yan ang dapat sa kanya!
"Uy DJ tumayo ka na nga dyan. Diba floor mo na to?"
Hindi siya sumagot. Hala nasobrahan ko kaya yung sipa ko?
"DJ..."
"Uy DJ, sumagot ka naman."
"Kath.." Ang hina ng boses niya, hala.
"DJ! Uy tumayo ka na! Nasa 7th floor na tayo."
"Kath tulungan mo ko. Hindi ko kaya."
"Ha? Ah, eh sige."
Tinulungan ko siyang tumayo. Nakaakbay siya sakin hanggang sa pumasok kami sa unit niya.
Pinaupo ko siya sa sofa. Ganun parin ang unit niya pero mas organized at malinis na ngayon.
So anong gagawin ko dito? Nakaupo siya pero namimilipit parin siya sa sakit.
Magso-sorry ba ako? Hay Kath ano ka ba! Bakit mo ba kasi yun ginawa?
"Uh DJ, uy sorry ha."
Unti-unti siyang tumingin sakin. Aaah bakit ako kinakabahan?
"Ba't mo ba kasi yun ginawa Kath. Badtrip naman eh." Napa-iling siya.
"Excuse me lang ah. Kasalanan mo yun. Bakit mo ba kasi ako hinalikan?" Shet bakit mo yun tinanong Kath? Ang awkward nun!
"Eh sinabihan kita pag hindi ka tumigil sa paghampas sakin, hahalikan kita. Hindi ka tumigil eh. Gusto mo ata." He nearly whispered the last part kaya hindi ko nadinig.
"That's not enough reason you jerk!"
"Kath, I gave you an option. You just chose to kiss me." He smirked.
"I did not kiss you, I know I didn't."
"Well wala ka siguro sa sarili mo kanina. Kasi ako? Ramdam na ramdam ko ang halik mo pabalik sakin."
"Shut up! Kadiri ka! Liar!" Pinaghahampas ko siya ng pillows.
"Kath, sige ka. Isang hampas pa, mangyayari ulit yung nangyari kanina."
Huminto ako. Ayoko kong maulit yun no! Ayoko, ayoko, ayoko!
"Yun naman pala eh. Gutom ka ba?"
"Huh? Ah medyo."
"Pagluto mo ko, Kath please."
Anong pinagsasabi nito? Just like the old times? Kapag andito ako sa condo niya, I cook for him. Kahit anong gusto niyang ipaluto.
"Baliw. Tatanungin mo ko kung gutom ako, tas sasabihan mo kong ipagluto kita."
"Edi para kainin nating dalawa. Sige na, hindi pa tayo naghahapunan eh." Nag pout siya.
"Basta huwag kang mag pout, pagluluto kita." Tumawa ako.
"Bakit, nate-tempt ka?" Nag smirk na naman po siya, hay.
"Ah ganun? Edi sige, magluluto na sana ako eh. Wag nalang."
"Ay joke lang naman yun, Kath. Ikaw naman, di mabiro."
Napatawa nalang ako at pumunta sa kitchen. Wow, ang daming laman ng ref ah. Ang daming ingredients. Andito lahat.
Nagsimula na akong magluto. Marunong akong magluto dahil nagpaturo ako kay Mom. Dahil din kay DJ. Ha ang dami kong ginawa para sa sira-ulong to.
"Kath, matagal pa ba yan?"
I shivered as he whispered from behind. Bakit ang lapit niya?
"A-ah malapit nalang to." Dahan-dahan akong tumingin sa kanya.
"Talaga ha? Sige ligo muna ko. Para tamang-tama luto na yan. Eh ikaw Kath, hindi ka ba maliligo?"
"Hindi, mamaya na siguro. Sige, mauna ka na."
Tumango siya at pumasok na sa kwarto niya.
Napatingin ako sa lugar na to. Ang daming memories dito. Masasayang memories.
"DJ! Bilisan mo na dyan! Baka lumamig na yung pagkain!" Sigaw ko, alangan namang pumasok ako sa kwarto nun.
Naisip ko bigla, ang saya sana kung kami parin, tapos ganito kami. Parang happy family. Ang saya sana. Kaso hindi eh. Hindi ganun kadali ang buhay. Mahirap magkaroon ng happy ending.
[A/N] Hi guys! Yay unexpected update! :)
BE A FAN. VOTE. COMMENT NGA MARAMI.
Salamat!
BINABASA MO ANG
My Sweet Revenge [Kathniel Fanfic]
Teen FictionAnong magiging reaksyon mo kung nalaman mong pinaglaruan ka lang pala ng taong mahal mo? Kasi ako, kinakamuhian ko siya at pinapangako ko na ipaparamdam ko rin sa kanya ang sakit na dinulot niya sakin. Ako si Kathryn Chandria Bernardo at sa pagbabal...