Chapter 5

799 10 1
                                    

KATHRYN'S POV

"I'm sorry. I'm sorry for how I acted kanina."

If you could have seen his face. I can tell that he's shocked. Well, sino bang hindi mabibigla eh kanina halos magpatayan na kami dito then now I'm apologizing.

"You are forgiven Kath." he said then he smirked. The nerve! Ugh ako naman ata ang na shock ngayon. Actually, dapat nga akong matuwa kasi he said that I'm forgiven and that was what I wanted to hear but he made it so cool na parang nakaka-offend. Argh how I hate him!

"Hay salamat naman. Actually, I dont want na magkagulo pa tayo. So, friends?" I'm kinda good at this.

"Really babe? So ano yung nangyari kanina?" I shivered as he whispered in my ear.

"Since when did you start calling me names?" I managed to be calm.

"Since you came back maybe?" He whispered again.

"Uum could you stop whispering in my ear? It gives me goosebumps."

"So I still have that effect on you huh?"

"Hmm I think so?" I replied.

This is my game. I will not show him that I'm weak. I will show him that I'm perfectly fine. So fine that I can flirt with him.

"Hay ano ba yan! Ang bipolar niyong dalawa. Kakastress kayo mga teh!" tsk baliw talaga tong si Kats.

"Kapag ikaw talaga, Katsumi Kabe, matuluyan. Hay nako!" sabi ni Celine.

"Acting lang naman. Feeling ko may future talaga ako eh." proud na proud na sabi ni Kats.

"Feelingero ka kasi kaya ganun!" sabi ni Celine at tumawa ng malakas.

"Hep! Tama na nga yan! Kakabati lang nung dalawang yun tapos kayo naman?" patukoy sa amin ni Anikka.

"Oo nga. Oy makinig kayo sa baby ko." dagdag ni Seth tsaka niyakap si Anikka. Aww sweet.

"Asus eto na naman si lover boy." tukso ni Lester.

"Tsk inggit ka lang!" sabi ni Sed at nagbelat pa. 

"Tsk bakit naman ako maiinggit? May Vangie ata ako." sagot balik ni Lester.

 "Guys movie tayo!" bungad ni Sed.

"Sige! Yun! Yun panuorin natin!" sabi ni Anikka at tinuro yung isang poster ng movie. Romance yung genre.

"Baby ang cheesy naman niyan. Dun nalang oh!" turo ni Sed sa poster ng isang horror film.

"Cheesy? Hindi kaya! Ang sweet kaya! Dito na kasi tayo!" pilit ni Anikka.

"Baby naman eh..." 

"Fine. Kung ayaw mo, edi wag. Hindi naman kita pinipilit eh. Kami nalang nina Kath manunuod ng movie na gusto namin." 

"Anikka naman eh. Oh sige na. Dun na rin ako."

So yun nga. We are watching the romantic film that Anikka suggested. But hindi ako maka-concentrate kasi I'm sitting beside DJ. Huh lucky day maybe?

Maya-maya pa he yawned. Tsk style niya bulok.

Bago pa siya makaakbay sakin, binulungan ko siya, "Ang bulok ng style mo."

"Nasa movie house kasi tayo Kath. Kaya hanggang akbay lang ako. You just wait." I can feel he smirked. 

"Well, wait it is." sabay ko sa hamon niya.

Medyo late narin natapos ang movie. So umuwi narin kami agad. Well hinatid parin naman ni Sed si Anikka kahit nagkakatampuhan sila. Ganun din sina JC at Gaby. Si Kats, Lester at Celine naman magkakasama pauwi. 

So kaming tatlo ni DJ at Julia ang natira dito.

Ihahatid na daw kami ni DJ. Edi pumayag na kami. As I said, gabi na rin kasi. Delikado.

"Um Juls, iuuna na kita ah? Una nating dadaanan yung sa inyo eh." sabi ni DJ habang nagmamaneho at lumingon kay Julia sa likuran. Ako kasi yung nasa shotgun seat.

Maya-maya pa ay dumating na kami sa bahay nina Julia.

"Thanks for the ride DJ. Uum ehem ingatan mo yan ah." patukoy sa akin ni Julia. Hay ang babaeng to talaga.

"Of course Julia." ngumiti si DJ. Hay nakaka-miss ang mga ganyan niyang ngiti.

"Kath, ganun ba talaga ako kagwapo?" nagulat ako ng bigla siyang nagsalita. Eh sobrang focus naman siya sa pagmamaneho kanina eh.

"A-ah? Saan naman nanggaling yang tanong na yan?"

"Sagutin mo nalang kasi muna."

"Eh bakit ba?"

"Kung makatitig ka kasi eh, parang gusto mo akong angkinin." he smiled devilishly.

"Uh in your dreams Padilla." I rolled my eyes.

"No Kath. I don't do "in my dreams." I make them real." I gasped nung hininto niya yung kotse at he moved his face closer to mine.

 _____________________________________

A/N: Pabitin mode. Hihihi sorry ah! I just need to do this. Nakaka thrill eh ;) Anyway, sa humingi ng update kanina, eto na. And btw, I need 5-10 votes and lots of comments para i-post ko yung next chap. Sorry again pero kailangan ko rin ng inspiration. Hahaha so yun... see you sa next chapter! 

My Sweet Revenge [Kathniel Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon